Sunday, June 9, 2013

Moving on Pinoy Weekly Posted: 07 Jun 2013 10:47 PM PDT

Moving on

Pinoy Weekly Posted: 07 Jun 2013 10:47 PM PDT




Tapos na ang eleksyon, kaya mag-move on na raw tayo.

Huwag nang pansinin ang mga ulat ng kabi-kabilang anomalya sa eleksyon dahil mga isolated cases naman ito. Huwag na ring palalimin pa ang sinasabing 60-30-10 na kakatwang trend dahil tiyak na maipapaliwanag naman. Huwag na ring balikan ang mga kapalpakan ng COMELEC sa pagtitiyak ng seguridad ng eleksyon – tutal, nairaos na ito.


Move on na raw. Sige nga.

Harapin na lang ang pasukan at ang nagsiritang singilin sa tuition at iba pang mga bayarin. Wala na rin namang magagawa dito at ika nga ng bagong senador na si Bam Aquino ay hindi naman na raw mapipigilan ang tuition fee increase.

At sya nga pala, ipinatupad na ang K+12 na nagdagdag ng taon sa pagpasok sa mga paaralang kulang ang mga kwarto, sira-sira ang mga upuan, walang mga libro , at siksikan sa klase dahil kulang din pati titser.
Sige, move on na tayo. Tutal naman ay may 7.8% na pagtaas naman daw sa GDP. Kaya liyad ang dibdib ni Noynoy ngayon.

Kahit pa nga hindi maikakaila ang pagtaas ng bilang ng mga gutom na Pilipino. At lalong hindi maikukubli ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga OFWs ang kalagayan ng kawalang-trabaho at mababang sweldo.
Tuloy  na lang ang mga dating programa ng gobyerno ng Public Private Partnersip (PPP) kahit pa nga mga pribadong malalaking negosyo ang makikinabang dito samantalang haharapin naman ng mga mamamayan ang mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Gutom daw ba kamo at walang trabaho? Ituloy ang Conditional Cash Transfer (CCT) para kahit paano ay may makain o may masimulang maliit na negosyo. Kahit paano.
Tapos na ang eleksyon pero nariyan pa rin ang mga problema ng migrante at mamamayan. Tapos na ang eleksyon pero ang bulok na sistemang pang-ekonomiya at pampulitika ang sya pa ring namamayani sa bansa.

Move on? Sa lipunang mala-kolonyal, mala-pyudal, paano ka magmo-move on?
Sa ipinakita na sa atin ng kasaysayan, hindi nga sa eleksyon.

No comments:

Post a Comment