Monday, July 29, 2013

Pinoy Weekly - video - Buntis, nasaktan sa demolisyon sa Carmina Compound, napilitang manganak (Citizen Video)


Click link to watch video
Posted: 28 Jul 2013 08:15 AM PDT

(Ang video sa itaas ay kuha ng ilang citizen journalists mula sa Gabriela-Muntinlupa. Kinuhanan nila ang pagkukuwento ni Margie Versoza, 35 anyos na residente ng Carmina Compound sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City, hinggil sa kanyang karanasan noong Hulyo 18.


Pinangungunahan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang mga tangkang pagdemolis sa kabahayan ng mga maralita sa Carmina Compound, sa udyok ng negosyanteng sinasabing may-ari raw nito, isang Sonia Lim. Mula noong nakaraang buwan, nagpasya ang mga residente na magbarikada para pigilan ang demolisyon sa kanilang mga bahay.
 
Noong Hulyo 18, muling nagdemolis ang demolition teams. Tulad ng ginawa ng ibang residente, nakiusap si Margie (na siyam na buwang buntis) sa demolition teams na huwag sirain ang kanilang bahay. Habang nakikipag-usap siya, dalawang beses siyang tinamaan ng binatong kahoy sa kanyang braso at tiyan. Noong gabing iyon, napuwersa si Margie na ipanganak ang kanyang sanggol — kahit hindi pa niya kabuwanan noon. –Ed.)


 
Transcript ng kanyang pagsasalaysay ng kanyang karanasan:

Margie Versoza: Araw ng demolisyon na ‘yun… Alas-nuwebe, nagbabatuhan. Tapos, hapon ulit ng alas-dos, nagbabatuhan ulit sila. Sabi ko sa mga pulis, paki-saway naman. Tapos, andami nang pulis na bumaba. Sabi nila, trabaho lang (ito). “Kasi pinapalayas na kayo, hindi pa kayo lumalayas. May mga dingding pa kayo,” sabi nung babae (pulis). “Tanggalin n’yo na ang mga bahay ninyo, sinabihan na kayong lumayas na diyan, di pa kayo nalayas.”


Sabi ko naman, “Eh bakit kami aalis?


 Saan kami matutulog, sa lupa?” Sabi ko sa kanya. Tapos, sige na ang batuhan, hindi na maawat yung batuhan nila (pulis at demolition team). Nung…ano na ‘yun, tatlo ang anak kong nakaharang sa akin…Nakaganyan yung isa, ito yung kamay ko, yung isa nakahawak sa hagdan. Pagkahawak ko sa hagdan, may nagbato. Nahagip itong kabilang kamay ko. Tapos sumunod yung tiyan ko. Nangalawa yun, nakababa na ako.


Ang sabi sa akin nung nagdedemolisyon, “‘Te, trabaho lang ito. Naaawa din kami, kasi katulad n’yo kami, iskuwater,” sabi niya. “Wala kaming magawa kasi talagang…ano kami, pinag-utusan lang talaga.”


Si Margie Versoza at ang ipinanganak niyang sanggol (Kontribusyon)Si Margie Versoza at ang ipinanganak niyang sanggol (Kontribusyon)


Sabi ko, “Sino kasi sa inyo ang nag-uutos?” Sabi niya, “Iyung nagbabayad sa amin.”  Tanong ko, “Magkano ba ang isang araw ninyo diyan?” Sabi niya, “Mura nga lang ‘teh, eh. Eh wala nga kaming snack.” Galing pala sa Frisco yung mga nagdedemolis dito. Marahas talaga yung ano…grabe talaga yung pagdemolis nila.


Malala talaga. Wala silang awa. Pag-aapak-apakan lang nila… Kung sino man ang nag-uutos sa kanila, sana makarating sa kanya, walang hiya ‘yung gawa niya sa amin dito. Kahit anong pakiusap, wala.


Ang gusto kong mangyari sana, mabigyang katarungan ang nangyayari dito eh. Nakakaawa naman yung wala…Paano naman kaming walang mapuntahan? Basta na lang kaming palalayasin na walang mapupuntahan.


Nanganak na ako. May pera ako sa pitaka, nagkawala-wala. Yung pambayad ko sa panganak. Dahil sa pangdedemolis nilang yan. Sabi ko, maawa naman kayo ma’am. Sabi ko sa mga pulis, ma’am, ser, maawa naman kayo. Sabi niya sa amin, trabaho lang.


Sabi niya, wala kaming magagawa. Hanggang sa sigaw ako nang sigaw, hindi ko na alam kung saan na naano…ang laman ng pitaka ko, P7,000 yun. Sa pag-anak ko yun eh. Nung nanganak ako, wala talaga ako, ni singkong duling, wala talaga. Buti na lang, yung kapitbahay ko, may pera siya. Siya ang nagbayad ng mga ano ko…dahil yung asawa ko, tinanggal din ni (First Lady?) dahil tao daw siya ni Aldrin.


Eh wala pang ano, kung ano ang resulta. Yung sa asawa ko, ang sabi raw, wala silang magagawa. Walang wala talaga kaming kapera-pera ngayon eh, kaya sana…mga anak ko, di na makapasok dahil diyan sa demolisyon na yan. Binabantayan ang mga ano namin…Binabantayan ng papa nila…imbes na makakuha pa ng trabaho, hindi makatrabaho, gawa ng pagdemolis na iyan, binabantayan niya kami.


Nakikiusap ako, na sana mabigyan ng katarungan ang (sitwasyon) naming ito, eh. Mararahas talaga sila. Sobra na nila. Wala silang awa, porke ganito kami. Kung sino man po ang nakakano niya, salamat po…


***

Kinagabihan pong iyon, yung epekto sa akin ng (pagbato), sobrang sakit talaga ng tiyan. Di ko talagang makayanan. Di na ako nadala sa ospital. Pilit ko na lang na (ininda). Dahil po sa demolisyon na yun kaya ako nanganak nang wala sa oras. Ang dapat na (kabuwanan) ko, (Hulyo) 28 pa, eh nanganak na ako ng 18 ng gabi.


Grabe po talaga yung nangyari sa akin. Dito lang ako sa bahay nun. Wala talaga akong kapera-pera. Buti na lang, may natawag akong kapitbahay. Sabi niya, “Bakit, ano na nangyari sa iyo?” Sabi ko, simula nang mabato ang tiyan ko, dun lang nag-epekto na nagsakit ang tiyan ko…

















No comments:

Post a Comment