NAKABUROL NA PAG-ASA:
Posted by Felipe Unlayao Facebook June 12, 2013 1209 CETSa damdamin ng bayan ay makulimlim na langit.
Madilim na pangakong walang bukas na hatid.
Ang pag asam sa paglaya´y bangungot na panaginip.
Kabiguan sa mga puso kahit man lamang isang saglit
Lumingap ng pag-asang sa lupa´y sumapit.
Madahas na alimpuyo at makapal na kadiliman.
Ang natatanaw sa bawat bukas nagigisnan.
Anak na nilusawan ng pangarap at pag-asam.
Na ang lambong sa mukha´y kanilang wakasan.
lumilihis sa panatang laya´t dangal ay babantayan.
Sa kay haba ng gabing tila walang pagkatapos.
Kay pait ng kapalarang sa kasaysayan bumaluktot.
Laksang kasawian, sa lupa´y nagpalugmok.
Kahapon mo´t ngayon, kapalarang humahambalos.
Ang damdaming makabaya´y unti unting nalulunos.
Kaya sa puso ng mga anak ngayon ay nakaburol.
Nakahimbing na pag-asang sa dibdib di magbangon.
Bigong pag-aasam , tila kay lalim nang nakabaon
Sa mga isip at diwa, pilit binubura ang paghamon.
Na agawin sa dusa at ipaglaban ang layang layon.
Kaya´t ang bawat tanong ay may talim na pangutya.
Sumusugat sa mga damdaming umaasam sa paglaya .
May mapapala pa ba kung maghangad ng pag-asa ?
Gayong nasa iilang kamay ang bukas mo nakatakda.
Laya, dangal at likas ng baya´y palalong dinudusta.
EPOY
No comments:
Post a Comment