Posted: 05 Aug 2013 03:59 AM PDT
Bilang natatangi at pinakamatandang alyansa ng mga publikasyong pangkampus sa bansa, ipinagdiwang ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang kanilang ika-82 taong anibersaryo ng pagsusulat, paglaban, at pagpanig ngayong taon.
Mula nang itatag ito noong Hulyo 25, 1931, kasaysayan ang naging saksi sa ilang dekadang paglaban ng CEGP sa loob at labas ng pamantasan. Nagsimula sa apat na publikasyon noon, umaabot na ang kasapian nito sa mahigit 700 publikasyon mula sa mahigit 60 probinsiya sa bansa sa kasalukuyan.
Sa mahaba nitong kasaysayan, nagluwal ang CEGP ng mga indibidwal na kinikilala sa bansa sa iba’t ibang larangan pinili. Ilan sa mga ito sina Helena Benitez, Renato Constantino, Abraham Sarmiento Jr., Antonio Tagamolila, Emmanuel Lacaba, Ma. Lorena Barros, Armando Malay, Lourdes Simbulan, Isagani Yambot, Satur Ocampo, Teodoro Casino, at maraming, maraming iba pa.
At higit dito, patuloy ang pakikisangkot – at hindi tagamasid lamang – mismo ng CEGP sa paghubog ng kasaysayan ng paglaban ng mga mamamayan.
Kalagayan ng mga publikasyong pangkampus
Ngayon, katulad noong nakaraang mga panahon, muling nahaharap ang campus press sa mga banta’t hamon.
Ayon kay Marc Lino Abila, pambansang pangkalahatang kalihim ngayon ng CEGP, nakapagtala sila ng mahigit na 250 paglabag sa kalayaan sa pamamahayag sa mga pamantasan mula sa 52 publikasyong dumalo sa 73rd National Student Press Convention na ginanap sa University of San Carlos sa Cebu City nitong Abril.
Ilan sa mga ito ang libelong ikinaso kay Jesusa Paquibot, punong patnugot ng UP Outcrop ng University of the Philippines- Baguio, dahil sa umano sa isinulat nitong artikulo magdadalawang taon na ang nakakaraan.
“Naglabas na ang korte ng arrest warrant para kay Paquibot noong Agosto nang nakaraang taon kung saan nagawa niyang makapagpiyansa mula sa mga donasyon ng mga organisasyon at kaibigan para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Kasalukuyang dinidinig pa ang kaso,” ayon kay Abila.
Ibinahagi rin ng CEGP, ang kasong libelong kinaharap ng UE Dawn ng University of the East dahil sa lampoon issue nito. Hindi na umano nangulekta ng publication fee ang adminstrasyon mula noong nakaraang taon (2012).
Humaharap naman ang Earist Technozette ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) sa banta ng pagpapasara ng publikasyon mula pa noong Marso kung hindi tatanggapin ang adviser na itinatalaga ng administrasyon para sa kanila.
“Nakasaad umano sa memorandum na inilabas ng administrasyon na may kapangyarihan ang adviser na makialam sa lahat ng aspeto sa publikasyon mula sa pagpili ng nilalalam ng publikasyon hanggang sa paggamit pondo para sa publikasyon,” ayon kay Abila.
Pansamantala namang sinuspindi ang operasyon ng Philippine Artisan ng Technological University of the Philippines (TUP)-Manila ngayong semestre dahil sa isang blind item na tumtutukoy umano sa direktor ng student affairs ng TUP-Manila. Nahirapan din umanong mag-enrol ang mga staff nito na pawang mga kritikal na manunulat sa mga polisiya sa pamantasan.
“Humaharap din na palitan ang editorial staff ng publikasyon. Nagpapahirap din umano sa kalagayan ng publikasyon ang pagbaliktad ng kanilang student regent na dating punong patnugot ng publikasyon laban sa kanila,” ayon kay Abila.
Tinanggal naman sa proseso ng paniningil ng publication fee ang The Chronicler ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)-Taguig ngayong semestre. Hindi rin kinikilala umano ang administrasyon bilang opisyal na publikasyong pangkampus ang The Chronicler.
May banta rin umanong ipasara ang publikasyon ng University of Cagayan Valley. Naghain na ng reklamo sa Commission on Higher Education sa Cagayan ang balangay ng CEGP hinggil sa represyong ito. Patuloy pa rin sila sa pakikipag-usap sa administrasyon sa kasalukuyan.
Nananatili namang manual ang pangungulekta ng publication fee sa mga mag-aaral ang The Angelite ng Holy Angel University (HAU) sa Pampanga mula ng tanggalin ito ng adminstrasyon sa proseso ng paningil noong 2011 dahil sa inilabas na lampoon isyu ng publikasyon.
“Maging ang mga ibang publikasyon ng mga mag-aaral sa loob ng HAU ay naging manual na rin ang pangungulekta dahil dito. Bumaba na ang nakukulekta nila para sa operasyon ng publikasyon mula noon na nagresulta sa mababang bilang na lamang na naipapalimbag na dyaryo para sa mga mag-aaral,” ayon kay Abila.
Target kontra-insurhensya
Dati pang pinagbibintangan ng militar ang mga organisasyong tulad ng CEGP bilang simpatisador daw ng armadong mga rebelde sa Pilipinas.
Minsan nang hayagang pinaratangan na front ito o miyembro ang mga guilder ng New People’s Army (NPA). Taong 2005 sa ilalim ng Oplan Bantay Laya nang maglabas ng presentasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ‘Knowing Thy Enemy’ na nakasaad na itinuturing na front daw ng NPA ang CEGP.
Nagpapatuloy pa rin ito sa ilalim ng Oplan Bayanihan ni Aquino, ayon sa CEGP. Marami itong natatanggap na ulat ng panghaharas sa mga miyembro nito. Maging mga opisyal nito sa pambasang opisina ng CEGP ay nakakatanggap ngharassments.
“Pebrero noong nakaraang taon nang makaranas ng surveillance ang kumbensyon ng CEGP sa Samar. Sinundan ang mga opisyal nito hanggang sa bahay ng isang guider (tawag sa miyembro ng CEGP) para doon mapalipas ng gabi. Alam nilang delikado na sila noon kaya kumontak na sila sa mga kilala nilang taga-media,” ayon kay Abila.
Ayon sa kanila, may lalaking nagtatanong sa kabilang bahay kung naroroon sila. Magdamag silang hindi nakatulog dahil sa takot. Tinulungan sila ng mga miyembro ng National Union Journalist of the Philippines (NUJP) sa Samar para ligtas na maihatid sa airport.
Ipinagtataka naman ni Karl Doceo, vice-president for Visayas ng CEGP, kung bakit kabilang ang mga miyembro ng publikasyon sa order of battle ng mga militar mula sa kopya na kanilang nakuha.
“Isang staff din ng Earist Technozette ang sinundan ng hinihinalang ahente ng militar. Habang naglalakad umano ang staff na ito, tinanong siya ng sumusunod sa kanya kung miyembro siya ng publikasyon. Itinanggi nya na kasapi sya ng publikasyon dahil sa takot at sinabi sa kanya na hindi na siya susundan nito,” ayon kay Abila.
Ang Pioneer naman ng Palawan State University (PSU), nag-ulat na nagpalabas umano ng presentasyon ang mga AFP sa kanilang paaralan na nagsasabing fronts o miyembro ng NPA ang mga miyembro ng CEGP. Tinukoy pa umano kung sinu-sino ang mga staff ng publikasyon. Gayundin ang ulat ng mga taga-Cagayan Valley.
Dagdag ni Abila, sa mismong pagdiriwang nila ng ika-82 anibersaryo ng CEGP, may tinukoy silang mga ahente na sumusunod sa kanila mula pa noong umaga. Sinundan sila ng mga ito hanggang sa venue ng pagdiriwang sa may Visayas Avenue, Quezon City.
CJA Ibasura
Sa kabila ng hayagang panghaharas at pananakot sa campus press, nagpapatuloy ang paglaban ng CEGP sa panunupil sa kalayaan sa pamamahayag pangkampus.
Dagdag ni Abila, patuloy ang paggamit ng Campus Journalism Act of 1991 (CJA of 1991) ng mga eskuwelahan para supilin ang mga publikasyong pangkampus. Isinabatas ang CJA of 1991 para protektahan daw ang mga publikasyong pangkampus. Pero sa pagpapatupad ng batas, kabaliktaran ang nangyari ayon sa CEGP.
“Oo, may mga positibong laman ang batas. Pero ang kawalan ng penalty clause o parusa sa mga lumalabag dito ang nagbibigay ng lakas ng loob sa administrasyon para gamitin ang CJA of 1991. Kung gusto ng admin na ipasara publikasyon o huwag mangulekta ng publication fee, o suspindehin ang isang campus journalist dahil sa sinulat nito, magagawa nila dahil hindi naman sila parurusahan ng batas na ito,” ayon kay Abila.
Isinusulong ngayon ng CEGP ang pagbabasura ng CJA of 1991 at pagsasabatas ng Campus Press Freedom Bill ng Kabataan Party-list sa Kongreso. Pero hindi pa rin ito magiging sapat para mahinto ang mga paglabag sa publikasyong pangkampus ayon kay Abila.
“Magiging malaking tulong ang Campus Press Freedom Bill kung maisasabatas ito. Pero maging ito, hindi makakapigil sa campus press freedom violations, hangga’t komersiyal ang edukasyon, hangga’t busabos ang kalagayan ng mga manggagawa, walang lupa ang mga magsasaka, hangga’t nanatili ang pulitikal, kultural at pang-ekonomiyang krisis sa lipunan,” ayon kay Abila.
Kasaysayan ng pakikisangkot
Sa mismong motto ng CEGP na “To write is already to choose” (Ang pagsulat ay isa nang pagpili) nakalulan ang mahabang karanasan ng pagkikisangkot at pagpanig sa hanay ng mga pinagsasamantalahang mamamayan. Ayon sa mga miyembro nito, matagal na raw na binasag ng CEGP ang “mito ng niyutralidad o objectivity” sa pamamahayag.
Ayon kay Abila, nagpapatuloy ang ganitong mga paglabag sa publikasyong pangkampus dahil sa krisis sa lipunan na tumatagos sa mga isyu sa mga paaralan. Aniya, hindi hiwalay ang isyung pambansa sa isyung nasa pamantasan kaya hindi dapat mahiwalay ang mamamahayag sa lipunan.
“Kung magbabawas ng badyet sa edukasyon, magtataas ng bayarin, iuulat siya ng mga publikasyong pangkampus at ayaw itong ipalabas ng mga administrasyon. Kahit sa mga pribado namang eskuwelahan, dahil komersiyal ang edukasyon, kung anu-anong bayarin ang pinipiga sa mga estudyante. Iuulat (ito) ng campus journalists. Pag-iinitan ngayon (ito) ng admin kahit gaano pa ito ka-objective,” ayon kay Abila.
Ayon kay Abila, karanasan ng mga publikasyong pangkampus na sistematikong inaatake ang mga ito kapag nagiging kritikal ang mga laman ng publikasyon sa mga isyu sa loob at labas ng mga pamantasan.
“Sa kasalukuyan, nariyan pa rin ang mga sinasabi na dapat walang pinapanigan ang mga mamamahayag. Pero karanasan at kasaysayan ang natuturo sa atin na tunay na dapat may baguhin sa lipunan. At kung mananatili ka sa gitna o posisyon ng nyutralidad sa panahon ng pagsasamantala at pang-aapi, sa esensiya, pinapanigan mo ang nagsasamantala at nang-aapi,” ayon kay Abila.
Ang awtor ng artikulong ito, na kasalukuyang mamamahayag ng Pinoy Weekly, ay dating pangkalahatang kalihim ng CEGP.

************
No comments:
Post a Comment