Zero Remittance Day (ZRD) is a symbolic protest and a political exercise for Filipino im/migrants from different parts of the world to collectively show their outrage.
The first ZRD was launched last October 29, 2008 in protest against the Global Forum on Migration and Development (GFMD) which was held in Manila. The ZRD criticized the GFMD and the Philippine government’s promotion of modern-day slavery through the labor export policy. It was supported by more than 112 Filipino migrant organizations all over the world, resulting in hundreds of millions lost in remittances according to the Bangko Sentral ng Pilipinas.
The second ZRD protested former Pres. Gloria Arroyo’s attempts to implement charter change through a constitutional assembly last July 26, 2009.
September 19 is ZERO Remittance Day for ZERO pork!
On September 19, 2013, Filipino im/migrants from all over the world will once again send a united message against the pork barrel system. Our remittances that keep the economy afloat are being plundered by greedy officials. Through the ZRD, we will claim our stake in the call to abolish the pork barrel and re-channel funds to free, more efficient services and welfare assistance to overseas Filipino workers (OFWs) in distress.
While we are hardly surviving by the day due to the global crisis combined with the onslaught of price hikes, to learn that our hard-earned money is being plundered for patronage politics and self-serving interests of a privileged few is a huge injustice. We are more than ready to take the lead in the international indignation against corruption and the plunder of our hard-earned money.
On September 19, Filipino im/migrants will refrain from remitting to demand the following:
Abolish the pork barrel system! Scrap the presidential and congressional pork barrel!
Prosecute and punish all officials and agencies involved!
Re-channel funds to provide free, more accessible and more efficient services and welfare assitance to OFWs in distress!
Why September 19?
September 19 is the anniversary of the implementation of the Overseas Workers Welfare Assistance (OWWA) Omnibus Policies (OOP) that effectively made the $25 OWWA contributions mandatory per contract. The OOP also streamlined benefits and services provided by the OWWA to member OFWs.
The OOP had since been deemed anti-migrant. It is one form of taxation imposed on OFWs that has gathered an estimated P14 billion in revenue for the government from OFWs’ contributions alone. OWWA funds have long been misused and plundered by government. But despite resounding calls for a full audit, the Philippine government has kept OFWs in the dark on how their hard-earned contributions are being utilized. In fact, despite billions of OWWA funds and the $21 billion worth of OFW remittances, services and assistance for Filipino migrants in distress have gone from bad to worse under the Aquino administration.
The power to send or not to send remittances rests on Filipino im/migrants and OFWs alone. By not remitting for one day, Filipinos all over the world will harness their economic power and take a stand against corruption, patronage politics and social injustice. ###
Ano ang Zero Remittance Day?
Ang Zero Remittance Day (ZRD) ay simbolikong protesta ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang dako ng mundo para sabay-sabay na ipakita ang kanilang galit.
Ang unang ZRD ay inilunsad noong Oktubre 29, 2008 bilang protesta sa Global Forum on Migration and Development (GFMD) na noo’y naglunsad ng ikalawang kumperensya sa Maynila. Kinondena ng ZRD ang sabwatan ng GFMD at gobyerno ng Pilipinas sa pamamandila ng ‘modern-day slavery’ sa pamamagitan ng patakarang labor export. Mahigit 112 organisasyon ng migranteng Pilipino ang lumahok, at daang milyong piso hindi na-remit sa loob ng isang araw ayon mismo sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Inilunsad naman ang ikalawang ZRD noong Hulyo 26, 2009 bilang protesta sa naging panukala ni dating Pang. Gloria Arroyo na ipatupad ang charter change sa pamamagitan ng isang constitutional assembly.
Setyembre 19 ay ZERO Remittance Day for ZERO pork!
Sa Setyembre 19, 2013, muling ipapamalas ng mga Pilipino sa buong mundo ang nagkakaisang mensahe laban sa pork barrel system. Habang sinasagip natin ang ekonomya sa ating pagtatrabaho sa labas ng bansa, nilulustay naman ng mga gahaman ang pera ng bayan. Sa pamamagitan ng ZRD, isisigaw natin ang ating panawagang ibasura ng pork barrel at ilaan ang pondo para sa libre at mas mahusay na serbisyo para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) in distress.
Habang hirap na hirap at nagsasakripisyo ang mga OFW dahil sa pandaigdigang krisis at tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, nakakagalit malamang ang ating pinaghirapan ay kinukurakot lamang para sa sistemang ‘padron’ (patronage politics) at pansariling interes ng iilan. Sa pamamagitan ng ZRD, ipamalas natin ang pandaigdigang protesta laban sa pangungurakot sa pondong pawis at dugo natin ang naging pinuhunan.
Sa Setyembre 19, hindi magpapadala ang mga migranteng Pilipino upang ipanawagan ang sumusunod:
Ibasura ang pork barrel system!
Panagutin ang lahat ng sangkot!
Ilaan ang pondo para sa libre at mas mahusay na serbisyo para samga OFW in distress!
Bakit Setyembre 19?
Ang Setyembre 19 ay anibersaryo ng pagpapatupad ng Overseas Workers Welfare Assistance (OWWA) Omnibus Policies (OOP). Sa pamamagitan ng OOP, naging mandatory (sapilitan) ang paniningil ng $25 OWWA contribution sa kada kontrata ng bawat OFW. Nilimitahan din ng OOP ang mga benepisyo at serbisyo ng OWWA para sa mga OFW.
Malaon nang itinuturing na kontra-migrante ang OOP. Isa itong porma ng pagbubuwis sa mga OFW na nakalikom na ng tinatayang P14 bilyong kita para sa gobyerno mula sa mga kontribusyon ng mga OFW. Ang OWWA funds ay malaon nang kinukurakot ng gobyerno at ilang mga opisyal. Gayunpaman, sa kabila ng mga panawagan para sa full audit, itinatago pa rin ng gobyerno kung saan napupunta ang bilyun-bilyong pondo ng OWWA. Mas masaklap pa, sa kabila ng bilyun-bilyong piso mula sa OWWA funds at $21 bilyong OFW remittances, mas naging masahol at tila nanlilimos ng serbisyo at benepisyo ang mga OFW mula sa kasalukuyang gobyerno.
Tanging tayong mga migranteng Pilipino ang may kapangyarihan sa ating remittance. Sa pamamagitan ng hindi pagpadala sa isang araw, ipapamalas natin ang ating nagkakaisang paninindigan laban sa korupsyon, sistemang padron at kawalang hustisiyang panlipunan.
***********
No comments:
Post a Comment