BUONG PILIPINAS
by Okleng Marasigan on Wednesday, June 22, 2011 at 8:28pm ·.
BUONG BANSA
Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa ay bulok ang sistema ng ating lipunan, maski sinong manalong presidente ng Pilipinas ay kahirapan pa rin ang ating nararamdaman, ang ating mga kababayan ay paniwalang paniwala sa national election at local na halalan, marami sa ating kababayan ay umaasa na uunlad ang ating bansa na kapag nanalo si ganitong presidente, mayor at congressman ay makakaraos tayo sa kahirapan, ngunit kabaligtaran ang nangyayari.
Marami sa ating kababayan ay umaalis papuntang ibang bansa para magtrabaho dahil nakikita nila ay magbabago ang kanilang buhay, ito ay maliwanag na wala talaga tayong maaasahan sa ating bansa, maski taon taon magpalit tayo ng leader ng bansa , wala pa rin tayong maaasahan.
Sa kasalukuyang sistema ng ating ekonomiya ang ating pamahalaan ay walang kontrol sa mga elitistang burgis na mga bilyonaryo at multi bilyonaryo ito ay maliwanag na sila lang ang nakikinabang sa sistema ng lipunan, makita lang nila ang isang bagay na mga ariarian ay nadedevelop na kung anu ang gusto nilang gawin, ngunit ang maralita, suntok sa buwan para maka pagtayo ng kanilang disenteng tahanan, kung minsan pa nga ay dinedemolis ang ang kanilang pamamahay.
Mliwanag na ang ating sistema ng pamahalan ay kunsintidor sa mga elitistang burgis, sa banal na salita maliwanag na ang lupa ay ginawa ng ating pangnoon ay para sa lahat hindi para sa iilan lamang bagamat ang sistema ng ating lipunan ay kinukunsinti ang mga elitistang burgis, sa lahat ng mga senador at congressman ay magising na para mabago ang sistema ng ating lipunan, na mag karoon naman ng kontrol ang ating pamahalaan sa mga elitistang burgis na mga bilyonaryo, upang makinabang ang buong sambayanan sa lipunan na kanilang sinilangan, alam ko mga kababayan na kapag meron isang congressman at senador na pumalag laban sa mga multi bilyonaryo, para mag akda ng isang batas para ma kontrol ang kanilang kayamanan na abot langit, ay gagawa at gagawa ng paraan ang mga elitistang burgis para manahimik ang nasabing mambabatas, ito ay maliwanag ng kontra bida ang mga bilyonaryo sa kabuhayan ng mga maralita, ang aking huling mensahe sa ating mga kababayan lalong lalo na sa mga uring manggagawa , uring magsasaka at maralitang taga lunsod, kailan pa tayo mamumulat ang ating kaisipan sa mga nangyayari sa ating lipunan.
Kung hinidi ngayon, kailan pa.....
##
No comments:
Post a Comment