Thursday, June 13, 2013

Lumalalang krisis at ang huwad na kaunlaran

Lumalalang krisis at ang huwad na kaunlaran

Bayan  Pambansang Komiteng Tagapagpaganap  ukol sa  Ika-3 taon ng rehimeng US-Aquino at nalalapit na SONA                                                                                                                       Hunyo 10, 2103 



Nitong mga nakaraang buwan, sunud-sunod ang diumano magagandang balita sa ekonomya. Tatlong magkakasunod na investment grade rating ang ibinigay sa Pilipinas ng mga ahensyang credit rating kabilang ang Fitch Ratings, Standard & Poor’s (S&P) at Japan Credit Rating Agency Ltd. Sinundan ito NG anunsyo ng 7.8% na paglago sa gross domestic product (GDP) sa unang kwarto ng taon, pinakamabilis sa buong Asya. Kasabay nito ang ulat na umusad ang ranking ng bansa sa World Competitiveness Report na sumusukat sa husay ng ekonomya, gobyerno, negosyo at imprastruktura.

Tulad ng inaasahan, ipinagmamalaki ng rehimeng US-Aquino ang mga balitang ito sa ekonomya. Idinidiin nito ang propaganda ng “good governance is good economics”. Nasa mas mataas na direksyon (trajectory) na raw ang paglago ng ekonomya. Hindi rin daw ito simpleng bunga lang ng nagdaang eleksyon. Katunayan daw, pinakamabilis ang paglago ng GDP ngayon kumpara sa mga nagdaang halalang pang-midterm. Pero aminado rin ang Malacañang na di ito nararamdaman ng masa. Hindi naman daw kasi agarang maaambunan ng pakinabang (trickle down) ang ordinaryong tao sa paglago ng GDP. Gayunman, kailangan lang daw masustini ang paglago para maramdaman ito ng mamamayan. At nariyan naman daw ang conditional cash transfer (CCT) para sa mahihirap nating kababayan.

Sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, lumilitaw na ang pinakamatingkad na kabalintunaan ay ang malusog daw na ekonomya ng bansa batay sa paglago ng GDP at pagtingin ng mga lokal at dayuhang negosyo. Sa gitna kasi nito ang di maitatagong lumalalang kahirapan ng mamamayan, bagay na kahit mga ekonomistang mainstream ay di maipagkaila. Sadlak pa rin sa permanenteng krisis ang lipunang mala-pyudal at mala-kolonyal. Samantala, patuloy ang pagsasamantala sa masang anakpawis ng mga malaking burgesya kumprador, panginoong may-lupa at burukrata kapitalista kasabwat ang mga dayuhang monopolyo kapitalista. Tanging sila ang nakikinabang sa sinasabing paglago ng ekonomya.


“Paglago” ng ekonomya sa lipunang atrasado

Hindi ekstra-ordinaryo ang itinalang paglago ng GDP sa unang kwarto ng 2013, pinakamataas sa termino ni Pangulong Benigno Aquino III. Karaniwan nang mabilis ang paglago nito tuwing taon ng halalan. Noong huling eleksyong pampanguluhan, halimbawa, lumago sa unang kwarto ang GDP nang 8.4% at sinundan pa ng 8.9% sa ikalawang kwarto. Tuwing halalan kasi, bumubuhos ang limpak-limpak na salapi. Kasama na rito ang mas malaking gastos ng pamahalaan, mga pulitiko at mga negosyanteng tumataya sa mga kandidato. Kasama sa gastos sa kampanya ang malawakang bilihan ng boto at bayad para sa libu-libong ini-empleyo ng mga pulitiko’t partido. Kaya naman, pansamantalang nagkakaroon ng pambili ang mga dating wala o kulang ang kita. Hindi naman ito iimpukin kundi agad na gagastusin na panandaliang nagpapasigla sa konsumo.

Lumago ang government final consumption expenditure nang 13.2% habang nagtala naman ng 45.6% na paglago ang publikong konstruksyon. Indikasyon ito na itinaon ng administrasyon ang paglalabas ng napakalaking pondong bayan sa panahon ng kampanya. Kasama na rito ang CCT at mga proyekto para sa local government units (LGU) upang tiyakin ang kanilang suporta sa halalan. Samantala, lumago rin ang household final consumption expenditure nang 5.1%. Indikasyon naman ito na mas maraming pera ang umiikot sa ekonomya dahil nga sa halalan, liban pa sa tuluy-tuloy na remitans ng overseas Filipino workers (OFWs) na pinanggagastos din ng kanilang mga pamilya. Kung titingnan ang GDP ayon sa sektor ng ekonomya, pinakamabilis ang naging paglago ng industriya (10.9%), partikular ang konstruksyon (32.5%) at pagmamanupaktura (9.7%). Muli, ang masiglang pagmamanupaktura ay maaaring bunsod ng panandaliang paglaki ng konsumo dahil sa eleksyon.

Ganito rin marahil ang kalalabasan ng GDP sa ikalawang kwarto ng taon. Pwedeng mas malaki pa nga ang magiging paglago dahil mas maraming bumubuhos na pera sa ekonomya habang lumalapit ang eleksyon. Gayunman, hindi pangmatagalan ang nangyayaring paglago ng GDP. Bukod sa halalan, patuloy ding itinutulak ang paglago ng ekonomya ng mga panlabas at di-pangmatagalang salik gaya ng remitans ng mga OFW at business process outsourcing (BPO). Halimbawa, pangalawa sa publikong konstruksyon, ang pribadong kontruksyon ang nagtala ng pinakamalaking paglago (30.7%).

Lumago ang konstruksyon, real estate at mga kaugnay na industriya (6.3%) dahil sa paglaki ng demand para sa pagtatayo ng mga commercial space na kailangan ng business process outsourcing (BPO) gaya ng mga call center. Itinulak din ito ng pagtaas ng demand para sa residential property, na bunga naman ng patuloy na paglago ng remittances mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs). Umabot sa $21.39 bilyon ang remitans noong 2012, pinakamalaki sa kasaysayan. Ibig sabihin, ang pangunahing tagapagtulak pa rin ng GDP growth ay mga panlabas na salik at hindi ang lumalakas na lokal na industriya at agrikultura. Katunayan, mas mabagal ang paglago ng manupaktura at agrikultura noong nakaraang taon at patuloy na pagliit ng kanilang kontribusyon sa GDP.

Ipinapakita ng sitwasyong ito ang patuloy na pangingibabaw ng katangiang atrasado, malapyudal at malakolonyal ng pambansang ekonomya. Bunga ito ng deka-dekadang pagpapatupad ng mga programang nagsisilbi sa interes ng mga imperyalistang bansa, pangunahin ng US, kunsaan tambakan tayo ng kanilang kalakal habang pinagkukunan ng murang hilaw na materyales at mga semi-manufactured goods bukod pa sa pagsasamantala sa ating murang lakas-paggawa. Pinalala ito ng mga patakarang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at denasyunalisasyon ng pambansang ekonomya na bumansot sa industriya at wumasak sa agrikultura. Ito rin ang nagpapaliwanag kung bakit permanente ang krisis sa hanapbuhay sa Pilipinas kahit pa nagtatala ng paglago ang GDP.


“Pag-unlad” para kanino?

Ang pagtaas ng GDP ay hindi agad nangangahulugan ng pag-angat ng kalagayan ng mamamayan. Sa sistemang mala-pyudal at mala-kolonyal, anumang “pag-unlad” ay pangunahing pinakikinabangan lamang ng mga naghaharing uri at pinipiga mula sa mga uring pinagsasamanatalahan.

Walang patid ding ipinagmamalaki ng administrasyong Aquino ang sunud-sunod na investment grade rating ng Pilipinas mula sa mga pandaigdigang ahensya. Pero tulad ng GDP, pawang mga imbestor lamang ang natutuwa sa mga indicators na ito, hindi ang ordinaryong tao. Ang paglago ng GDP, paborableng credit standing at masiglang stock market, ay pawang natamo sa isang ekonomyang pinagtutubuan ng iilang mayamang pamilya at ng mga dayuhan. Katunayan, nakamit ang mga positibong indicator na ito sa pamamagitan ng ibayong pagsasamantala sa mamamayan.


Halimbawa, maganda ang credit rating ng Pilipinas dahil masugid itong pumiga ng buwis sa mamamayan at naglalan ng malaking halaga para ipambayad sa utang. Pinagpatuloy ni Aquino ang batas sa automatic debt servicing na tinutuyo ang kabang bayan at wala halos itinitira para sa serbisyong panlipunan. Sa panahon ni Aquino, nasa 70% ng total revenues at 53% ng total expenditures ang katumbas ng pagbayad-utang. Sa lahat ng pambansang badyet ni Aquino, ang badyet sa utang ay katumbas ng average na 2.5 na ulit ng badyet sa edukasyon; 6.4 na ulit ng para sa kalusugan; at 11.2 sa pabahay. Nakamit din ang positibong credit rating dahil sa pagpapatupad ng mga mapaniil na buwis tulad ng 12% value-added tax (VAT) at bagong Sin Tax Law kasabay ng mga bagong bayarin sa serbisyong gobyerno na ipinatupad sa ilalim ng Administrative Order (AO) 31 ni Aquino.


Lumalalang krisis sa trabaho, kahirapan at gutom

Patuloy na hinahagupit ng krisis ang napakalaking mayorya ng mamamayang Pilipino. Sa gitna ng paglago ng GDP at pagiging “rising tiger” daw ng Pilipinas, humaharap sa lumalalang kawalan ng trabaho, kagutuman at kahirapan ang milyun-milyon nating kabababayan. Hindi nagaganap ang sinasabing inclusive growth ng administrasyong Aquino o ang paglago ng ekonomya na pinakikinabangan ng lahat.

Kung pagbabatayan ang mga sarbey ng Social Weather Stations (SWS), makikita ang tumitinding krisis sa kabuhayan na pinapasan ng mamamayan. Mula 2010 hanggang 2012, lumaki ang bilang ng walang trabaho nang 2.7 milyon. Sa pareho ring panahon, dumami ang mga pamilyang nagsasabing nakaranas sila ng gutom nang 500,000 (o may 2.5 milyong katao) habang lumobo naman ang bilang ng mga pamilyang itinuturing ang sarili na mahirap nang 1.5 milyon (o may 12.5 milyong katao).

Pilit itinatago ng gobyerno ang matinding krisis sa trabaho gamit ang mahika ng opisyal na estadistika kunsaan di binibilang ang mga “discouraged workers” sa hanay ng walang hanapbuhay. Pero kahit sa ganitong pamantayan ay malala pa rin ang kawalan ng trabaho, halimbawa, kung ikukumpara sa mga karatig-bansa sa Asya. Ipinapakita nito na balewala ang ipinagmamalaking pinakamabilis na paglago na GDP sa rehiyon.

Sa tinipong datos ng Bangko Sentral Pilipinas (BSP) noong huling kwarto ng 2012, nagtala ang Pilipinas ng 6.8% opisyal na unemployment rate, napakalaki kumpara sa Thailand (0.5%); Singapore (1.8%); Malaysia (3.1%); South Korea (2.8%); Taiwan (4.3%); at China (4.1%). Isa pang indicator ng malubhang krisis sa trabaho ang patuloy na lumalaking bilang ng OFWs. Sa panahon ni Aquino, lampas 4,400 manggagawa ang umaalis ng Pilipinas araw-araw para maghanapbuhay sa ibang bansa mula sa dating lampas 2,000 araw-araw noong maaga bahagi ng nakaraang dekada.

Samantala, ang maliit na bilang ng may hanapbuhay naman ay nagkakasya lamang sa trabahong mababa ang kalidad, napakaliit ng sahod at walang kasiguruhan. Batay sa pinakahuling ulat (Enero 2013) ng National Statistics Office (NSO), nasa 7.02 milyon ang underemployed o may trabaho pero kulang. Batay sa tipo ng trabaho, 10.2 milyon ang “self-employed without paid employees” gaya ng sidewalk vendor, labandera, maliit na sari-sari store, at iba pa. Nasa 3.6 milyon naman ang “unpaid family workers” gaya ng anak ng mga magsasaka o manggagawang bukid na tumutulong sa sakahan o plantasyon. Tumatanggap ang mga sahurang manggagawa ng hindi nakabubuhay na sahod. Sa National Capital Region (NCR), halimbawa, mas maliit pa rin ang kasalukuyang minimum na arawang sahod na 419-456 kumpara sa tinatayang family living wage na nasa 1,034 kada araw nitong Disyembre 2012, ayon sa IBON Foundation. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang atake sa mababang sahod ng mga manggagawa tulad ng two-tier wage system kung saan nagtatakda ng floor wage na mas mababa pa sa minimum na sahod. Matindi ang kawalang-seguridad sa trabaho bunga ng patuloy na kontraktwalisasyon.


Sa kanayunan kung saan naroon ang mayorya ng mamamayan, higit na malala ang kahirapan at kawalan ng kabuhayan. Tulad ng inaasahan, walang nangyayari sa pangakong repormang agraryo ng asenderong Pangulo sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper). Katunayan, sa pag-aaral ng IBON Foundation, pinakamababa ang average land distribution (14,942 ektarya kada buwan) sa termino ni Aquino sa lahat ng mga Pangulong post-Marcos. Nasa 66% pa ng naipamahagi sa ilalim ng Carper ang government lands at di iyong mga naglalakihang plantasyon o asyendang hawak ng mga panginoong maylupa. Napakababa na nga ng target, nahuhuli pa ng limang taon ang Carper sa usapin ng pamamahagi ng lupa. Tampok na kasalanan ng rehimeng Aquino ang hanggang ngayon na hindi pamamamhagi ng Hacienda Luisita sa mga magbubukid.


Nagaganap ang paglala ng kahirapan at kagutuman sa kabila ng ipinagmamalaking paglawak ng nakikinabang sa programang CCT ng pamahalaan. Sa pagitan ng 2009 at 2012, lumobo ang bilang ng benepisyaryo ng CCT nang 407% (3 milyon mula sa 594,356 pamilya) gayundin ang badyet nito nang 688% (39.4 bilyon mula sa 5 bilyon). Maliwanag na walang epekto sa napakatinding kahirapan ng mamamayan ang CCT na pinupondohan ng pautang ng Asian Development Bank (ADB) at World Bank.


Pinasasahol pa ang kalagayan ng mamamayan ng walang humpay na demolisyon ng mga komunidad ng maralita na karamihan ay resulta ng mga isinusulong na proyektong public-private partnership (PPP) kapwa ng Malacañang at mga local government units (LGUs). Marami sa mga ito ang naging marahas at madugo katulad ng demolisyon sa Silverio Compound sa Parañaque kunsaan isa ang napatay ng mga rumespondeng SWAT habang di bababa sa 36 ang sugatan at 33 inaresto. Ngayong Hunyo ay may anunsyo muli ang DILG ng sapilitang pag-relocate ng mga komunidad sa may estero at katulad na lugar dahil sa tag-ulan na. Ang problema pa rin ay walang maayos na serbisyong pabahay ang gobyerno para sa kanila.

Malalaking burgesya-kumprador, panginoong maylupa at mga dayuhang korporasyon lamang ang nakikinabang sa ipinamamaraling paglago ng ekonomya ng administrasyong Aquino. Makikita ito sa lumalaking yaman ng pinakamayayamang negosyante sa bansa at ng mga transnational corporations (TNCs) na may operasyon dito. Sa tinitipong datos ng magasing Fortune, tumalon ang pinagsama-samang yaman ng 40 pinakamayayamang Pilipino mula sa $22.8 bilyon noong 2009 sa $34 bilyon noong 2010 at sa $47.43 bilyon noong 2011. Kabilang sa pinakamayayamang negosyante sina Henry Sy, Lucio Tan, Enrique Razon Jr., John Gokongwei Jr., David Consunji Jr., Andrew Tan, Jaime Zobel de Ayala, George Ty, Roberto Ongpin, Danding Cojuangco at iba pa. Bagama’t wala sa listahan ng Forbes, isa sa pinakamalaking negosyante sa bansa si Manny V. Pangilinan, na pinupondohan din ng mga dayuhang imbestor. Samantala, 36.3% ng pinagsama-samang gross revenues ng top 1,000 corporations sa Pilipinas noong 2011 ang hawak ng mga TNC. Mas malaki ang konsentrasyon ng kita ng mga TNC sa sektor ng pagmamanupaktura kung saan kontrolado nila ang 61.7 percent.

Pinalalawak ng mga malaking burgesya-kumprador at katuwang nilang dayuhang korporasyon ang kanilang negosyo sa pagpasok sa programang public-private partnership (PPP) ng administrasyong Aquino. Di na bago ang PPP o pribatisasyon ng mga imprastruktura at maging ng mga batayang serbisyo na sinimulang ipatupad sa Pilipinas noong 1980s sa pamamagitan ng structural adjustment program (SAP) ng International Monetary Fund (IMF) – World Bank. Sa panahong 1984-2011, umabot sa $11.4 bilyon ang halaga ng mga kontratang PPP na pinasok ng pamilyang Ayala; $7.4 bilyon, pamilyang Lopez; grupo ni Pangilinan, $5.3 bilyon; Cojuangco/San Miguel Corp., $2.9 bilyon; at pamilyang Aboitiz, $2.8 bilyon. Pinasok nila ang mga istratehikong sektor ng telecommunications, serbisyo sa tubig, enerhiya at kuryente, transportasyon, piyer at paliparan. Sa PPP ni Aquino, nakapwesto pa rin ang mga pamilya’t grupong ito kapartner ang mga dayuhang kumpanya at puntirya ang pribatisasyon ng mga ospital (hal. ang Philippine Orthopedic Center na sinasabing target  ni Henry Sy), LRT at MRT (na target ng tambalang MVP-Ayala), mga expressway, airport, planta ng kuryente at iba pa.


Napakalaking tubo ang kinakamal ng mga burgesya-kumprador sa PPP habang napakabigat na pasanin naman ang dinadala ng publiko. Halimbawa, dahil sa walang tigil na pagtaas ng singil sa kuryente at tubig, tumaas ang tubo ng Manila Electric Co. (Meralco) nang halos 8%, sa 12.9 bilyon, sa siyam na buwan ng 2012. Sa parehong panahon, nagkamal din ng 5 bilyong tubo ang (mas mataas ng 13%) ang Maynilad Water Services Inc. at ang Manila Water Co. na tumubo nang 3.9 bilyon (mas mataas nang 26%). Nakaamba ang panibagong malaking pagtataas ng singil sa tubig sa Hulyo dahil sa rate rebasing ng MWSS habang tuluy-tuloy ang pagtaas ng singil sa kuryente. Ang pagsirit ng singilin sa kuryente at tubig, ang pagtaas ng toll sa mga expressway, ang banta ng pagtataas ng pasahe sa LRT at MRT, ang mga kongkretong epekto ng patakarang pribatisasyon. Dagdag na pabigat din ang deregulasyon at dayuhang monopolyong kontrol sa langis na syang dahilan ng pagtataas ng presyo.

###

3 comments:

  1. Pagbati aking mahal
    Hindi ko talaga alam kung saan sisimulan ang aking patotoo mula sa dahil napakasaya kong pangalan ay Esteri Mumpung, mula sa Phillipine, Mrs Rebacca Alma ay dumating upang mailigtas ako sa aking buhay at pinunasan ang lahat ng aking mga kalungkutan.
    Nakapagtataka kung naisip kong natapos ang lahat sa akin, labis akong may utang na loob na ang mga taong hiniram ko sa gang ay nilaban ako at pagkatapos ay inaresto ako bilang isang resulta ng aking utang. nakakulong nang maraming buwan ang biyaya ay ibinigay sa akin nang ako ay ma-uli at pinakawalan upang pumunta at kumita ng pera upang mabayaran ang lahat ng mga utang na natanggap ko kaya sinabihan ako na mayroong mga lehitimong online na nagpapahiram kaya kailangan kong maghanap sa mga blog na ako ay ginulangan. ngunit nang matagpuan ko ang REBACCA ALMA LOAN COMPANY, inutusan ako ng Diyos sa kanya at sa isang blog dahil ang pag-akit ko sa ito ay tunay na isang himala siguro dahil nakita ng Diyos na marami akong pagdurusa na dahilan kung bakit niya ako iniuutos sa kanya. Kaya't nag-apply ako nang may masigasig pagkatapos ng ilang oras na inaprubahan ng Lupon ang aking pautang at sa 24 na oras ay na-kredito ako sa eksaktong halaga na aking nilalayon para sa lahat ng ito nang walang karagdagang garantiya ng mga Personal na Pautang habang nakausap ko ka ngayon limasin ang lahat ng utang ko at mayroon akong sariling supermarket at pamumuhunan na nangyayari sa Pilipinas at Indonesia, magbubukas lang ako ng isang mall sa Malaysia hindi pa matagal na at hindi ko kailangan ang tulong ng ibang tao bago ako magpakain o kumuha ng pananalapi, kahit anong desisyon ko ay walang negosyo sa Pulis, ngayon ay isang malayang babae na ako.
    Nais mong makaranas ng kalayaan sa pananalapi tulad ko, mangyaring makipag-ugnay sa Ina sa pamamagitan ng email ng kumpanya: (rebaccaalmaloancompany@gmail.com) makipag-ugnay din kay Mrs. Rebbacca sa pamamagitan ng numero ng whatsapp 14052595662.

    Hindi mo maipagdebate ang katotohanan na sa mundong ito ng mga paghihirap na kailangan mo ng isang tao na makakatulong sa iyo na malampasan ang turnover financial sa iyong buhay sa isang paraan o sa iba pa, kaya't binigyan kita ng utos na subukan at makipag-ugnay kay Mrs. Rebacca Alma sa address sa itaas kaya ikaw maaaring malampasan ang mga problemang pampinansyal sa iyong buhay.

    Maaari mo ring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng aking email: (esterimumpung77@gmail.com)) Palaging pagiging positibo kay Gng. Rebacca Alma dahil makikita ka niya sa lahat ng iyong mga hamon sa pananalapi at pagkatapos ay bibigyan ka ng isang bagong pananaw sa pananalapi at kalayaan upang malampasan ang lahat ng iyong pagkabahala . Pagpalain nawa kayong lahat.

    ReplyDelete
  2. MABUTING BALITA !!!

    Ang pangalan ko ay Lady Mia, nais kong gamitin ang media na ito upang paalalahanan ang lahat ng mga naghahanap ng pautang na maging maingat, dahil may pandaraya kahit saan, magpapadala sila ng mga pekeng dokumento sa kasunduan at sasabihin nila na walang pagbabayad nang maaga, ngunit sila ay mga manloloko, dahil hihilingin nila ang pagbabayad ng mga bayad sa lisensya at mga bayad sa paglipat, kaya mag-ingat sa mga mapanlinlang na Kompanya ng Pautang.

    Ang mga tunay at lehitimong kumpanya ng pautang ay hindi hihilingin ng patuloy na pagbabayad at hindi nila maaantala ang pagproseso ng mga paglilipat ng pautang, kaya't maging matalino.

    Ilang buwan na ang nakararaan ako ay pinansiyal at nababalisa sa pananalapi, ako ay nalinlang ng maraming mga online na nagpapahiram, halos nawalan ako ng pag-asa hanggang sa ginamit ng Diyos ang aking kaibigan na tinukoy ako sa isang napaka-maaasahang tagapagpahiram na nagngangalang Ms. Si Cynthia, na nagpautang sa akin ng isang hindi ligtas na pautang na Rp800,000,000 (800 milyon) nang mas mababa sa 24 na oras nang walang palaging pagbabayad o presyon at rate ng interes lamang ng 2%.

    Laking gulat ko nang suriin ko ang balanse ng aking account sa bangko at natagpuan na ang halaga na inilalapat ko ay ipinadala nang direkta sa aking bank account nang walang pagkaantala.
    Dahil nangako ako na ibabahagi ko ang mabuting balita kung tinulungan niya ako sa isang pautang, upang ang mga tao ay madaling makakuha ng pautang nang walang stress o pandaraya
    Kaya, kung kailangan mo ng anumang pautang, mangyaring makipag-ugnay sa kanya sa pamamagitan ng tunay na email: cynthiajohnsonloancompany@gmail.com at sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, hindi ka niya bibiguin kahit kailan kumuha ng pautang kung susundin mo ang kanyang mga order.
    Maaari mo ring makipag-ugnay sa akin sa aking email: ladymia383@gmail.com at Sety na nagpakilala at nagsabi sa akin tungkol kay Ms. Cynthia, narito ang kanyang email: arissetymin@gmail.com

    Ang gagawin ko ay subukang matupad ang aking mga pagbabayad sa pagbabayad sa utang na ipapadala ko nang direkta sa account ng kumpanya bawat buwan.

    Ang isang salita ay sapat para sa mga marunong.

    ReplyDelete
  3. kesaksian nyata dan kabar baik !!!

    Nama saya mohammad, saya baru saja menerima pinjaman saya dan telah dipindahkan ke rekening bank saya, beberapa hari yang lalu saya melamar ke Perusahaan Pinjaman Dangote melalui Lady Jane (Ladyjanealice@gmail.com), saya bertanya kepada Lady jane tentang persyaratan Dangote Loan Perusahaan dan wanita jane mengatakan kepada saya bahwa jika saya memiliki semua persyarataan bahwa pinjaman saya akan ditransfer kepada saya tanpa penundaan

    Dan percayalah sekarang karena pinjaman rp11milyar saya dengan tingkat bunga 2% untuk bisnis Tambang Batubara saya baru saja disetujui dan dipindahkan ke akun saya, ini adalah mimpi yang akan datang, saya berjanji kepada Lady jane bahwa saya akan mengatakan kepada dunia apakah ini benar? dan saya akan memberitahu dunia sekarang karena ini benar

    Anda tidak perlu membayar biayaa pendaftaran, biaya lisensi, mematuhi Perusahaan Pinjaman Dangote dan Anda akan mendapatkan pinjaman Anda

    untuk lebih jelasnya hubungi saya via email: mahammadismali234@gmail.comdan hubungi Dangote Loan Company untuk pinjaman Anda sekarang melalui email Dangotegrouploandepartment@gmail.com

    ReplyDelete