Posted: 14 Sep 2013 04:45 AM PDT
Singer Darryl Shy - the voice of the Philippines |
Simulan natin ito sa isang nakakagulat na pag-amin. Hindi ako noon tagahanga ni Darryl Shy.
Oo, kapuri-puri namang siya lang ang nag-audition sa The Voice of the Philippines (ABS-CBN) sa pamamagitan ng isang progresibong kanta – ang “Tatsulok” (Buklod) na paborito ng maraming aktibista noon pang dekada ’80.
Pasensiya na po sa aking inisyal na obserbasyon, pero tiningnan ko ito bilang isang taktika lang para makuha ang atensiyon ng isa sa mga hurado – si Bamboo na gumawa ng cover version ng kanta noong 2007.
Tulad ng inaasahan, napangiti si Bamboo sa simula. “That’s mine!” sabi ni Bamboo habang nakatalikod ang kanyang silya kay Darryl. Sa bandang huli, dalawa lang ang pumili sa nakasombrerong folk singer na mula sa Baguio, at si Bamboo ay hindi isa sa mga ito. Alam na natin ang kasunod na nangyari: Dahil kailangang pumili ni Darryl kung kanino mapupunta – sa pangkat ni Lea Salonga o ni apl.de.ap, nagdesisyon si Darryl na kunin bilang coach si Lea.
Sa aking paminsan-minsang panonood ng programa tuwing Sabado’t Linggo ng gabi, hindi ko na siya masyadong napansin. Sa katunayan, aaminin kong nakalimutan ko na ang kanyang pagsali sa The Voice of the Philippines at mas binigyang-pansin ang iba pang mang-aawit na nagpapakita ng galing sa pagkanta. At ano naman ang pamantayan ng kagalingan? Siyempre’y nananatiling batayan ang musika sa kanluran.
Sa gitna ng nangingibabaw na kolonyal na katangian ng industriyang pangmusika (bukod pa sa katotohanang ang The Voicemismo ay mula sa mga dayuhan), inaasahan kong halos lahat ng mga naglalaban-laban ay gagamit ng mga piyesang Ingles. At kahit na may mga awit sa wikang Filipino, pipilitin pa ring kantahin ang mga ito batay sa kung ano ang katanggap-tanggap sa mga dayuhan, lalo na ang pagggamit ng tinatawag na “money notes” sa pamamagitan ng pagbirit. Sa ngayon, malinaw kasing pataasan ng boses ang labanan lalo na sa Hollywood. Sa ganitong konteksto marahil maiintindihan kung bakit ang malalakas na contestantsa The Voice of the Philippines ay pawang matataas din ang boses.
Masasabing naiiba si Darryl dahil hindi siya “biritero.” At kung ang iba’y kayang sumayaw at lumibot sa entablado habang hawak ang mikropono, si Darryl naman ay kadalasang nasa isang puwesto lang dahil kumakanta siya habang tumutugtog ng gitara. May pambihirang kombinasyon ang kanyang boses at musikang mula sa gitara dahil nararamdaman mong tumatagos ang mensahe ng liriko sa isip at sa puso. Ang kanyang paminsan-minsang pagyuko’t pagpikit ay naghahatid ng halo-halong mensahe – pagsusumamong pakinggan ang kanyang awit at pag-eengganyong intindihin ang kanyang mensahe.
Oo, kakaiba siya pero hindi ko siya pinapansin noon. Masasabing napukaw niya ang aking atensiyon sa labas ng programang The Voice of the Philippines. At may kinalaman ito sa isang kilos-protesta noong kalagitnaan ng Agosto.
Sa kalagitnaan kasi ng kampanya laban sa planong pagtataas ng pamasahe sa LRT at MRT, nanawagan ng isang “selfie protest” ang ilang organisadong grupo para irehistro ang pagtutol ng malawak na mamamayan. Simple lang naman ang pakiusap sa mga Pilipinong nais makilahok: Kunan ng litrato ang sarili na may hawak na mensaheng “No to LRT/MRT Fare Hike.”
Nagulat ako nang makita ko ang “selfie protest” ni Darryl sa kumalat sa social media. Malinaw na ginamit niya ang kanyang “celebrity status” para lalo pang lumakas ang kampanya laban sa isang kontra-mamamayang plano ng pamahalaan. Kung tutuusin, hindi niya kailangang gawin ito. Puwede mo pa ngang sabihing magkakaroon ng negatibong epekto sa kanya ang makisawsaw sa politika, lalo na’t may kinalaman ito sa pagbatikos sa mga nasa kapangyarihan.
Mula noon ay napansin ko ang kanyang sinseridad bilang artista at aktibista. Nang binalikan ko ang kanyang blind audition, doon ko mas lalong napansin ang kakayahan niyang bigyang-linaw ang mensahe ng kantang “Tatsulok.” Tila pasigaw pala niyang kinanta ang salitang “baliktarin” sa linyang “Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok / Tulad mong mga dukha ang ilagay mo sa tuktok.”
Higit pa sa talento sa pag-awit, kapansin-pansin ang “pag-aangkin” niya sa kanta para maipamahagi ito sa mga nais makinig. Malinaw ang pagkakamali ng aking inisyal na obserbasyon: Bagama’t nasa apat na coaches ng The Voice of the Philippines ang desisyon ng kanyang pagpasok sa kompetisyon, kumanta siya hindi para sa kanila kundi para sa madla.
Noong Agosto 25, kinanta ni Darryl ang “Danny’s Song” (Loggins at Messina, 1971) sa live show ng programa. Dahil nagustuhan ng maraming tagasubaybay ang kanyang pagkanta, nakapasok siya sa susunod na round. Sa loob-loob ko, buti naman at nakapasok siya. At siyempre pa, buti naman at hindi nakaapekto ang paglahok niya sa “selfie protest.”
Ang hindi ko inasahan ay ang nangyari kinabukasan. Maraming artistang nagpunta sa Luneta noong Agosto 26 dahil sa tinaguriang Million People March laban sa pork barrel. Ang iba sa kanila’y nanggaling pa nga sa Manila Hotel para kumain o magpatay ng oras bago ang malawakang aktibidad. Tulad ng inaasahan, hindi nila piniling sumama sa martsa sa Mendiola. Ano nga ba naman ang mapapala nila sa pagsama sa mga aktibista?
Pero kakaiba si Darryl. Pagdating na pagdating ng mga aktibista sa Mendiola, agad-agad siyang nagpakita’t nagpaunlak ng dalawang kanta – “Tatsulok” (Buklod) at “Balita” (Asin). Mula sa malaking entablado ng Resorts World Manila, pinili ni Darryl na kumanta sa isang maliit na trak na nagsilbing masikip na entablado sa kilos-protesta sa Mendiola.
Sa kanyang muling pagsabak sa The Voice of the Philippines noong Setyembre 8, nakalaban niya ang isa sa pinakamalakas na kalahok sa kompetisyon. Para makapagpatuloy, kailangan ni Darryl na makuha ang pinakamataas na pinagsamang boto mula sa publiko at mula sa kanyang coach na si Lea.
Pinili ni Darryl na kantahin ang “Balita” na una kong narinig sa Mendiola. Ang katunggali naman niya’y kinanta ang “Paano” at ipinakita niya ang kanyang galing sa pagbirit. Aaminin kong inaasahan ko ang pagkatalo ni Darryl dahil hindi hamak na mas popular sa publiko ang kanyang katapat.
Pero nagulat ako sa resulta. Sa boto ng publiko (batay sa text at online voting), lumabas na nakuha ni Darryl ang 55.89 porsiyento. Pero dahil ang kanyang katunggali ay binigyan ng 60 porsiyento ni Lea, natanggal si Darryl sa kompetisyon. Sa madaling salita, pinili si Darryl ng publiko pero mas gusto ng coach ang katapat niya.
Tulad ng iba pang may progresibong paninindigan, ikinalungkot ko ang nangyari. Pero ikinatuwa ko ang sitwasyong mas maraming tagasubaybay ng palabas na mas pinili ang napapanahon at makabuluhan.
Kapuri-puri ang mga artistang handang gamitin ang kanilang kasikatan para sa makabuluhang gawain, lalo na’t may kinalaman ito sa pagkondena sa kalakaran ng ating lipunan. Sana’y marami pang tulad ni Darryl Shy na magtataguyod ng esensiya ng pagbibigay-aliw – isang paraan para alamin ang katotohanan at hindi para pansamantalang takasan ito.
Nawala man si Darryl sa The Voice of the Philippines, inaasahan kong patuloy pa rin siyang magiging boses ng maraming naghihirap na mamamayan sa pamamagitan ng kanyang mga awit. Ang kanyang pagsama sa mga sunod-sunod na kilos-protesta laban sa pork barrel system noong Setyembre 11 at 13 ay repleksiyon ng tagumpay na nakakamtan niya ngayon.
Dahil kay Darryl, may dagdag na motibasyon ang mga ordinaryong mamamayan na pumunta sa mga kilos-protesta. Ito ang pagkapanalong higit pa sa kompetisyon sa telebisyon.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.
****************************
Supportahan ang Mga pinoy https://latestyoutubes.blogspot.com/
ReplyDelete