ANG
MANGGAGAWANG MIGRANTE SA GITNA NG PANDAIGDIGANG KRISIS PINANSYAL
Unang Bahagi
Ni Belarmino Dabalos Saguing
email bdsaguing@gmail.com Mobile +39 3356880613
Rali ng mga manggagawang migrante sa Bologna, Italy Aug. 2011 laban sa krisis |
I. Introduksyon
Madalas na nasasabing ang mga manggagawang migrante, tulad
ng mga minoridad na etniko, ang nasa hulihan ng listahan ng mga napapasok
satrabaho at nasa unahan ng mga naaalis sa trabaho. Ito ang tunay na bunga ng
pandaigdig na krisis pinansyal. Pinabagal ng malaki ng krisis na ito ang galaw
ng ekonomya sa boong mundo. At ang epekto ng krisis ay higit na makikita sa
karamihan ng tao sa kanilang hanapbuhay at pagkita ng ikabubuhay Ang mga kompanya at mga koprporasyan ay hindi
na kumukuha ng mga bagong empleado, sa halip ay nagtatanggalan pa ng mga
nagtatrabaho sa lanila. Ang ibang kpmpanya ay gumagawa ng mga temporanyong
hakbang tulad ng pagbabawas ng oras ng pagtqatrabaho o kaya any tumatanggap ng
mga magtqatraho bilang kontrakwal na manggagawa, dili kaya ay paglalagay sa mga
manggagawa bilang manggagawang part-time.
Ayon sa ulat ngb sa lakarin ng employment, International Labor
OPrganization (ILO) noong 2009, na inilathala kamakailan, isang malaking
pagtaas ng bilang ng mga manggagawang napabilang sa mga dukha at nawalan ng
hanapbuhay.[ ILO Global Employment Trends Report (GET) 2009]. Ayon sa ulat, may
18-30 million manggagawa ang napabilang sa mabuway na pamumuhay dahil sa
kawalan o kakulangan ng trabaho sa boong mundo, at kung hindi mababago ang
lsittwasyon, ay hihigit pa ito sa 50
millon sa mga taong 2010. At nakita natin na nitong nakaraang taon, ditto lang
sa Italia ay lumampas sa 17 million ang nawalan ng hanapbuhay at lumalala pa
ang kalagayan (Stat 2012)
Ang bilang ng mga dukhang manggagawa (working poor) na nabubuhay sa
kitang mas mababa pa sa US$2.00 bawat isa ay tumaas pa sa bilang na 1.4 billion
o 45% ng mga may trabaho sa mga bansang umuunlad noong 2009, at lumamalala pa.
(GET Jan. 2009)
(para sa dagdag
na impormasyon, dalawin ang sumusunod na weblink
http://www.ilo.org/wcmsp5/groups/public/---dgreports/---dcomm/documents/publication/wcms_101461.pdf2 )
Ang mga manggagawang migrante, ang higit sa lahat, anbg tuwirang
nasalanta ng krisis ekonomiko na ito. Ang mga migrante ay ginagamit ng mga
bansang tumatanggap bilang “cyclical buffer” o panalag tulad ng ibang macroeconomic policies na naglilimita ng
paglaki o pagbaba mng kawalan ng hanapbuhay na ginagamit ng mga bansang
tumatanggap ng mga migrante, lalo na sa Europa at iba pang mga bansang
kanluranin. Nangangahulugan ito para
sa mga migrante na sila ang huling matatanggap sa trabaho at unang maalis. At
nangangahulugan dini to ng pagbagsak ng kanilang relasyon sa mga employer na
karaniwan ay nasa sector ng hindi nasasakop ng standard at may masamang
pamamalakad.
Sa sosyal at political na pananaw, sa panahon ng kawalan ng seguridad
pangekonomiko, ang mga migrante ang nagiging scapegoat, tampulan ng damdaming
xenopobiko at diskriminatibo laban sa mga migrante. Dito lang sa dahilang ito,
nahaharap ang mga migrante sa isang paghamong mahirap malosutan lalo pa at
aalagatain ang payapan at mabuting social cohesion samakatuwidc ay ang tumpak
na pamamahala sa mahirap na panahong ito.
Ayon din sa pananaliksik ng
ILO, ang migrante ang pangunahing biktima ng krisis na ito sa mga sumusunod na
dahilan:
1.
Mga
migrante at mga manggagawang estranghero ang matinding tinamaan ng disproposyonadong
epecto
2.
Ang
mga migranteng hindi naalis sa trabaho ang mga naunang binawasan ng sweldo o
oras ng pagtatrabo at papasamang kondisyon sa trabaho.
3.
Mga
migrante, higit sa lahat ang mga iregular, ang unang nawalan ng akseso sa
suportang tinatawag na social safety net, tulad ng kompensasyon sa pagkakatiwag
sa trabaho.
4. Ganuynpaman, ang mga migrante, lalo na ang
mga nasa Italya, ay hindi bumabalik sa bansang pinanggalingan maliban na lang
kung sila ay madeport. Sa simpleng pananalita, ito ay dahil higit ng mahirap ang
kondisyon sa pananggalingang ng bansa. Kahit paano, dito ay may
pagkakataong makatisod ng alinmang mapagkakakitaan.
5. Sa
ganitong kalagayan, napipilitan ang mga migrante na tanggapin ang mga
patakarang ihaharap sa kanila ng mga employers, kahit nangangahulugan ito ng
pagbawas o pagalis ng mga karapatang dapat sanang tamasahin ng isang manggagawa
sa normal na kalagayan.
6.
Ang paggamit sa mga migrante bilang scapegoat at
upang paglabanin ang inters ng mga migrante laban sa ibang migrante, at
migrante laban sa mga manggagawang local, upang pagtakpan ang pagkukulang ng
pamahalaang local sa paglutas ng mga suliraning dala ng krisis, tulad ng
kasalukuyang nangyayari sa Gresya at Espanya, at sa mas limitadong antas,
maging ditto sa Italya. Isang magandang halimbawa nito ay ang mga kasalukuyang
kaguluhan sa Germany, Pransya at maging sa Denmark. Kapansin-pansin din ang pagtaas ng damdaming laban
sa mga migrante na ikinakalat ng ilang partidong political sa mga bansa ditto
sa Europa.
7. Maraming bansang kanluranin ang nagpababa
ng kanila quota sa pagpapapasok ng mga banyagang manggagawa sa kanilang bansa,
pangunahin dito ang Italya. Maraming Pilipino na humiling na makapasok
bilang direct hires ang hindi makapasok dahil dito.
8.
Ang
pabulusok ng pagpapadala ng mga remitans ng mga migrante patungo sa bansang
pinagmulan nila. (Kontra-tendensya ang mga Pilipino dito, na sa halip na bumaba
ay tumaas pa ang pagpapadala ng remitans)
9.
Ang
deteryorasyon ng kalagayang ekonomiko ang mga bansang pinagmumulan ng mga
migrante. (Muli, kontra-tendensya ang mga Pilipino. Dahil nadagdagan pa ang
ipinapadala, nagkaroon ng biglaang pagunlad sa Pilipinas sa tulong ng ating
remitans).
II. Ang
konteksto ng migrasyon ng lakas paggawa sa kasalukuyan.
Bakit naging mahalaga ang
kasagutan ng tamang pamamahala sa migrasyon sa harap ng krisis na ito? Ano ang
papel na ginagamapan at kahalagahan ng migrasyon sa ekonomya at lipunan ng
lahat ng mga bansang nasasangkot sa migrasyon?
Ang migrasyon ngayon ay ang
pagpapanagpo ng pamilihan sa paggawa at ng pangangailangan sa pagunlad ng mga
bansang napapaluwas ng mga manggagawa. Ang migrasyon ng lakas paggawa ay
nagsisilbing instrumento sa kaunlaran. Nagbibigat ito ng kasagutan sa mabilis
na pagbabago ng kasanayan, edad at mga bilang ng lakas paggawa na likha ng
pagsulong sa teknolohiya, kondisyon ng pamilihan at pagbabagong industriyal. Sa
mga bansang ang popolasyon ay tumadanda, tulad ng Italya, halimbawa, ang
migrasyon ay nagbibigay ng isang potensyal upang magkaroon ng bagong suplay ng
manggagawa dahil sa bumababag lakas paggawa sa mga nasabing bansa. Ang pagpasok
ng mga mas batang migrante upang panibaguhin ang nauubos na bilang jhng mga
matatandang manggagawa, sa pamamagitan ng mga migranteng motibido, masisigla at
may higit na mobilidad. Ito ay hindi maaring baguhin ng isang krisis, krisis na
hindi maaring permanente.
Tinataya ng ILO ng sa pagitan ng 90-100 million ng total na 200 million
ng mga taong namumuhay sa labas ng kanilang bansa o lupa ng kapanganakan ay
aktibong e3konomikal at sangkot sa daigdig ng paggawa. Nabibilang ditto ang mga
adultong nasa edad ng paggawa, kung isasaalangalang na kasama sa popolasyong
migrante ang kanilang mga batang menor de edad at matatandang kagawad ng
kanilang pamilya. Sa kanluraning Europa kalahok sa proporsyon ng lakas
paggawa ay 10% o higit pa, halos 15% sa
Ireland, 25% sa Switzerland aqt mga 40% sa Luxemburg. Sa dahilang ekonomiko,
demograpiko at hamong teknolohiko, ang dumadaming bilang ng trabaho sa mga
bansang industriyalisado ay hindi makakayang punuan ng mga katutubong
manggagawa. Ang pagtanda ng mga katutubong manggagawa kasama na ang pagbaba ng
popolasyong katutubo ay isang mahalagang paktor kung bakit ang Europa ay
mangangailangan ng higit pang bilqang ng mga manggagawang migrante sa
hinaharap. Ang popolasyon ng Italya, halimbawa ay mababawasan ng 25% sa 2050,
ikukumpara sa 2000. Ang Latvia at Lithuania ay kinakitaan ng ng 10% na pagbaba
ng katutubong popolasyon.Ito ay sa dahilang mas marami ang namamatay kaysa sa
ipinapanganak. Ang penomenang ito ay
kalat sa boong Europa maliban sa Pransya. Takbong ito ng tendensya, hindi
magtatagal at mahihigitan ng mga migrante ang bilang ng mga katutubong
popolasyon.
Sa mga bansang kanluranin,
ang mga migrante ay itinuturing na mapagsasamantalahan at ekspendableng bukal ng
mumurahing paggawa, maaamo at pleksibileng manggagawa, at maaasahan sa
tinataguriang 3D – dirty, dangerous at degrading. Maraming employer ang naaakit
ng kanilang bulnaberidad. Maari silang mabigyan ng mas mababang sahod, mabigyan
ng maliit o walang siguridad sa kalusugan at trabaho, at maaring pagkaitan ng
mga karapatan tulad sa paganib sa mga unyon at higit sa lahat, madali silang
alisin sa trabaho sa maliit o wang kadahilanan.
Anupat kahit walang krisis,
ang pagbibigay ng mas maliit na sweldo o hindi pagbibigay ng sweldo,
pangaabuso, sexual harassment, at karahasan sa kababaihang manggagawa ay isang
malawak na sitwasyon lalo na sa gitnang silangan.
Ang mga migranteng iregular ang higit na dumadanas ng maigtiung na
situwasyon. Sila ang tunay na bulnerable sa pagsasamantalqa at pangaabuso. At
sa malas, ang sitwasyong ito ay inaayunan pa ng mga awtoridadsa ilang bansa. Ang kalagayang ito ay nagaganap kung saan ang kawalan ng pagkilalang legal ay nagpapatayog sa kalagayan ng pagsasamantala na siyang
nagpapatindi sa pagsasamantala at
pagpapababa sa halaga ng paggawa sa mga kaso ng pagayon sa marhinal na
lpmpetisyong ekonomiko sa kalakalan. Ang pagdaloy ng migranteng may mababang
kasanayan ay pinapaagos ng klandestinong paraan dahil sa kawalan ng legal na
kategorya naaayon sa kanilang legal na pagpasok sa bansang paroroonan. Kapag
nakapasok na sila sa paroroonang bansa, sila ay mapapailalim sa iregular na
trabho na pinapalakad ng ng isang mapagsamantalang pamamaraan ng employment.
Ang karanasang sa kasaysayan na nagpapakita na ang regularisasyon ay
nagbibigay ng proteksyon sa mga
manggagawa ay di dapat na ipagwalang-bahala sa mekanismo ng kalakalang
paghanap-buhay. Sa kabila ng lahat, ang manggagawa ay tao, hindi mga kjalakal
at mga sangkap lamang sa produksyon. Sila ay mganilalang na may katangian at
bulneralidad. Ang isang lubhang kompetetibo at globalisadong pamilihan ay ay
nagbibigay ng presyon na dala ng kawalan ng karampatang proteksyon, ang
migrasyon ay karaniwang karakterisado ng
o Abuso at pagsasamantala
o
Migrasyong irregular at kalauna’y pagpupuslit o trafficking ng mga
migrante
o
Asng pagbibigay ng takot na mawalan ng hanapbuhay sa mga katutubong
manggagawa na isinisisi sa mga migrante
o
Pagdami ng damdaming anti-migrante at
o Kalauna’y pagkalat ng ng
karahasan laban sa migrante.
(may karugtong)
No comments:
Post a Comment