Tuesday, June 4, 2013

Naghaharing Uri


Naghaharing Uri

by Oscar Malawak (Notes) on Sunday, May 26, 2013 at 8:36pm


Sa kasalukuyan nangyayari sa ating lipunan ay dumaranas ng matinding kahirapan ang ating bansa, ngunit ang ating mga ibang kababayan ay kontrolado pa rin ang kaisipan, dahil sa mala kolonyal at mala piyudal na sistema. 


Bakit ganito kami kahirap at wala ng pag-asang umasenso, ito ba ang pamamana natin sa mga susunod nating mga anak at henerasyon. Kung ating susuriin ang kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan ay iilan lang ang nakikinabang sa sistema ng ating bansa. Ang unang nakikinabang ay ang mga naghaharing uri katulad ng, dambuhalang negosyanteng dayuhan, burokrasya-kapitalista, burgesya komprador at ilang tiwaling opisyal ng pamahalaan. 

Ang ilang senador at congressman ay kinukunsinti ang ganitong pangyayari dahil ang uri ng mga mambabatas na ito ay burokrasyakapitalista, ,samakatuwid gagawa ng batas na pabor sa kanilang uri at hindi sila gagawa ng batas pabor sa uring mangagawa at uring magsasaka, kaya ang ating sistema ng lipunan ay bulok na maski sinong maupong lider ng bansa ay ganito pa rin ang kahirapan.

Ang mga naghaharing uri katulad ng mga dambuhalang negosyanteng dayuhan, Henry Sy, Lopez, Ayala Zobel, Cojuanco, Lucio Tan, Peter Tui, at iba pang negosyanteng dambuhala na walang malasakit sa mga mangagawa. 

Ay hindi basta nila ibibigay ang pakinabang basta basta sa mga uring mangagawa, uring magsasaka at maralitang taga lunsod, bagkus gagawa at gagawa pa sila ng paraan kung papaano pa nila papalawakin ang kanilang yaman.

 Sa ganitong pangyayari kailangan mamulat na ang BAYANG NAGHIHIRAP NA URI, na magkaisa at labanan ang naghaharing uri para agawin ang kapangyarihan sa madahas na paraan at isulong ang sosyalistang sistema sa ating bansa para makinabang ang boung mamamayan sa ating lipunan. Ito lamang ang tanging paraan para agawin ng mga URING PLORETARYADO, para mabago at ito ang tunay na sistema para sa ating bayan. . .



No comments:

Post a Comment