Posted: 14 Aug 2013 05:19 AM PDT
Isinusulong ng grupong Water for the People Network (WPN) na imbestigahan ng Kongreso ang dalawang malaking pribadongconsessionaire sa serbisyo sa tubig.
Nangongolekta umano ang mga ito ng maanomalyang mga singil. Pinaiimbestigahan din ng WPN ang pribatisasyon sa serbisyo ng tubig sa bansa na nagbigay-daan sa walang-habas na pagtaas ng singil sa tubig at maanomalyang mga bayarin.
Ayon sa mga lider ng WPN, ipinakikita ng karanasan sa pagsasapribado ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) noong 1997 na sinamantala ng pribadong mga kompanya at bangko ang publiko para magpataw ng ilegal at mahal na mga bayarin sa tubig.
Pinatotohanan kamakailan mismo ni Gerardo Esquivel, administrador ng MWSS, ang ulat ng Ibon Foundation na pinapasan ng mga konsiyumer ang tinatayang PhP3.1 Bilyong corporate taxes kada taon mula 2008 ng Maynilad (PhP1.6-B) at Manila Water (PhP1.5-B). Aabot ito sa P15.3-B halagang siningil mula sa mga konsiyumer mula 2008 hanggang 2012, ayon sa WPN.
“Ang pagsingil sa mga konsiyumer para sa kanilang income taxes ang pinakawalang-hiya, pero hindi lamang sa ganitong paraan kinikikilan ng Maynilad at Manila Water ang publiko,” ayon kay Teddy Casiño, isa sa mga convenor ng WPN at dating representante ng Bayan Muna Party-list.
Sinabi pa ni Casiño na mistulang hinahayaan ng Ehekutibo ang dalawang kompanya na singilin lahat sa publiko ang kanilang capital expenses, at pati ang sports activities ng kompanya.
Lumalabas din na siningil sa mga konsiyumer pati ang biyahe ng mga opisyal nila sa ibang bansa at maging ang suhol nila sa lokal na mga opisyal ng gobyerno at mga miyembro ng midya.
Dapat din umanong repasuhin ng Kongreso ang Water Crisis Act of 1995 na nagbigay-daan para sa pribatisasyon ng MWSS at pagtaas ng singil sa tubig sa Metro Manila.
Mula 1997 hanggang 2013, tumaas nang 585 porsiyento ang batayang singil ng Maynilad. Nasa 1,120 porsiyento naman ang itinaas ng basic rate ng Manila Water.
“Panahon na para i-repeal ang batas at itulak ang gobyerno na maghatid ng kalidad at abot-kayang serbisyo ng tubig para sa publiko na wala ang pribadong kita,” ayon sa WPN.
Lumabas din kamakailan ang “fat bonuses” ng mga opisyal ng MWSS na umaabot sa P300,000 hanggang P500,000 bilangperformance based incentives ng dalawang concessionare.
Ipinagtanggol ito ng Malakanyang, na nagsabing batay naman umano ang mga bonus sa performance ng mga opisyal.
“Ang sinasabing ‘matuwid na daan’ ni Aquino ay muling nailalantad bilang ilusyon at panlilinlang sa mga tao. Hindi ito prinsipyong gumagabay sa mga aksiyon ng gobyerno. Sa pahayag ng Malakanyang sa pagdepensa sa mga bonus na ito ay naghahatid ng mensahe na ang serbisyo ng gobyerno ay para sa kapakanan ng mga pribado at hindi para sa serbisyong publiko,” ayon kay Roger Soluta, pangkalahatang-kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU).
Muli namang nanindigan ang WPN na di dapat aprubahan ng MWSS ang panukalang dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water. Katunayan, dapat mag-rollback pa ang mga ito dahil sa matagal na panahong paniningil ng mahal na bayarin.
“Higit pa ang return on equity ng Maynilad (48 porsiyento) at Manila Water (19 porsiyento) sa kuryente, telekomunikasyon at mga kompanya ng real estate,” ayon kay Casiño.

*******
No comments:
Post a Comment