Batang nasaktan sa demolisyon sa Valenzuela, kritikal
Pinoy Weekly Posted: 18 Jun 2013 03:26 AM PDT
Kritikal ngayon ang lagay ng bata na puwersahang kinuha ng mga istap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong dinedemolis ang kanilang mga bahay sa Brgy. Bignay, Valenzuela City noon pang Mayo 31.
Tinakbo sa Philippine Orthopedic Center (POC) noong Hunyo 3 ang dalawang-taong gulang na si Maybeline Fronda.
Ayon sa kanyang ina na si Frilyn, sinabi ng mga doktor sa POC na nadisloka ang buto sa leeg at spine ni Maybeline matapos puwersahang kunin ng mga istap ng DSWD at mga miyembro ng demolition habang nagaganap ang demolisyon sa kanilang bahay.
“Sinabihan ako ng taga-DSWD, kunin ko raw ang mga gamit ko sa bahay bago mademolis. Siya na ang hahawak sa anak ko. Sabi ko, ‘Baliktad naman ata. Kayo na ang kumuha sa mga gamit, uunahin ko munang kunin ang mga anak ko.’ Sabi nila, antigas daw ng ulo ko,” kuwento ni Frilyn, nang makapanayam sa telepono ng Pinoy Weekly.
Ipinangako umano na magbibigay ng tulong kay Maybeline ang DSWD. Sinabi ni Frilyn na nagbigay ang mga kinatawan ng DSWD Valenzuela ng P3,000 para sa pagpapagamot ng bata. Pero kulang na kulang umano ito para sa pagpapagamot kay Maybeline na kritikal ang lagay ngayon.
Samantala, hirap naman makabili ng mga gamot at mapasailalim sa MRI procedure ang kanyang magulang na nagtatrabaho sa isang junkshop.
Katulad ng mga kapitbahay ng komunidad sa Bignay, kumikita lamang ang trabaho nina Frilyn ng P600 para sa pamilya kada linggo.
Habang nasa ospital ang ina na nagbabantay sa anak, abala ang tatay ni Maybeline sa pagtrabaho para may mapakain sa tatlo pang anak.
Samantala, kinababahala ni Frilyn ang presensiya ng kahina-hinalang mga tao sa ospital habang binabantayan niya ang kanyang anak.
“May mga misteryosong indibidwal, pinaniniwalaang nagtatrabaho para sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela, ang nagmamasid sa bata at sa kanyang ina sa ospital,” sabi ng Kalipunan ng Damayang Pilipino (Kadamay), organisasyon ng militanteng mga maralita na tumutulong ngayon sa mag-ina.
Pinangunahan ni Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela ang pagdemolis sa mga bahay sa Bignay.
Kinondena ng Kadamay ang marahas na pagdemolis sa mga bahay sa Bignay, gayundin ang pakikipagsabwatan umano ng DSWD sa panahon ng demolisyon. Kinukuha umano ng mga istap ng naturang departamento ang mga bata sa lugar ng demolisyon para mapabilis ang pagdemolis sa bahay ng mga maralita.
Para sa Kadamay, malinaw na nilabag ng LGU ng Valenzuela ang memorandum sa pagitan ng mga organisasyong masa (kabilang ang Kadamay) at Department of Interior and Local Government (pinangunahan noon ni Jesse Robredo) na walang puwersahang demolisyon sa danger areas sa Kamaynilaan habang walang relokasyon sa lugar, o malapit dito, na maaaring paglipatan ang mga residente roon.
Sinabi sa midya ni Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City na biktima umano ang mga residente ng Bignay ng sindikato na nangingikil ng pera para sa karapatang tumira sa lugar.
“Hindi sapat na dahilan ito para tratuhin ng mga awtoridad ang mga maralitang lungsod bilang mga kriminal, dahil sinisiguro ng pandaigdigang mga covenant na may karapatan sila sa sapat na pabahay,” sabi ni Carlito Badion, pangkalahatang kalihim ng Kadamay.
Kinuwestiyon din ng Kadamay ang pagkakasangkot ng DSWD, at kahit ang Commission on Human Rights (CHR), sa pagpapalikas sa mga residente ng maralitang mga komunidad na idedemolis.
“Mas madalas kaysa sa hindi, itinuturing ng mga maralitang lungsod na bahagi sila (mga tauhan ng DSWD at CHR) ngdemolition team at hindi mga ahensiyang magsisiguro sa kagalingan at karapatang pantao nila, tulad ng kaso ng demolisyon sa Brgy. Bignay,” sabi pa ni Badion.
Panoorin ang bidyo na kuha ng Kadamay sa marahas na demolisyon sa mga maralita ng Brgy. Bignay, Valenzuela City noong Mayo 31:
##

No comments:
Post a Comment