Posted: 28 Jul 2013 11:41 AM PDT
di sila nilamon ng lupa
silang namayapa sa pakikibaka para sa laya’t ligaya ng bayang pinakasisinta nasa pagaspas sila ng amihan nasa langitngit ng kawayan nasa dagundong ng alon sa dalampasigan nasa hagulhol ng mga ina nasa alimura ng mga ama at daing ng gumulong na mga bato at tagulaylay ng tinabas na damo. oo, di sila nilamon ng lupa silang nag-alay ng buhay para sa laya’t ligaya ng bayang pinakasisinta nasa kumakalansing silang mga kadena sa bilangguan ng dalita’t dusa nasa kadensa sila ng laksang mga paa sa naghihimagsik na lansangan ng protesta nasa himno sila ng lagablab ng apoy kung gabing abuhin ang papawirin at ayaw kumindat ang mga bituin. bakit sila mawawala’t lalamunin ng lupa? nasa dugo’t ugat sila ng mga sawimpalad nasa bawat himaymay sila ng kumukulo’t nagliliyab na utak nasa mga pusong taos magmahal sa katubusan ng masang sambayanan mga talahib silang nagsasayaw sa hangin tupukin man nang tupukin ay sisibol din mga pulang rosas silang muli’t muling isisilang at bubukadkad sa luntiang hardin ng mga pangarap. oo, di sila nawawala di sila nilamon ng lupa di sila mga putik sa pusalian ng balintunang lipunan di sila mga basurang nilalangaw o inuuod at namamahong bangkay manapa’y di sila nawawala di sila lalamunin ng lupa hanggang di naliligo ng dugo ang silangan at di lubusang nadudurog kuta ng uring gahama’t tampalasan! ### |
Sunday, July 28, 2013
Pinoy Weekly - Poem - Di Sila Nilamon Ng Lupa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment