Thursday, May 31, 2018

TULA PARA KAY ALDRIN

repost by 
Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy 31 June 2018

Buhat sa Nagdurugong puso ng isang Ina

Akda ni Nanette Castillo

TULA PARA KAY ALDRIN


Downloaded image


16yrs.old ako nang ikaw ay aking ipagbuntis,
Ang sabi nang iba akoy bata pa at walang alam,Baka akoy mahirapan
Subalit ng ikaw ay sumipa sa aking sinapupunan,
Agad agad ramdam kong akoy handa nang maging nanay.........
Agosto 24 ikaw ay aking isinilang,
Tuwat galak nadama ko nang una kang nasilayan,
sa iyong unang pag uha ako ay napangiti,
At mula sa sa aking dibdib ikaw ay aking binusog,
Galak koy di masukat nandiyan ka na aking anak......
Natuto kang gumapang,lumakad at tumakbo,
Sa bawat hakbang mo ako ay nakaantabay,
Pag ikaw ay nadarapa kagyat akong nakasaklolo,
Tanong ko kaagad"nasaktan ka ba aking anak"
Mga taon ay dumaan,ikaw ay nagbinata,
Lumaking masaya at ubod ng lambing,
Ikaw ang buddy ko,tropa ko at best friend ko,
At minsan pa nga ikaw ang aking kritiko,
O aking ALDRIN kay sarap maging nanay mo........
Ang panahon ay lumipas at ikaw ay nag asawa,
Ginusto mong bumuo nang sarili mong pamilya,
Akoy binalot ng lungkot isip ko ikaw ay lalayo,
Ngunit ang sabi mo sa akin ay "nandito lang ako mama di kita tatalikuran bagkus bibigyan kita nang apo"
Ang dami mong ambisyon,ikaw ay puno nang pangarap,
Ngunit lahat ng itoy biglang naglaho,
Pighati at lumbay ang sa akin ay bumalot,
Sa isang iglap anak ikaw ay naglaho
Gabi nang oct.2 ikaw ay pinaslang
Mga salaring naka motor at walang mga plaka,
mga mukha'y nakatakip wari'y ayaw makilala, mga mukha nilang sugo ng berdugong si duterte
Limang bala ang dagliang sayo ay kumitil sa utos ng dimonyo at pasistang c duterte,
Kanyang fake war on drugs na layon ay patayin,
Usher,pusher,inosente't walang malay,lagyan ng baril para wari silay nanlaban.......
O anak ko sakit moy dama ko,
Limang balang sayoy tumapos sa akin na lang sana tumagos,
Pagkat araw araw din akong binabaril ng katotohanang di ka na magbabalik.........
At sa iyong huling hantungan,inusal ko ang isang pangako,mga salarin ay tutugusin pati si duterte ay uusigin,
Di ako mapapagod,di ako matatakot,Hanap koy katarungan para sa iyo'y maihandog
Pangako yan ALDRIN pangako
Hindi kita bibiguin. 

#JUSTICEFORALDRINCASTILLO!