Friday, June 14, 2013

ANG USA AY KAIBIGAN NG ESTADO HINDI NG MGA PILIPINO

ANG USA AY KAIBIGAN NG ESTADO HINDI NG MGA PILIPINO

Bayan  Pambansang Komiteng Tagapagpaganap  ukol sa  Ika-3 taon ng rehimeng US-Aquino                                                                                                          Hunyo 10, 2103 





Ngayon 2013 ay nagpapatuloy ang planong rebalancing ng pwersang militar ng US sa Asya. Layon nitong dagdagan ang pwersang militar ng US sa rehiyon, kabilang na ang pagdelpoy ng 60% ng mga barkong pandigma nito sa Asya. Ang rebalancing ay isinusulong sa balangkas ng imperyalistang agenda nito sa rehiyon. Naging mas madalas ang pagpasok ng mga sasakyang pandigma ng US sa ating teritoryo. Ang mga port call ng mga barkong pandigma ang dahilan kung bakit nasa bansa ang USS Guardian bago ito sumadsad sa Tubbataha Reef.

Walang direktang napanagot sa mga opisyal at crew ng Guardian matapos silang payagang lumabas ng bansa. Hindi naging masusi ang imbestigasyon ng gobyerno ng Pilipinas. Hanggang ngayon ay ni isang kusing ay wala pang danyos na nababayaran ang gobyerno ng US. Tumingkad sa kaso ng Guardian ang problema sa VFA na nagpapahintulot sa palagiang presensya ng pwersang militar ng Kano at ang kawalan ng pananagutan ng mga ito pag may malaking aberya tulad ng pagkasira ng kalikasan saklaw sa teritoryo ng Pilipinas.

Sinasakyan ng US ang kahinaang militar ng Pilipinas at mga sigalot sa teritoryo sa Tsina para mabigyang katwiran ang panghihmasok ng Kano sa ating bansa. Ineenganyo ng US si Aquino sa pamamagitan ng mga pinaglumaang mga barko at iba pang kagamitang militar, kasabay ng pangako na paninindigan ng US ang Mutual Defense Treaty nito sa Pilipinas. Ang katotohanan, ang neo-kolonyal na relasyon sa US ang naging pangunahing dahilan kung bakit walang kapasidad ang Pilipinas na depensahan ang sarili nitong teritoryo. Ang patuloy na pag-asa sa US ay hindi mangangahulugan ng karagdagang seguridad o kakayahan dahil ang US ay nagnanais na panatiliin tayong bansot at pala-asa. Ang US ay pangunahing tinutulak ang imperyalistang agenda nito sa Asya at hindi sa ating pambansang interes.


Palayasin ang tropang Kano sa bansa!

 Ibasura ang MDT at VFA!



No comments:

Post a Comment