By Belarmino Dabalos Saguing
Email bdsaguing@gmail.com
Mobile +39 3356880613
Rali ng mga manggagawang migrante sa Rome, Italya Nov. 2011 |
III. Ang Pondasyong Normatibo.
Pagkilala sa pangangailangan ng isang proteksyong legal at regulasyon,
lalo na sa espesipikong at internassunal na instrumento na nilikha
upang bigyan ng minimong kalakaran kaugnay sa proteksyon ng mga migrante, pamilya at refugee. Ang mga
instrumenting ito ang magbibigay ng insentibo at parametrong internasyunal sa
kooperasyon sa migrasyon.
Itinatalaga ng batas internasyonal ang tatlong pundamental na pagbaybay
sa proteksyon ng migrante particular ang manggagawang migrante at ng kanilang pamilya:
·
Pantay
na tratamento sa pagitan ng manggagawang migrante at mga lokal na manggagawa.
·
Buod
ng universal na karapatang pantao pantay at ganap na sumasaklaw sa lahat ng ta
pati na sa migrante.
·
Isang
malawak na pamantayan sa paggawa na naglalaan ng proteksyon sa tratamento at
kundisyon sa paggawa (kasama dito ang tungkol sa kalusugan at kaligtasan,
maximum na bilang ng oras sa paggwa, minimum na kabayaran, walang
discriminasyon, kalayaan sa pagsapi sa organisasyon, at maternity leave para sa
kababaihan) ay dapat pantay na maigawad
sa lahat ng mga manggagawa
Ganonman, ang proteksyon
para sa mga migrante at lokal na manggagawa at pagtiyak ng isang gumagana na
poamilihan ng paggawa habang itinataguyod ang kohesyong social ay
nangangailangan ng atensyon at at malawak na mga hakbang at mga institusyon
upang maipatupad.
IV. ANG EPEKTO NG KRISIS SA MGA MIGRANTE
Ang krisis pinansyal ay may
mataas na epekto sa mga sektor ng ekonmya na gumagamit ng malaking bilang ng
manggagawang migrante. Sa pandaigdigang lebelo, ang mga manggagawang migrante
ay konsentrado sa kunstruksyon, pagmamanupaktura, agrikultura, hotel at kateringv
at pangkalusugan at pagaalaga, kasama na ang mga domestikong trabaho. Ang
mga sektor na ito ang matinding tinamaan ng krisis.
Ang epekto ng krisis ay mas nakikita sa mga bansang unang dumanas nito, tulad ng Espanya, Ireland, Igletera
at Estados Unidos. Sa Espanya halimbawa ang kawalan ng hanapbuhay ay lumampas
na sa 17% noong nakaraang taon.
Ayon sa analisis ng ILO na
nakapokus sa pangangalap ng data sa ilang mga kwestyon:
a)
Gaano
ang kaalaman sa bilang ng naalis sa trabaho o pagbabawas ng employment sa mga
banyagang manggagawa?
b)
Gaano
ang kaalaman sa pagbabalik ng mga migranteng manggagawa sa kani-kanilang bansa?
c)
Ano
ang mga natutuklasan na sa mga deteryorasyon sa kondisyon sa paggawa kasama na
ang pagbaba sa lebelo ng sahod o pagtaas ng prekaryadong paggawa?
d)
Ano
na ang mga pangyayari tungkol sa diskriminasyon at reaksyong xenopobiko laban
sa mga manggagawang migrante?
Ang mga data na nakakalap sa
kasalukuyan ay malayo pa sa pagiging komprehensibo. Ganunman, ang mga ito ay indikatibo ng mga
katungan sa itaas:
1)
Pagkatiwalag
sa trabaho sa sektor ng kunstruksyonat
restorante na pnatatanging sensitibo sa pagbabago sa employment habang ang
ibang sektor ay hindi naepektohan. Ang kalagayan sa employment ng mga
banyagang manggagawa bago magkaroon ng krisis sa kunstruksyon ay mas mataas sa southern Europe na
kamakailan ay nagkaroon boom sa residential deevelopments. Sa Gresya, 32% ng manggagawa sa konstruksyon ay
banyaga, sa Espanya ay 21%, Portugal 15%, at sa Italya ay halos 14%.
Paggawang migrante ang nagkaroon ng malaking papel sa expansion sa
bansang nabanggit, at sila din ang una at matinding natamaan ng krisis.
V. ANG KAHALAGAHAN NG PAGBUBUKLOD NG MGA
MANGGAGAWANG MIGRANTE SA MGA ORGANISASYON AT MGA UNYON.
Di tulad ng mga local na mnanggagawa, ang mga migrante ay likas na
bulnerable sa mga bansang kinaroroonan nila. At sa kondisyon ng krisis, higit
na marami ang hinaharap nilang problema: pinatinding diskriminasyon at
xenophobia, pagkakatiwalag sa trabaho sa munti o waalang dahilan, pagbaba ng
kinikita. Ang mga suliraning ito ay
nadadama ng mga migrante halos sa lahat ng nasyon sa Europa. At ang tanging paraan uypang labanan ang
problema ay ang pagkakaisa ng mga migrante tulad ng napatunayan sa karanasan ng
mga manggagawang migrante sa Alemanya, Finland at Sweden kung saan ang
pagbubuklod ng mga organisasyon ng mga migrante buhat sa iba’t ibang bansa ay
nagbigay sa mga migrante ng tinig at bisibilasyon.
Dito sa Italya ay may gayunding
pagbubuklod na nagagawad sa kasalukuyan. Ang mga Pilipino, taliwas sa ginagawa
ng mga migrante buhat sa ibang nasyonalidad ay karaniwang umiiwas sa pagsanib
sa mga kilusan ng mga manggagawang migrante dahil hindi pa nila nadarama ang
halaga ng bukluran. Ganunman, naramdaman nila ang epekto ng pakikibaka ng
bukluran ng mga samahan ng migrante nang labanan ng Comitato Imigrati in Italya
kung saan kaanib ang samahang UMANGAT. Nagorganisa sila ng malawakang kilusan
upang labanan ang Bossi-Fini Law noong 2004 na mabilis kumalat sa boong bansa
at nagkaroon ng pagbabago sa pananaw ng mga taga ditto na pabor sa mga
migrante.
Sa harap ng matinding krisis, muli at muling hinihimok ang lahat ng mga
migrante na sumanib sa kilusan upang maipagtanggol ang mga karapatan at
kagalingan nating lahat.
At tunay nga na ang mga migrante ang ginagamit ng mga taga rito para daw paliitin ang kita kita ng mga lokal na manggagawa. Nagkakaroon tuloy sila ng sama ng loob ng loob sa mga migrante.
ReplyDelete