Posted: 05 Aug 2013 05:45 AM PDT
Sinimulan ng grupong Riles Laan sa Sambayanan (Riles) Network ang lingguhang protesta nito laban sa nakaambang pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) kaninang umaga. Isinagawa ng grupo ang kanilang protesta sa North Edsa station ng MRT at sa Monumento station ng LRT-1.
Ayon sa Riles, magsasagawa sila ng protesta tuwing Lunes para ipakita ang kanilang pagtutol sa taas-pasahe gayundin ang paghikayat sa mga komyuter ng tren na lumahok sa mga protestang isasagawa ng kanilang grupo.
“Pabigat ito sa mga pasahero. Gusto ng administrasyong Aquino na taasan ang bayad ng mga komyuter ng MRT at LRT, samantalang binubusog naman nito (Aquino) ang mga negosyante,” pahayag ni Sammy Malunes, tagapagsalita ng Riles Network.
Kinontra din ng grupo ang katwiran ng gobyerno na hindi maiiwasan ang pagtaas ng pamasahe sa mga tren para gumanda ang serbisyo ng mga ito at mailaan ang subsidyo para sa iba pang serbisyo publiko ng gobyerno. Ayon sa grupo, nais lang daw ng gobyerno na tiyakin ang bilyong kita ng mga pribadong korporasyon mula sa di-pantay na kontratang pinasok ng gobyerno.
Ibinigay na halimbawa ng grupo ang PhP5.3-Bilyong subsidyo para sa MRT na napunta lang daw sa equity rental sa Metro Rail Transit Corporation o MRTC, at PhP1.2-B naman ang napunta sa mga dayuhang korporasyon para naman sa management at maintenance. Sinabi pa ng grupo na batay sa kontrata ng MRT, ginagarantiyahan ng gobyerno na makukuha ng mga korporasyon ang 15 porsiyentong interes batay sa kuwentang PhP60 kada pasahero.
“Hindi ito mapait na gamot na kailangang lunukin natin, lason ito na puwersahang ipinapalunok sa atin ng gobyerno,” sabi ni Malunes. Dagdag niya, sapat umano ang pondo ng gobyerno para patakbuhin ang mga tren.
“Bilyon na ang kinita ng MRTC mula sa mga komyuter at buwis natin, samantalang lalung papaliitin ng taas-pasahe ang kakarampot na sahod ng mga manggagawa,” sabi pa ni Malunes. Sa datos mismo ng gobyerno, lumalabas na 60 porsiyento ng mga tumatangkilik sa MRT at LRT ang nagmula sa karaniwang empleyado at mga manggagawa, 30 porsiyento naman ang mga estudyante.
Sinabi naman ni Sek. Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Malakanyang, na hintayin muna ng publiko ang konsultasyong ipapatawag ng Department of Transportation and Communication (DOTC). “Bago ho sila mag-rally, magkakaroon po ng public consultation ang DOTC at MRT management tungkol po rito,” ani Lacierda sa midya.

**********
No comments:
Post a Comment