Monday, September 2, 2013

Pinoy Weekly - Tula: Buto’t Kalansay ni Pablo Neruda


Posted: 01 Sep 2013 02:48 AM PDT



Hindi ka na kailangang bumangon mula sa sepulkro tulad ng Mesiyas
Ipahuhukay ka, utos ng gobyerno, gigisingin ka mula sa panaginip

Sapagka’t bumangon na ang iyong Veronica mula sa alabok ng pagtitiis

Labindalawang araw pagkatapos ng golpe de gulat ni Pinochet
Pumanaw ka raw sa kanser, kinunpirma ni Dr. Kissinger at Nixon

Ngunit nilason ka ng inip at pagtitimpi, busog sa simbuyo ng salagimsim

Kaya nais malaman kung anong sekreto mong kinuyom sa kamao  kimkim
Sa panganib at pangakong ibinulalas sa Canto General at Veinte Poemas–

Sa Isla Negra naglalamay ang mga buwitreng sugo ng Washington

Habang sa bangin sa Machu Picchu sumungaw ang multo ni Tupac Amaru
Sagitsit ng guniguni, silakbo ng Indio sa Bolivia, Ecuador at Venezuela….,

Dalubhasa sa agham ng himagsikang anak-pawis, binaybay mo ang kinabukasan

Sa titik at bakas sa lambong ni Veronica, kariktang hinubad ng kongkistador–
Binalangkas sa dugo ng rebolusyon sa Rusya, Tsina, Cuba at ngayon,

Sa himagsik kayumanggi, nagkalaman ang buto’t bungo mong nagpupumiglas.


***************






No comments:

Post a Comment