Sa madilim na tatlong taon ng “daang matuwid”
Bayan Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ukol sa Ika-3 taon ng rehimeng US-Aquino Hunyo 10, 2103
Madalas ipangalandakan ni Aquino ang
kanyang diumanong “daang matuwid” na may pangakong panagutin ang nagdaang
rehimen. Pero ang unang taon ng rehimeng Aquino ay kinakitaan ng kawalang ng kasersyosohan
sa paghahabol sa mga mandaramabong at prinsipal na salarin sa malawakang
paglabag sa karapatang pantao ng nagdaang rehimen. Nanatili ang paghahari ng
kawalang-pananagutan. Dinagdagan pa ito ng nagpapatuloy na mga katiwalian at
paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kasalukuyang rehimen.
Ginawang pokus ng sisi ng
kasalukuyang rehimen ang nagdaang rehimeng Arroyo para pagtakpan ang mga
kasalanan ng kasalukuyang rehimen. Pero hanggang buladas lang ang nagawa ni
Aquino sa usapin ng pagpapanagot kay Arroyo, na ngayon ay nasa hospital arrest sa
nag-iisang kaso ng plunder kaugnay ng pondo ng PCSO. Una nang nakapagpyansa si
Arroyo sa kasong election sabotage para sa eleksyong 2007 dahil mahina daw ang
ebidensya kaugnay nito. Walang naisampang kaso para sa “Hello
Garci” election fraud ng 2004 at sa sistematikong paglabag sa karapatang pantao
sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Si Jun Lozada, na prinsipal na testigo laban kay
Arroyo sa kasong NBN-ZTE ay pinabayaan naman ng rehimeng Aquino at hindi
tinulungan sa hiwalay na kasong kinaharap nito kaugnay sa Philippine Forrest
Corporation. Katunayan, pinahina ng rehimen ang kredibilidad ni Lozada nang
i-reappoint bilang pinuno ng Phil Forrest ang tauhan ni Arroyo na siya
ring pangunahing testigo laban kay Lozada.
Itinulak ni Aquino ang pagpapalit ng
Ombdusman pero hindi rin ito nangahulugan ng pagabante ng mga kaso laban sa mga
tiwaling opisyal. Halimbawa, ibinasura ng Ombdusman ang
kasong pandarambong laban sa lahat ng “pabaon generals” .
Bagama’t kinasuhan ang berdugong si
Gen. Jovito Palparan, bigo ang mga awtoridad na hulihin siya gayong malakas ang
hinala ng mga biktima niya na kinakanlong siya ng mga matataas na opsiyal
militar at iba pang makapangyarihang personahe. Ilang mga high-profile na
suspek ang hindi pa rin naaaresto ng rehimen, kabilang ang mga tinaguriang
mastermind ng pagpatay sa mamamayahag na si Dr. Gerry Ortega ng Palawan.
Inaasahang makakapagpyansa naman ang mga pangunahing suspek na mga opisyal at
tauhan ng 16th IB na sangkot sa pagpatay sa botanist na si Leonard Co at 2
kasamahan nya. Binigyan naman ng promosyon ang mga opisyal ng AFP na sangkot sa
iligal na paghuli at pagtortyur sa Morong 43.
Sa kabila ng mga buladas ng “daang matuwid”, nagpapatuloy naman ang iba’t ibang porma ng kurapsyon sa ilalim ng rehimeng Aquino. Sumasahol ang suliranin sa burukrata kapitalismo. Sangkot ang mga malalapit na kaibigan, kaklase, kamag-anak, mayor na campaign contributor ng Pangulo at ang iba’t ibang interes sa negosyo ng mga malalaking burgesya komprador. Itinataguyod ng rehimen ang mga kwestyunableng mga proyektong PPP at kontrata na nagbibigay ng mga pribilehiyo at garantiya sa tubo sa mga pribadong negosyo (kabilang na ang mga kroni), habang ibayong pabigat naman ang pinapasa sa mamamayan. Kapansin-pansin din na ang economic team ni Aquino kasama ang iba pang opisyal sa gabinete ay pawang mga kintawan ng malalaking negosyo. Sila ang naglalakad sa interes ng mga lokal at dayuhang negosyante. Halimbawa, ginawan ng paraan ng economic at legal team ni Aquino na mabigyan ng ECC ang X-Stra SMI, ang tinatayang pinakamalakaing dayuhang kumpanya ng mina sa bansa, kahit malaganap ang pagtutol dito ng mamamayan. Ang mga ito ang pinakamalaki at sistematikong porma ng katiwalian sa ilalim ng rehimeng Aquino.
Hindi rin binasura ng rehimeng Aquino
ang ilang maanomalyang kontrata na pinagtibay ng mga nagdaang rehimen tulad ng
sa MRT 3 na nagbaon sa bansa sa napakalaking utang, ang kwestyunableng kontrata
sa PAGCOR Entertainment City na may bahid ng panunuhol (Okada), at maging ang
mga maanomalyang kontra sa kuryente na may mga take-or-pay provisions.
Maging ang kwestyunableng pagbili ng Comelec sa mga PCOS machines ay hindi
tinutulan ni Aquino.
Pawang buladas lang ang “daang
matuwid” sa ilalim ng rehimen. Ipinapakita sa
aktwal na pamamahala nito ang pagpabor sa interes ng mga mapagsamantala at sa bulok na kaayusan.
Panapanahon, kapag kailangan ng masisisi si Aquino at kapag kailangang mas
manlansi ng publiko, pakunwari'y sinusulong ang pagpapanagot kay Arroyo
at mga alipores nito.
Lumilitaw na ngayon mula sa hanay ng
panggitnang pwersa ang mga mas kritikal o tuwirang bumabatikos sa
rehimeng Aquino. Nagpahayag na sila ng pagkadismaya sa kawalan ng aksyon ng
rehimen sa mga pangako nitong magsusulong ng “tuwid na daan”. Ilan sa kanila ay naging bahagi din ng malapad na hanay laban
kay Arroyo.
###
No comments:
Post a Comment