Posted: 23 Aug 2013 12:41 PM PDT
Behn Cervantes was already The Behn Cervantes – Behn with an H — when I entered the University of the Philippines in 1969. In that year, I had become a certified activist, first by joining the Student Cultural Association of the UP, and then the Kabataang Makabayan. I am unsure if Behn was already a member of the Samahang Demokratiko ng Kabataan by that time.
What I am sure about is that as I had become active in reviving the KM Cultural Bureau and organizing Panday-Sining and some other cultural groups of KM, together with Merardo Arce and our artistic guru, Leo Rimando, Behn was already directing street plays for Gintong Silahis, which was the theater group of SDK. Were we in KM threatened.
Not quite. Behn was a UP professor who had gone to school abroad alright, but so was our Leo Rimando. Behn was a towering and dreaded figure in the theater scene in UP Diliman, so was Leo in UP Los Baños. Behn had done Broadway and off-Broadway, so had Leo. Behn discarded Broadway and off-Broadway, so did Leo. Behn was spouting English, so was Leo — with a British accent to boot, pronouncing tom?to as tomatœ. Behn was Upsilonian, eh ano, so was Leo.
It was the second quarter of 1970. We were in a state of exultation in the aftermath of the storm of the first quarter. We were high, not on account of pot or anything that had to do with the Age of Aquarius. We were flushed with the spirit of a Revolution in which we ourselves were combatants, even if we had only thrown sticks and stones and some pillboxes and Molotov cocktails. Many of us had begun to forsake our colleges and universities, preferring to be educated in the larger school of the slums and strike areas and the countryside. How Behn maintained his teaching in UP while being omnipresent in meetings and rallies and the production work in Gintong Silahis was a feat that merited admiration among our ranks. He was still The English-Spouting Behn Cervantes but Behn Cervantes the Activist.
OK na siguro ang pag-i-Ingles ko, Behn. Nahihirapan na ako. Nosebleed na ito. Anyway, sinisikap mo namang hindi mag-Ingles kapag nagpupulong tayo noong 1970s.
Pulong. Nagsimula kaming magkasama sa gawain sa kilusan sa isang pulong na hindi siya Gintong Silahis at hindi ako Panday-Sining, kundi kapwa kami kasapi ng kilusang lihim. Opo, hindi pa man martial law ay lihim nang sumanib si Behn sa Partido na muling itinatag ng kanyang kontemporaryo sa UP Dramatic Club, si Jose Ma. Sison.
Ngunit, iyon na nga. Pilit hindi nag-i-Ingles si Behn sa aming mga pulong. Hindi siya mataray. Walang ere. Tinrato niyang kapantay – kasama – hindi lamang ako kundi ang lahat ng kanyang mga kakolektib. Malakas ang inisyatiba ni Behn, dulot, malinaw naman, ng kanyang karanasan at kaalaman sa sining at teatro, at ng pagnanasang pangibabawin ang rebolusyonaryong dulaan sa kolonyal na dulaan. Sa usaping ito ng pagpapataas ng antas ng rebolusyonaryong dulaan, perpeksyonista si Behn.
Isa siyang hamak na estudyanteng pumailalim sa disiplina ng organisasyon, sa mga teoretikal na pag-aaral, sa gawaing masa. Bukas-isip siyang lumahok sa mga pamumuna at pagpuna-sa-sarili.
Hinikayat niya ang mga kaibigan niyang middle forces at burges para tumulong sa kilusan. Walang pangimi niyang pinalahok ang mga kaibigan niyang propesyonal na artista sa mga aktibidad at produksyon ng Gintong Silahis. (Syempre, sa hayag na kilusan ay Gintong Silahis pa rin siya. At kapag nagkakasulong kami sa daan, kami ay nagkikindatan na lamang.)
Makailang ulit na nakulong si Behn, hindi nga lamang siya pinagtatagal sa bilangguan. Hindi nga ba’t ABCB degree pa nga ang tawag niya sa siklo ng kanyang detensyon bilang pagsasabing lahat ng kulungan ng diktadurang Marcos ay pinasukan niya? Camp Aguinaldo, Fort Bonifacio, Camp Crame, Bicutan. Ngunit hindi niya natutunan ang leksyong isinupalpal sa kanya ng gobyerno at estado.
Nang ganap akong mawala sa sirkulasyon noong 1971 hanggang sa deklarasyon ng martial law noong Setyembre 1972, patuloy ang aking pakikipag-ugnayan at pakikipagtrabaho kay Behn.
Ni minsan sa panahong ito ay hindi siya nanlamig. Anuba’t lalo nga siyang tumapang at sumigasig. Naputol na lamang ang ugnayan namin nang ako na ang maaresto at makulong. (Natural, isa sa pilit na inusisa ng akin ng military interrogators ay ang tungkol kay Behn.)
Nang ako’y pa-laya na noong 1976, at binayaang lumabas ng kampo kapag weekend, ang una kong ginawa nang mawalan ako ng military escort ay ang manood ng kanyang pelikulang “Sakada.” Vintage Behn pa rin.
Nang ganap na akong lumaya at muling nag-aral sa UP, agad akong nakipagkita kay Behn. Marahil, upang i-welcome ako, dinirek niya ang dulang “Pagsambang Bayan.” Taong 1977 iyon, ikalimang taon ng martial law. Ang dulang ito ang kauna-unahang full-length play na walang pangiming tumuligsa sa batas militar, gamit ang manipis na lambong ng pagiging liturgical play. Matindi ang bisa at resulta ng “Pagsambang Bayan,” kapwa sa manonood at sa pagsasamahan namin ni Behn.
Wika nga ni Joi Barrios, “Gaya ng nasabi na ni Chris Millado, isa ang (“Pagsambang Bayan”) sa pinakamahalagang dula na naka-impluwensiya sa kanya, sa akin, at sa marami pang artista ng teatro. Bagamat Magsasaka 2 lang ako at refreshments committee sa 1980 restaging ng dula, pero doon ko natutunan ang kahalagahan ng pagsisilbi ng teatro sa lipunan at ng pagpapasyang dapat harapin ng lahat sa kanilang buhay. Tulad ng pari sa dula, tinatanong tayo: Para kanino ka nagsisilbi?”
Muling nakulong si Behn dahil sa “Pagsambang Bayan.” Pansamantalang muli akong nagtago.
Nagkasunod-sunod na ang tambalan namin ni Behn sa teatro – “Sigaw ng Bayan,” Estados Unidos Bersus…” at iba pa. Ang hindi ko agad sinabi kay Behn, nauna nang idinirek ni Leo Rimando ang mga dulang iyon.
Sa ibang okasyon na marahil ang pagpapatuloy ng kuwento kong ito, pati na ang bagay na founding member siya ng isang allied organization ng NDFP, ang Artista at Manunulat ng Samabayanan.
Dalawang insidente na lang po… Sa buong panahong ikinwento ko, minsan lang akong pinagtaasan ng boses ni Behn. Kumatok ako noon sa bahay niya sa Kamuning. Binuksan niya ang pinto. Nagulat ako sa kanyang itsura. Parang may kung anong langis sa kanyang mukha. May gamot na pula ring nakaguhit sa balat na naghahangga sa leeg , anit ng ulo, at tenga. Nag-Ingles ako. What happened to your face! What a question! — singhal niya sa akin. Iyon pala ang facelift. Hehehe.
Minsan naman, galit si Behn dahil abot-abot na ang hingal niya sa paglalakad sa bundok na iyon sa Camarines Sur, pero malayo pa ang kampo. Magmimiting lang tayo, dito pa! — sabi niya. Bulong siya nang bulong. Ilang sandali pa, pagkalagpas sa masukal na bahagi ng bundok, bumulaga sa amin ang isang makapigil-hiningang tanawin ng mga burol na, ala-Sound of Music. Walang warning, bigla siyang bumunghalit ng, ano pa nga ba, kundi, “The hills are alive with the sound of music…” Muntik nang matapilok at madulas ang mga eskort na may baril.
This is getting to be long. And Behn hates long talkies. Absolutely.
##
*Speech read by the author during the tribute to Behn Cervantes by Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) and Concerned Artists of the Philippines (CAP) held on August 21 at Church of the Risen Lord, University of the Philippines Diliman, QC.
What I am sure about is that as I had become active in reviving the KM Cultural Bureau and organizing Panday-Sining and some other cultural groups of KM, together with Merardo Arce and our artistic guru, Leo Rimando, Behn was already directing street plays for Gintong Silahis, which was the theater group of SDK. Were we in KM threatened.
Not quite. Behn was a UP professor who had gone to school abroad alright, but so was our Leo Rimando. Behn was a towering and dreaded figure in the theater scene in UP Diliman, so was Leo in UP Los Baños. Behn had done Broadway and off-Broadway, so had Leo. Behn discarded Broadway and off-Broadway, so did Leo. Behn was spouting English, so was Leo — with a British accent to boot, pronouncing tom?to as tomatœ. Behn was Upsilonian, eh ano, so was Leo.
It was the second quarter of 1970. We were in a state of exultation in the aftermath of the storm of the first quarter. We were high, not on account of pot or anything that had to do with the Age of Aquarius. We were flushed with the spirit of a Revolution in which we ourselves were combatants, even if we had only thrown sticks and stones and some pillboxes and Molotov cocktails. Many of us had begun to forsake our colleges and universities, preferring to be educated in the larger school of the slums and strike areas and the countryside. How Behn maintained his teaching in UP while being omnipresent in meetings and rallies and the production work in Gintong Silahis was a feat that merited admiration among our ranks. He was still The English-Spouting Behn Cervantes but Behn Cervantes the Activist.
OK na siguro ang pag-i-Ingles ko, Behn. Nahihirapan na ako. Nosebleed na ito. Anyway, sinisikap mo namang hindi mag-Ingles kapag nagpupulong tayo noong 1970s.
Pulong. Nagsimula kaming magkasama sa gawain sa kilusan sa isang pulong na hindi siya Gintong Silahis at hindi ako Panday-Sining, kundi kapwa kami kasapi ng kilusang lihim. Opo, hindi pa man martial law ay lihim nang sumanib si Behn sa Partido na muling itinatag ng kanyang kontemporaryo sa UP Dramatic Club, si Jose Ma. Sison.
Poster of the 2009 restaging of the Cervantes-directed, Ilagan-penned, anti-dictatorship play “Pagsambang Bayan”, which was first staged at the height of the dictatorship in 1975.
Isang understatement kung sasabihin kong asiwa ako sa pakikipagpulong kay Behn noon, dahil siya nga ang kung sino siya. Biruin naman ninyo ang mga balakid na kailangan kong suungin – estudyanteng tinedyer pa lang ako, at siya’y terror professor na. Trial and error pa lang ang alam ko sa teatro at siya’y mateorya na. Katatapos pa nga lang niyang idirek ang “Jesus Christ Superstar” na lalong nagpalaki sa kanyang pangalan. Tapos, magpapatawag ako ng pulong at siya ay tatakdaang dumalo. Si Behn ay ganap nang pumaloob sa rebolusyon.Ngunit, iyon na nga. Pilit hindi nag-i-Ingles si Behn sa aming mga pulong. Hindi siya mataray. Walang ere. Tinrato niyang kapantay – kasama – hindi lamang ako kundi ang lahat ng kanyang mga kakolektib. Malakas ang inisyatiba ni Behn, dulot, malinaw naman, ng kanyang karanasan at kaalaman sa sining at teatro, at ng pagnanasang pangibabawin ang rebolusyonaryong dulaan sa kolonyal na dulaan. Sa usaping ito ng pagpapataas ng antas ng rebolusyonaryong dulaan, perpeksyonista si Behn.
Isa siyang hamak na estudyanteng pumailalim sa disiplina ng organisasyon, sa mga teoretikal na pag-aaral, sa gawaing masa. Bukas-isip siyang lumahok sa mga pamumuna at pagpuna-sa-sarili.
Hinikayat niya ang mga kaibigan niyang middle forces at burges para tumulong sa kilusan. Walang pangimi niyang pinalahok ang mga kaibigan niyang propesyonal na artista sa mga aktibidad at produksyon ng Gintong Silahis. (Syempre, sa hayag na kilusan ay Gintong Silahis pa rin siya. At kapag nagkakasulong kami sa daan, kami ay nagkikindatan na lamang.)
Makailang ulit na nakulong si Behn, hindi nga lamang siya pinagtatagal sa bilangguan. Hindi nga ba’t ABCB degree pa nga ang tawag niya sa siklo ng kanyang detensyon bilang pagsasabing lahat ng kulungan ng diktadurang Marcos ay pinasukan niya? Camp Aguinaldo, Fort Bonifacio, Camp Crame, Bicutan. Ngunit hindi niya natutunan ang leksyong isinupalpal sa kanya ng gobyerno at estado.
Nang ganap akong mawala sa sirkulasyon noong 1971 hanggang sa deklarasyon ng martial law noong Setyembre 1972, patuloy ang aking pakikipag-ugnayan at pakikipagtrabaho kay Behn.
Ni minsan sa panahong ito ay hindi siya nanlamig. Anuba’t lalo nga siyang tumapang at sumigasig. Naputol na lamang ang ugnayan namin nang ako na ang maaresto at makulong. (Natural, isa sa pilit na inusisa ng akin ng military interrogators ay ang tungkol kay Behn.)
Nang ako’y pa-laya na noong 1976, at binayaang lumabas ng kampo kapag weekend, ang una kong ginawa nang mawalan ako ng military escort ay ang manood ng kanyang pelikulang “Sakada.” Vintage Behn pa rin.
Nang ganap na akong lumaya at muling nag-aral sa UP, agad akong nakipagkita kay Behn. Marahil, upang i-welcome ako, dinirek niya ang dulang “Pagsambang Bayan.” Taong 1977 iyon, ikalimang taon ng martial law. Ang dulang ito ang kauna-unahang full-length play na walang pangiming tumuligsa sa batas militar, gamit ang manipis na lambong ng pagiging liturgical play. Matindi ang bisa at resulta ng “Pagsambang Bayan,” kapwa sa manonood at sa pagsasamahan namin ni Behn.
Wika nga ni Joi Barrios, “Gaya ng nasabi na ni Chris Millado, isa ang (“Pagsambang Bayan”) sa pinakamahalagang dula na naka-impluwensiya sa kanya, sa akin, at sa marami pang artista ng teatro. Bagamat Magsasaka 2 lang ako at refreshments committee sa 1980 restaging ng dula, pero doon ko natutunan ang kahalagahan ng pagsisilbi ng teatro sa lipunan at ng pagpapasyang dapat harapin ng lahat sa kanilang buhay. Tulad ng pari sa dula, tinatanong tayo: Para kanino ka nagsisilbi?”
Muling nakulong si Behn dahil sa “Pagsambang Bayan.” Pansamantalang muli akong nagtago.
Nagkasunod-sunod na ang tambalan namin ni Behn sa teatro – “Sigaw ng Bayan,” Estados Unidos Bersus…” at iba pa. Ang hindi ko agad sinabi kay Behn, nauna nang idinirek ni Leo Rimando ang mga dulang iyon.
Sa ibang okasyon na marahil ang pagpapatuloy ng kuwento kong ito, pati na ang bagay na founding member siya ng isang allied organization ng NDFP, ang Artista at Manunulat ng Samabayanan.
Dalawang insidente na lang po… Sa buong panahong ikinwento ko, minsan lang akong pinagtaasan ng boses ni Behn. Kumatok ako noon sa bahay niya sa Kamuning. Binuksan niya ang pinto. Nagulat ako sa kanyang itsura. Parang may kung anong langis sa kanyang mukha. May gamot na pula ring nakaguhit sa balat na naghahangga sa leeg , anit ng ulo, at tenga. Nag-Ingles ako. What happened to your face! What a question! — singhal niya sa akin. Iyon pala ang facelift. Hehehe.
Minsan naman, galit si Behn dahil abot-abot na ang hingal niya sa paglalakad sa bundok na iyon sa Camarines Sur, pero malayo pa ang kampo. Magmimiting lang tayo, dito pa! — sabi niya. Bulong siya nang bulong. Ilang sandali pa, pagkalagpas sa masukal na bahagi ng bundok, bumulaga sa amin ang isang makapigil-hiningang tanawin ng mga burol na, ala-Sound of Music. Walang warning, bigla siyang bumunghalit ng, ano pa nga ba, kundi, “The hills are alive with the sound of music…” Muntik nang matapilok at madulas ang mga eskort na may baril.
This is getting to be long. And Behn hates long talkies. Absolutely.
##
*Speech read by the author during the tribute to Behn Cervantes by Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) and Concerned Artists of the Philippines (CAP) held on August 21 at Church of the Risen Lord, University of the Philippines Diliman, QC.
********
No comments:
Post a Comment