Monday, July 15, 2013

Reposting of Pinoy Weekly online

Pribatisasyon ng Health Services at hospitals : pagpapahusay para kanino?

Pinoy Weekly online



Kaalinsabay ng Protestang Bayan, sumugod sa harap ng tanggapan ng Department of Health ang mga kababaihan ng Gabriela para batikusin ang ahensiya sa mga hakbang nito para isapribado ang serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Tutol ang Gabriela sa pagpasok ng gobyerno sa Public-Private Partnerships sa Philippine Orthopedic Center, na anito'y mistulang pagsasapribado sa naturang ospital at lalong mahihirapang maakses ng mga maralita.

Inaasahang igagawad ng gobyerno ang kontratang PPP sa nag-iisang bidder sa POC, ang Megawide Corp., na kasosyo din ngayon ng pribadong ospital na World Citi Hospital.

Nakalinya rin sa pagsasapribado sa serbisyong pangkalusugan ang integrasyon sa iisang pasilidad ng tatlong malalaking pampublikong ospital, kasama na ang Fabella Memorial Hospital na siyang nag-iisang national maternal hospital sa Pilipinas.

“Walang malasakit o pakialam man lang ang gobyerno ni Aquino sa mahihirap. Winawalis na nga sa kanilang mga komunidad, papatayin pa sa kawalan ng serbisyo,” ani Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Pribatisasyon umano ang ipiniprisinta ng gobyerno na sagot para raw pagandahin ang serbisyong pangkalusugan ng mga ospital.

Pero tanong ni Salvador, "Paano ito makakabenepisyo sa serbisyong may bayad kung walang trabaho o maliit ang suweldo? Mayayaman lang ba ang may karapatang maging malusog?”


###

No comments:

Post a Comment