Posted: 17 Aug 2013 01:57 AM PDT
Magandang balita ba ang panukalang “Magna Carta for Journalists” si Sen. Jinggoy Estrada? Ang Senate Bill No. (SBN) 380 ay kasalukuyang nakahain sa dalawang komite ng Senado – Public Information and Mass Media; at Labor, Employment and Human Resource Development. Depende sa prayoridad ng mga komiteng ito, maasahan natin ang pagdaraos ng mga public hearing para malaman ang ekspertong pananaw ng ilang grupo’t indibidwal tungkol sa panukalang batas na ito.
Isa lang ang pakiusap ko sa mga senador, lalo na kay Estrada: Sana naman ay pakinggan din ang sentimyento ng mga guro at estudyante ng Peryodismo. Kung babasahin kasi ang Sec. 12 ng SBN 380, malinaw na apektado rin ang mga paaralang may mga kurso sa Peryodismo: “The provisions of this Act and its Implementing Rules and Regulations, as well as the Code of Ehics for Journalists shall form part of the core subjects in the school curriculum on journalism.”
Matapos kong suriin ang anim na pahina ng SBN 380 (Magna Carta for Journalists), nakita ko bilang guro ng peryodismo ang mahigpit na pangangailangang ituro ito sa mga estudyante. Kaya nga hindi pa man naipapatupad ito, makakaasa si Estrada (pati na si Rep. Rufus Rodriguez na napabalitang maghahain ng kaparehong panukalang batas sa House of Representatives) na agad-agad akong maglalaan ng oras sa mga klase ko para talakayin ang mga nilalaman nito.
Pero kailangang linawing ang desisyon kong ito ay hindi mensahe ng pagsuporta kundi ng pagkondena. Ang tinagurian kasing magna carta (o “great charter” sa wikang Ingles) ay mas nakasasama kaysa nakabubuti sa propesyon ng peryodismo.
Kahit na nakasaad sa deklarasyon ng polisiya na ang mga peryodista ay dapat na bigyan ng seguridad sa trabaho, makataong kondisyon sa gawain at karampatang suweldo (Sec. 2, SBN 380), may mga kondisyong itinatakda ang pamahalaan kung isasabatas ang panukala.
Halimbawa, kailangang buuin ang isang Philippine Council for Journalists (PCJ) na magbibigay ng akreditasyon sa mga peryodista sa pamamagitan ng eksaminasyon, bukod pa sa iba pang responsibilidad tulad ng pagsasagawa ng mga seminar at pagsasanay. Bagama’t nakasulat na ang planong PCJ ay isang “self-regulatory body for journalists and the journalism profession (Sec. 5, SBN 380),” kataka-takang ang komposisyon nito ay ang ilang organisasyong pang-midya, pati na ang Pangulo o ang kanyang kinatawan. Basahin nang mabuti ang nakasulat sa wikang Ingles: “The body shall be composed of journalism organizations duly recognized by the Securities and Exchange Commission (SEC) represented by the President or his representative.”
May malinaw na kontradiksiyon sa sitwasyong may kinatawan ang gobyerno sa isang bubuuing organisasyong “self-regulatory” diumano. Simple lang ang aking retorikal na tanong sa puntong ito: Hindi ba’t nakokompromiso ang kalayaan sa pamamahayag sa sitwasyong may kinatawan ng Pangulo sa PCJ na pinaplanong maging “development center for journalism” (Sec. 5, SBN 380)?
Mas malala pa ang planong magbigay ang PCJ ng taunang Professional Journalist Examination para sa mga peryodista. Ang mga peryodistang accredited by magkakaroon ng mga benepisyo’t pribilehiyo ng PCJ samantalang ang mga non-accredited ay hindi makakatanggap ng mga ito. Suriin nang mabuti ang teksto: “[Non-accredited journalists] shall enjoy only those benefits and privileges accorded to them by their employers. The absence of an accreditation identification card shall in no way bar them from exercising his (sic) duties and rights as journalists(Sec. 5, SBN 380).”
Hindi malinaw sa SBN 380 kung ano-ano ang mga benepisyo’t pribilehiyong planong ibigay ng bubuuing PCJ sa mga peryodistang accredited. Kasama kaya sa mga ito ang nakasaad sa Sec. 6 ng SBN 380? Basahin natin nang mabuti: “In the determination of the salary scale of journalist (sic) the following factor (sic) shall, inter alia, be considered: (a) Comparable wages and income in other occupations with the same degree of training and qualifications; (b) Cost of living; [and] (3) Imperatives of economic and social development.”
Tulad ng mga benepisyo’t pribilehiyo, hindi na naman malinaw kung paano ito maipapatupad at kung ano ang saklaw ng pagbibigay ng disenteng sahod para sa mga peryodista. Ang posibleng interpretasyon ay ang mas mataas na sahod para sa mga peryodistang accredited dahil sa mas mataas na antas ng pagsasanay at kuwalipikasyon. Kahit na hindi sinasadya, nagiging mapanghati ang ganitong panukalang kalakaran sa hanay ng mga peryodista.
Pero kung may kailangang ituro sa mga estudyante ng Peryodismo, ito ay ang planong pagtatakda ng isang Code of Ethics for Journalists sa loob ng anim na buwan kung sakaling maisabatas ang SBN 380. Ano ba ang nakasulat sa Sec. 7? “Violations of the said Code shall be a ground for appropriate sanctions as may be determined by the PCJ after due process. Such sanctions include but not limited to (sic) suspension or permanent withdrawal of accreditation, and suspension of benefits and/or privileges accorded to accredited journalists. Aside from suspension or revocation of the erring journalist’s accreditation, other penalties include the dropping from the roster of professional journalists.”
Para sa mga seryosong estudyante ng Peryodismo, alam nilang noon pang 1988, mayroon nang The Philippine Journalist’s Code of Ethics na binubuo ng 11 pamantayan. May mga organisasyong pangmidya rin na may sariling code of ethics na ginagamit. Marami mang code of ethics, hindi naman nalalayo ang mga batayan ng pagbubuo sa kanila – truth-telling, justice, freedom, stewardship at humaneness batay sa librong Committed Journalism ni Edmund Lambeth.
Kung ako ang tatanungin, hindi kinakailangan ng panibagong code of ethics. Lalong hindi katanggap-tanggap ang pagsasabatas ng dapat ay boluntaryong pagsunod sa mga etikal na pamantayan ng propesyon. Kung may parusa mang natatanggap ang peryodista o organisasyong pangmidya sa hindi pagsunod sa mga pamantayan ng propesyon, ito ay ang pagkabawas o tuluyang pagkawala ng kredibilidad sa publiko. Sa konteksto rin ng nagsasariling regulasyon, dapat ay hayaan na lang ng mga independent media monitoring group tulad ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) na suriin ang kalakasan at kahinaan ng paggampan sa propesyon.
Tungkol naman sa mga probisyon ng SBN 380 tungkol sa proteksiyon sa mga peryodista (Sec. 8) at programa para sa mga pagsasanay, hindi na kinakailangan ang mga ito. Kung ginagampanan lamang ng mga pulis at korte ang trabaho nila, makakamtan ang hustisya para sa mga pinaslang na peryodista, pati na rin ang mga nabibiktima ng iba’t ibang porma ng intimidasyon. At kung pag-aaralan lang ang kalagayan sa propesyon, malalaman ni Estrada na mayroon nang mga pagsasanay na ginagawa ang iba’t ibang organisasyon para sa mga peryodista.
Kung babalikan ang Sec. 5 ng SBN 380, may walong tinukoy na organisasyon ng mga peryodistang bubuo diumano sa PCJ: National Press Club of the Philippines (NPC), Philippine Press Institute (PPI), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), Press Photographers of the Philippines (PPP), Manila Overseas Press Club (MOPC), National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) at Federation of Provincial Press Club (FPPC). Hindi na ako nagulat nang mabalitaan kong dalawa sa kanila (NPC at NUJP) ay tutol hindi lang sa pagiging bahagi ng PCJ kundi sa mismong panukalang batas ni Estrada. At kahit wala pang opisyal na posisyon ang anim pang organisasyon habang sinusulat ito, alam kong may mga miyembro silang tutol sa SBN 380.
Bukod sa mga peryodista, mahalagang ipahayag ng mga guro’t estudyante ng Peryodismo ang kanilang mariing pagtutol sa batas na ito. Hindi maaaring matawag na magna carta para sa mga peryodista ang isang panukalang magkokompromiso sa kalayaan sa pamamahayag.
Sen Jingoy Estrada |

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.
******
No comments:
Post a Comment