Banko, krisis pinansyal at ang Manggagawang Migrante
Banko, krisis pinansyal at ang Manggagawang Migrante
Inihanda ng UMANGAT-Migrante 27 Mayo 2012
Ang bawat isa sa atin ay nakakaalam na may krisis pinansyal dahil nararamdaman natin ang ang epekto nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Pero marami sa atin ay hindi naunawaan kung ano talaga ang kahulugan at ugat ng lahat ng ito na lubhang nagpapahirap sa atin at sa buong mundo.
Paano na-apektuhan ng bangko ang ekonomiya?
Sapagkat ang puhunan sa negosyo at industriya ay nagmumula sa mga bangko,. malaki ang kinalaman nila sa pagpapalakad ng mga negosyo bilang financering agents. May tinig ang mga bangko sa pamamalakad ng isang negosyo o pagawaan. Dahil sa krisis ng overproduction sa pagitan ng 2004-2008, maraming industriya ang bumagsak, nawalan ng trabaho ang maraming manggagawa na naging sanhi ng pagbagsak din ng pamilihan dahil nabawasan ng malaki ang kakayahan ng mga tao upang bilhin ang labis na produktong ibinabaha ng mga pagawaan sa pamilihan, at hindi na makaya ng mga pagawaan at negosyo na ibalik ang puhunang kinuha nila sa mga bangko, na siyang ugat ng kasalukuyang krisis pinansyal.Isa pang dahilan ng pagbagsak ng sistemang pinansiyal ay ang espekyulasyon sa pananalapi sa tinatawag nilang derivatives sa paglalaro ng mga financers sa mga commodity na stock values, interests, exchange rate, at martket index. Ang mga derivatives na nasa hugis ng tinatawag na future options ay mga uri ng financial instruments na maaring mabili, mahawakan at ipagbili. Katumbas ito ng salaping tumutubo na walang nabubuong produksyon. Profitable but unproductive, at sapagkat hindi produktiba, ay nakakasira sa halip na makatulong, tulad sa pangyayari sa economic collapse noong 1997 krisis pinansyal sa Asya at yumanig sa buong daigdig na noon ay kasalukuyang kinukubabaw ng matinding krisis sa overproduction.
Noong 2007, nasaksihan ng boong mundo kung paano humakbang ang mga pangunahing bansa sa pamamagitan ng tinatawag na bailouts, rescue at takeover upang mapigil ang paglala ng pinakamatinding krisis pinansyal ng mga siglo, sa pamamagitan ng paglalabas ng US$12.6-trillion, pondong pinipinansyahan ng lumalalang pagkakautang ng mga pamahalaan, at natural, ito ay nakaatang sa balikat ng mga mamamayan sa hugis ng mga pinatinding buwis at sumasamang social security. Ang bulto nito ay buhat sa pamahalaang US sa halagang US$11.8-trillion na pagkakautang sa kabila ng kinakaharap na taunang US$1.8-trillion pambansang depisit sa mga susunod na dekada. Ganunpaman, ang mga macro-ekonomikong indicator ay hindi pundamental na indicator ng pagbawing ekonomiko. Ang lalong kapanipaniwalang tanda na nakakabawi ang mga ekonomya ay ang lebelo ng matatatag empleyo, kinikita, at ang porsyento ng populasyon na nakakatanggap ng sapat na serbisyo sosyal, at ang pagbaba ng lebelo ng pagdarahop at pagkagutom ng mga tao.
Paano nagkakaroon ng epekto ang Financial Crisis na ito sa mga OFWs?
Tulad ng lahat, ang mga OFWs ay kailangang kumain, umupa ng tirahan, magbayad ng lahat ng pangangailangan. Dahil sa krisis pinansyal, tumaas halos lahat ng bayarin sa mga pangunahing pangangailangan, at halos nauubos ang lahat ng kinikita nila at di tulad ng mga manggagawang lokal, kailangan pa nilang magpadala ng remitans sa kanilang pamilya sa Pilipinas.Ang pamahalaan ng mga bansang kinaroroonan ng mga OFWs na tinatamaan ng matinding krisis, tulad sa Italya ay gumagawa ng maniobra upang pagtakpan ang malawak na butas sa kanilang pinansya. Dito sa Italya, nagtaas o nagdagdag ng mga panibagong buwis, naging higit sa doble ang presyo ng bilihin pati na ang gasolina at pamasahe sa bus. Hinigpitan ang paniningil sa kontribusyon para sa INPS o Social Security upang mabigyan ng tulong ang milyon-milyong Italyano na nawalan ng hanapbuhay. Sa panahong ito, ang mga migrant workers ang naging tagapagligtas ng maraming manggagawang Italyano na hindi sana makakatanggap ng pensyon at tulong ng pamahalaan kung hindi sa kontribusyon ng mga migrante.
Dito sa Italya, ang mga pagbabagong inilabas ng pamahalaan ni Prenier Monti ay nauugnay hindi lamang sa mga manggagawang Italyano kundi maging sa mga manggagawang migrante, at sa propagandang gobernatibo na nagsasaad na ang bagong normatiba ay tumatalikod sa rasistang pulitika ng pamahalaang Berlusconi.
Subalit tunay bang ganito ang ipinagbago?
Ang pamahalaang Monti-Napolitano ay kagyat nagpahayag ng pag-anyaya sa Parlyamento na lumikha ng batas na magbibigay ng karapatan bilang mamamayan sa mga manggagawang migranteng kwalipikado, at maging sa mga anak ng mga migrante na isinilang sa Italya.
Ano ang nasa likod ng mga pangakong ito?Ang buod ng kapangyarihang pulitiko-ekonomiko ng Italya ay nangangailangan ng paggawang migrante na maari ding napagsasamantalahan. Ang presensya ng mahigit apat na milyong manggagawang migrante sa Italya ay nagbibigay ng isang pagkakataon upang maisakatuparan ito. Upang maisaganap ito, kinakailangan mabigyang halaga ang mga kakayahan ng mga migrante sa pagbibigay nila ng karapatan bilang mamamayan ang mga ito, at mapakinabangan ng Estadong Italyano ang yamang maaring maidulot ng hakbang na ito. Ayon sa mga pagsusuri o pagaaral, ang tunay na nasa likod ng hakbang na ito ay hindi dahil sa tuluyang pagkawala ng mga patakarang rasista kundi upang masamantala ang yamang idudulot ng paggawa ng mga migrante na maaring makamit sa pamamagitan ng integrasyon ng mga migrante at hindj sa pagpapahalaga sa mga ito bilang tao. Samakatuwid ang lakas paggawang migrante ay may importansya lamang dahil sa maari nilang ambag sa pagbawi ng ekonomiya nang bansang ito.
Ang Suliraning pang-ekonomiko ng mga migrante
Higit sa lahat, dahil ang remitans ng OFWs ay foreign exchange o salaping banyaga na kailangang papalitan ng Piso upang magamit ng kanilang mga benepisyario, naepektuhan gatin ng pagbagsak ng pananalipi ng mga bansang kinaroroonan nila, at ito ay may malubhang epekto sa remitans na ipinapadala natin sa ating pamilya. Ang pagbaba ng presyo ng Euro ay nangangahulugan ng malaking bawas sa salaping dapat sana ay magamit ng mga pamilya ng OFWs, lalo na sa pagkain, gamot, pananamit at pagpapaaral ng mga bata. At dahil nagdadaan din ito sa mga bangko, mararamdaman din ang pagbabago sa singil ng mga bangko sa serbisyo ng pagpapadala natin ng remitans.Kasama ng hakbang ng pamahalaang Italyano upang makalikom ng higit pang salapi upang punuan ang kanilang public debt ay ang pagpapataw ng buwis sa mga bahay o iba pang ari-arian ng mga Pilipino na ipinagawa o nabili sa Pilipinas sa panahong nasa Italya sila (DL 201/2011 art. 19, comma 13
DL 201/2011, articolo 19, comma 13 e seguenti
> A questa nuova imposta sono soggetti anche i cittadini stranieri che risiedono in Italia tra i quali ci sono moltissimi filippini.
> L’imposta è pari allo 0,76% sul valore riportato nell’atto d’acquisto
> o, in assenza di questo, sul “valore di mercato” dell’immobile in questione.
Ayon sa DecretoLegge na nabanggit, sangkot maging ang mga mamayang dayuhan na naninirahan sa Italya kassama ang napakaraming Pilipino, ang pagpapataw ng buwis na katumbas sa 0.76% ng halaga sa pagkakabili ng ari-arian (bahay o lupain, o ang dalawang ito), o dili kaya katumbas ng market value ng ari-ariang ipinagawa o nabili.Ang probisyon na ito ng batas ay nangangahulugan ng panibagong pabigat sa mga migranteng Pilipino ditto sa Italya dahil hindi maliit na halaga ito para sa atin.
Isang palaisipan na hindi pa natin naihahanap ng sagot ay: bakit o paano malalaman ng pamahalaan ng Italya kung may nabili o naipagawang bahay sa Pilipinas ang isang Pilipino.
Ano ang maari nating gawin upang harapin ang suliraning ito?
Napatunayan na natin sa mga nakaraang pagkilos na ang nagkakaisang pagkilos ay mahalaga. Dapat tayong maki-ugnay at makipagtulungan sa mga organisasyong aktibo upang ipaglaban ang karapatan at kagalingan ng manggagawang migrante na maging sila ay nakikipag-ugnayan sa ibang mga organisasyong local at internasyunal upang mabawasan kung hindi man mapawi ang negatibong epekto na ito sa ating kasalukuyang kalagayan. Labanan ang mga pagtataas ng mga singilin ng ating pamahalaan sa mga OFWs sa pamamagitan ng pagtulong o pagsama sa mga samahang nakikibaka para sa ating kapakanan.
Paglilingkod ng UMANGAT-Migrante
It is true that we, migrant workers are hard hit by the global financial crisis. is there anything our government do to attenuate the situation?
ReplyDelete