Makabuluhang dagdag-sahod ang hiling ng mga manggagawa, hindi umano kakarampot na umento. (Macky Macaspac / PW File Photo)
Dismayado ang militanteng mga manggagawa sa “kakarampot na dagdag” sa minimum na sahod sa Metro Manila na ipinatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), kulang pa rin ang PhP451 na
basic pay sa mga manggagawa sa pribadong sektor, kung ikukumpara ito sa pangangailangan nila at kanilang mga pamilya na mabuhay.
Ayon sa Ibon Foundation, isang progresibong institusyon ng pananaliksik, aabot na sa PhP1,034 ang
family living wage sa National Capital Region.
Inanunsiyo ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz ang pagdagdag ng PhP15 sa PhP30 na Cost of Living Allowance (COLA) sa
basic pay na PhP436 at dinagdagan ng PhP10 ang natitirang PhP5 sa COLA.
Ibig sabihin, PhP451 na ang panibagong
basic pay sa mga manggagawa sa pribadong sektor, at PhP466 naman ang minimum na sahod na ipapatupad sa Enero ng susunod na taon.
Insulto rin umano sa mga manggagawa ang kakarampot na pagbabago sa sahod dahil di ito makakatugon sa lumalalang kagutuman at kahirapang dulot ng walang humpay na pagtaas ng mga batayang bilihin.
Tumaas kamakailan ang presyo ng
liquified petroleum gas sa
average na P30 kada tangke. Tumaas din ang presyo ng bigas sa PhP5.00 hanggang PhP8. “Katumbas lang ng pagtaas na ito ang ’pagkain ng baboy‘, ipinapakita pa nito ang masakit na katotohanang malaki ang agwat (at) di-pagkakapantay-pantay (ng iilang mayayaman at karamihang mahihirap),” ani Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.
Sinabi pa ni Labog na habang mistulang abuloy ang ibinibigay ng gobyerno sa mga manggagawa, nagpapasasa naman umano ang mga pulitiko sa pondong
pork barrel.
“Akala ng administrasyong Aquino na dahil sa dagdag-sahod na ito, tatahimik ang mga manggagawa sa
pork barrel scam at sa malaking
pork barrel ng pangulo. Nagkakamali sila,” sabi pa ni Labog.
Kasabay nito, iginiit ng grupo ang matagal na nilang panawagang PhP125 na makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Idinagdag pa ng grupo na taliwas sa sinasabi ng administrasyon at malalaking negsoyante na magreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at malawakang tanggalan ang pagbigay ng sapat na sahod sa mga manggagawa. Katumbas lang daw ng 15 porsiyento ng kabawasan sa kita ng mga negsoyante ang hinihinging PhP125. na dagdag-sahod.
“Maliit lamang ang gastos sa lakas-paggawa sa kabuuang gastos sa produksiyon,” sabi pa ni Labog.
Paliwanag niya, ang sumusunod ang nagpapahirap sa maliliit na negsoyante: (1) Mataas na singil sa kuryente at tubig, na isa sa mga pinakamahal sa Asya at sa maging sa buong mundo; (2) Ismagling ng mga produkto at liberalisasyon ng kalakalan na lumala ngayon sa ilalilm ng administrasyongAquino; at (3) ”
Kickbak” ng gobyerno at mataas na buwis.
Sinabi rin ng grupo na maglulunsad sila ng mga protesta para igiit ang sapat na sahod at ang pag-alis sa sistema ng
pork barrel, kasama na pondong
pork barrel ni Pangulong Aquino.
**************
No comments:
Post a Comment