Saturday, August 10, 2013

Pinoy Weekly - Dagdag-sahod ng obrero sa NCR, malabo pa


Posted: 10 Aug 2013 07:19 AM PDT


Simbolikong sinunog ng mga kasapi ng KMU ang logo ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) bilang protesta sa anila'y barya-baryang umentong ibinibigay sa mga manggagawa.  (Macky Macaspac)Simbolikong sinunog ng mga kasapi ng KMU ang logo ng National Wages and Productivity Commission bilang protesta sa anila’y barya-baryang umentong ibinibigay sa mga manggagawa. (Macky Macaspac)


Maghihintay pa ng 30 araw ang mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) para malaman kung ibibigay ng gobyerno ang umentong hinihingi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Sa konsultasyon kahapon sa pagitan ng TUCP at Regional Wage Board, inihain ng dalawang kampo ng TUCP ang magkahiwalay na petisyon para sa P83 at P85 na dagdag-sahod, na dedesisyunan ng wage board matapos ang 30 araw.

Sinabayan naman ng piket nang Kilusang Mayo Uno (KMU) ang nasabing konsultasyon. Ayon sa grupo, tiyak na kakatiting lang ang ibibigay na umento kung sakaling magdesisyon ang wage board.
Sinabi din ng grupo na walang kapasidad ang wage board na magbigay ng sapat na sahod para sa manggagawa, tulad ng kanilang iginigiit na P125 across-the-board nationwide wage hike.


“Hindi wage hike ang tinalakay nila, kundi kung gasinong mumo ang ibibigay nila sa mga manggagawa. Mula 1989 nang itayo ang wage board, kakatiting na ang inaaprubahang umento nito, at wala kaming nakikitang mababago ito ngayong taon,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.


Kinondena din ng grupo ang pagtutol ng mga organisasyon ng mga dayuhan at lokal na employer, at sinabing nagsisinungaling ang mga ito sa kanilang argumento laban sa dagdag-sahod ng mga manggagawa.


Sa nasabing konsultasyon, nagsampa din ng petisyon laban sa dagdag-sahod ang Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) at Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFCP). Sinabi ng mga ito na magreresulta sa tanggalan at pagsasara ng mga industriya, laluna ang tinaguriang small and medium enterprises, ang anumang umento sa ngayon.


Nagprotesta  sa harapan ng Occupational Safety and Hazard Center ang grupo ng KMU, habang dinidinig ang petisyon para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa sa NCR. (Macky Macaspac)Nagprotesta sa harapan ng Occupational Safety and Hazard Center ang grupo ng KMU, habang dinidinig ang petisyon para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa sa NCR. (Macky Macaspac)


Ayon sa KMU, hindi totoong magkakaroon ng delubyo kung itataas ang sahod ng mga manggagawa. Sinabi pa ng grupo na madalas nilang kausap ang maliliit na negosyante at sinasabi ng mga ito na maliit na porsiyento lamang ng kanilang gastos sa produksiyon ang sahod ng mga manggagawa.


Sa hiwalay na pag-aaral ng Ibon Foundation noong Mayo 2013, labinlimang porsiyento sa kita ng mga negosyante ang makakaltas kapag naibigay ang P125 across-the-board wage hike.


“Tinatakot nila ang mga manggagawa na magkakaroon ng malawakang tanggalan. Nililinlang din nila ang mga manggagawa sa pangakong magandang trabaho samantalang ang totoo, deka-dekada na nilang binabarat ang sahod at patuloy din ang paglaki ng mga walang trabaho,” sabi ni Labog.




***********




















No comments:

Post a Comment