Source: Memoirs of Apolinario Mabini Ang Homagsikan ng Bayang Pilipino
Ika-Limang Bahagi
Bagay sa napakalungkot na pagkamatay ng Kataastaasang Pang-ulo ng Katipunan, si G. Apolinario Mabini, naging-unang Kasangguni ng Pang-ulong Heneral G. Emilio Aguinaldo, at kinikilala ng madlang "UTAK NG HIMAGSIKAN", ay nagsalaysay, sa ika VIII Kabanata ng kanyang isinnlat na "ANG HIMAGSIKAN NG BAYANG PILIPINO", ng mga sumusunod:
"Sa inasal na ito ni G. Emilio Aguinaldo, ang manunuligsang kasaysayan, ay di makakakita ng anomang katwirang sukat makapagtakip o makabawas man lamang sa kanyang sagutin. Si Andres Bonifacio ay di huli sa pinag-aralan sa sino man sa mga napahalal sa naturang pagpupulong, at tangi sa rito'y nagpakilala ng talino at lakas loob na di pangkaraniwan sa pagtatatag niya ng Katipunan. Ang lahat ng mga naghalal ay kaibigan ni G. Emilio Aguinaldo at ni G. Mariano Trias na noon ay nangagkakaisa, samantalang si Bonifacio ay tinitingnan nila ng may hinalang tingin, gayong nakapagpakilala na ng isang kaasalang malinis at pusong buo, at ito'y dahil lamang sa siya'y hindi tubo sa Kabite; ito ang sanhi ng kanyang pagdaramdam. Gayon pa man, ang pagdaramdam niya'y hindi ipinakita sa isang magahasang paraan ng pagsalungat, at ang katunayan, nang nakita niyang walang sinomang nagmamalasakit sa ikapagkakasundo ng lahat, ay nagkasya na lamang siya sa pag-alis sa lalawigan tungong San Mateo na kasama ang kanyang mga kapatid. Kung pag-iisiping si G. Aguinaldo ang una-unang dapat managot sa di niya pagsunod at sa di pagkilala sa naturang pinuno ng Katipunan na kanya ring kinaaniban; kung pagbubulay-bulayin ang pagkakasundo ng lahat ay siyang tanging angkop na lunas sa mapanganib na kalagayan noon ng Panghihimagsik, ang dahil at layon ng pagpatay, ay di maikakait na bunga ng mga damndaming nakasisirang totoo ng puri sa Panghihimagsik; sa paano't paano man, ang gayong katanmpalasanan, ay siyang masasabing unang tagumpay ng kasakiman ng isang tao laban sa tunay na pag-ibig sa bayan.
Sa naturang "ANG HIMAGSIKAN NG BAYANG PILIPINO" ay matutunghayan din sa Kabanatang ika X, bagay din sa ginawi ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kay G. Andres Bonifacio at sa kay Heneral Antonio Luna, ang mga sumusunod:
"Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio ay nagpakilalang maliwanag na si G. Emilio Aguinaldo ay may isang walang habas na kasakiman sa kapangyarihan, at ang mga sariling kaaway ni Hen. Antonio Luna, sa pamamnagitan ng mga hibo, ay nakapagsamantala sa kahinaan niya (Aguinaldo), upang si Luna ay maipapatay. Kung kinatigan ng buong kaya ni Aguinaldo si Luna, sa halip na patayin, sabihing nagtagumpay sana ang Panghihimagsik, ay isa marahil na napakalabis na pangarap; ngunit hindi ako nag-aalinlangang ang mga ang mga Americano sana'y nagka-roon ng mataas na pahalaga sa tapang at kakayahan sa pagka-militar ng mga Pilipino. Kung buhay si Luna, ay tiyak na masasabi kong ang dagok na ibinigay ni Heneral Otis, ay nasugpo o kung di ma'y nailagan sana, at di napagkilalang maliwanag ang kawalang-kaya ni Aguinaldo sa pamamanihala ng hukbo. Tangi sa rito, upang mayalis si Luna, ay ginamit ni Aguinaldo ang mga kawal ding pinarusahan niyon, dahilan sa paglabag sa disiplina; pinatay nga ni Aguinaldo ang disiplina, at siya na rin ang lumansag sa kanyang sariling hukbo. Sa pagkahulog ni Luna na siyang lalong matibay na suhay, ay bumagsak ang paghihimagsik, at ang kalait-lait na pagkabagsak na buung-buong napapataw kay Aguinaldo, ay siya ring pumatay sa dangal nito, na makalilibong mapait kaysa pagkamatay ng katawan; si Aguinaldo nga'y siya ring sumira sa kanyang sarili, siya'y pinarusahan ng kanyang mga sariling kagagawan. Ganito kung magparusa si Bathala sa malalaking katampalasanan!
Sa buong sabi, ang Paghihimagsik ay nabigo pagkat nagkaroon ng masamang pamamatnugot; pagkat nakuha ng tagapamatnugot ang kanyang tungkulin, hindi sa pamamag-itan ng mga gawaing kapuri-puri, kungdi sa mga gawang kalait-lait; pagkat sa halip na tulungan niya ang.mga taong lalong may magagawa sa bayan, dahil lamang sa paninibugho, ay lalo pang sinugpo niya. Sa pagkalango sa kadakilaan ng sarili, ay di na pinahalagahan ang mga tao nang ayon sa kanilang kakayahan, katibayang-loob at pag-ibig sa bayan, kungdi sa kanilang pagka-kaibigan o pagka-kamag-anak na ikinalalapit sa kanya; at sa nasang mapasa piling niya ang mga kabig na handang magsusunod at magpakasakit ng alang-alang sa kanyang kapakanan, ay nagpakalulon na hanggang sa makagawa ng mga kabuktutan, Dahil sa ganitong paghamak niya sa bayan, siya'y iniwan ng bayan naman; at sapagkat siyay iniwan nito, wala na siyang hangganan kungdi ang pagkabulid na gaya ng nangyari sa isang pagkit na diyus-diyusan na nilusaw ng init ng kasawiang-palad. Harinawang tayo'y huwag makalimot sa kakila-kilabot na aral na iyang ating natutuhan sa likod ng mga di maulatang pagtitiis na yaon".
Sa nasabing kasulatang naiwan ni G. Apolinario Mabini, sa kaniyang Kabanatang ika XI, ay mababatid ang mahahalagang pangaral niya kay Heneral Emilio Aguinaldo, dahil sa mga nagawa nitong mnga lihis sa kadalisayan ng puso, at itong mnga sumusunod:
"Mabalik ako kay G. Emilio Aguinaldo, kahimanawari ang aking mga palagay na walang anomang halong hinanakit, kundi tilang pagtupad lamang sa isang mabigat na tungkulin, ay huwag sanang makaragdag ng kapaitan sa kanyang puso, kungdi bagkus makapukaw sa kanya ng mapilit na pagnanasang matubos ang kanyang kahapon at mabawi ang dating pagmamahal ng madla, sa pamamag-itan ng mga gawang malinis at walang anomang pag-iimbot sa sarili. Nang ako'y bihag na sa Maynila, sa ilalim ng kapangyarihang amerikano, ay isang lathala ng pahayagang "The Manila Times" ang aking itinuwid mula sa isang pitak ng "El Comercio", at doo'y pinagpumilitan kong maipahiwatig kay G. Emilio Aguinaldo na ang tanging ikaliligtas niya, ay ang mamatay na bayani sa gitna ng isang digmaan. Hindi natagalan at sa isa pang lathalang nahayag sa "La.Fraternidad" na naghalintulad sa kanya kay Mr. Kruger (raging Presidente ng rnga Boer, Sur Africa,), ay inulit ko ang pahiwatig nang lalong maliwanag at tahasan: Alam. kong ang mga lathalang yao'y hindi kalulugdan ng mga pinunong amerikano; ngunit ako'y may pananalig na kung mamatay si Aguinaldo sa isang ubus-kayang pagtatanggol sa mga kalayaan ng bayan, ang kabayanihang ito'y ikapapabalik niya sa pagkagiliw ng madla at mabibigyan pa rin niya ng kapurihan ang mga Pilipino. Ngunit ang aking mga payo ay hindi natapad, bagay na hindi ko dinaramdam, pagkat ibigin man ni G. Aguinaldong gumawa ng sang-ayon sa gayong nais, ay batid kong hindi sa lahat ng pagkakataon ay magawawa ng isang tao ang kanyang ninanasa. Maaari rin namang, ang kanyang mga kasalanan ay talaga nang napakabigat, na di tuloy niloob ni Bathalang siya'y maging marapat sa isang kadakilaang walang kamatayan; o baka nama'y sadyang iniaatas ng kanya ring sariling ikagagaling ang mapakinggan niya ang hatol ng kasaysayan, upang ang pagsisisi ay tumugtog sa mga bagting ng kanyang puso. Madalas sabihin ng nasirang Andres Bonifacio nang nabubuhay pa, na hindi tayo dapat matakot kanino man, kungdi sa kasaysayan; at totoo nga na ang kasaysayan ay lubhang makatwirang hindi napupuwing, at ang kanyang hatol ay kakila-kilabot laban sa mga umuupasala, sa kanya".
Sa ano't ano man, si G. Aguinaldo ay di dapat mawalan ng pag-asa, gaya ng aking kasasabi, sapagkat maaari pa siyang makapagbangong-puri sa kanyang pinagdaanan at mabawi ang pagmamahal ng lahat, sa pamamag-itan ng mga gawaing karapatdapat; bata pa naman siya at may angkin namang katusuhan, upang masamantala ang mga pagkakataon sa ikapagwawagi ng kanyang mga iniimbot; subalit ang mga hangarin niya'y nahihidwa palibhasay kulang siya ng talino at kagitingang kailangan sa mga gayong bagay. Sa ganang kay G. Aguinaldo ang kanyang bayan ay mapaglilingkuran lamang mula sa isang mataas na tungkulin, bagay, na isang kamalian at sukat ika-panganib ng kagalingan ng lahat; ang kamalyang ito'y siyang pinaka-malaking sanhi ng mga pagbabaka ng magkakabayan, na ikinalulugami at ikinalilipol ng maraming Estado at nakatulong ng malaki sa pagkabigo ng Paghihimagsik........ Ang tanging nag-aangkin ng tunay na pag-ibig sa bayan, ay yaong mula sa tungkuling kanyang kinalalagyan, mataas man ito o mababa, ay nagpupumilit makagawa ng lalong malaking kagalingan sa mga kabatayan niya. Ang isang munting kabutihang magawa mula sa isang mababang katungkulan, ay isa nang kadakilaan at kapurihan; samantalang ang isang maliit na kabutihang ginawa mula sa isang mataas na katungkulan, ay nagpapakilala ng kapabayaan o ng pagkawalang-kaya. Ang tunay na karangalan ay lumilitaw sa isang bahagyang gawain lamang ng isang kaluluwang malinis at dakila, at hindi sa dingal ng mga papuri at palamuti na bahagya nang makapagtakip sa nga kapangitan ng ating katawan. Ang tunay na kapurihan ay natatamo sa paglilinang ng ating isip, upang matutuhang kilalanin ang katotohanan, at sa pagtuturo sa ating puso upang makaugalyang yao'y mahalin. Sa pagkakilala sa katutohanan ay atin din namang masasapit ang hangganan ng ating mga tungkulin at karapatan, at sa ating pagtupad ng tutohanan ay pararangalan ang anomang gawin natin sa buhay. Hindi dapat kalimutan kailan man ang kabuhayan ng ating bansa, at gayon din ang katutohanang hindi nakaakyat sa tugatog ng kadakilaan, kungdi magdaraan sa hagdan ng mabubuting gawa at kabayanihan; huwag nating lilimutin, lalung-lalo na, na kung di tayo magpapaunlad, ay mamatay tayong di man lamang aabot sa karampatang laki at gulang, bagay na sukat lamang makita sa mga bayan o lahing bansot at palipol".
Si G. Apolinario Mabini, sa kanyang madagubdub na paf-ibig sa Bayan Pilipinas, at sa maningning na kabatiran niya, walang kaunti mang agam-agam ay nagbitla ng mga "HATOL NA IYAN"; at ako, na isa sa mga tunay na nakamasid sa mga masasaklap at nakapanglulumong pangyayaring dito'y, nayuyulat,-ay nagpapatibay at matunong na nagsasabing:- "TUMPAK NA TUMPAK SA TIKIS NA GINAWI NI HEN. AGUINALDO, ANG MGA NAPAKATITIGAS AT NAPAKATATALIM NA HATOL NA IYAN"; at ang mga pangaral niya kay Aguinaldo, ay karapat-dapat sa isang taong kusang lumihis sa kadalisayan ng puso at sa kalinisan ng katuwiran.
Karapat-dapat ding banggitin dito ang mga pangalan ng mga ilang nag-udyok pa kay G. Emilio Aguinaldo, upang patuluyan nang ipaganap nito ang pagpapatay sa dalawang Bonifacio, ay itong sumusunod:
G. Feliciano Jocson, G. Antonio Montenegro, G. Teodoro, Gonzales, G. Severino de las Alas, G. Baldomero Aguinaldo, G. Mariano Trias Closas at iba pang marami sa lalawigan ng Kabite, na nagsipagmithing kagiliwan sila ni G. Emilio Aguinaldo, na siyang, sa pamamag-itan ng mga tiktik, ay nakatuklas ng pagkakaisa (???) ni G. Andres Bonifacio at ng Heneral ng Brigadang G. Santos Nocon ng Magdiwang, upang biguin ang tangka ng mga taga Magdalo, laban sa Ktt. Pang-ulo ng Katipunan, na maliwanag na napagkilala, mula pa ng pagpasok ng Supremo sa lalawigang Kabite, at laluna noon gawin ang pagpupulong sa Teheros at sa kombento man naman ng Santa Cruz ng Malabon (Pangwagi). Sa lahat ng ito, at nang itatag ang pamahalaan ng Republika Pilipina sa Naik, si G. Emilio Aguinaldo ay tumanggi nang kilalanin ang tungkuling pagka-militar ni G. Santos Nocon, bagama't ito'y may maniningning na paglilingkod, ni hindi nila binigyan ng ibang tungkulin, bagama't may maningas na pag-ibig sa Bayan ang nasabing Nocon, na kagaya rin nila G. Santiago Alvarez, G Diego Mojica, G. Ariston V illanueva, G. Antonio Vtrata, G. Arcadio Arayata, G. Nicolas Portilla at iba't iba pang, dahil sa kanilang katapatang-loob at maningas na pagkamakabayan, ay nagsipanatili rin sa mga gubat at kabundukan at nagsipagtiis ng mga kahirapan sa buong panahon paghihimagsik na sinasalaysay dito.
g. Makaraan ang mga ilang araw pagkatapus ng pagkapapatay sa magkapatid na Bonifacio, si G. Emilio Aguinaldo, na tinatalibaan ng mga Heneral G. Pio del Pilar at G. Mariano Noriel at sinusundan ng maraming tao, babai't lalaki, ay umalis sa Buntis, tumigil ng ilang araw sa piling ng kanyang mga taong walang sandata, na sumusunod sa kanya mula sa Buntis, pagkat sa Tagaytay ay naiwan ang maraming mag-aanak na hindi na nakapagpatuloy ng paglalakbay, dahil sa gutom at mga sakit na ikinamatay tuloy ng di kakaunting tao sa pook ng Anuling, Mendez Nuñez. Nang nasa Talisay na ay tinipun ni G Emilio ang lahat ng mga taong-bayang walang sandata na kasama niyang dumating doon mula sa Buntis, at nang natitipun na ang lahat, ay nagsalita siya, sa tinig na malambot at magiliw, ng ganito:
"Mga giliw kong kababayan: ganap nang napatibayan ang inyong taos na pag-ibig sa kalayaan, gayon din ang maalab ninyong pagsusumikap na tamuhin ang kalayaang iyan. Ang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas na ngayo'y pinangunguluhan ko, ay lubhang nasisiyahang-loob sa inyo at nakapagmamalaking mapasa inyong piling; ngunit palibhasa'y tumutunghay sa atin sa lahat ng dako ang gutom, na siyang lalong mabalasik nating kaaway, ay buong pagdaramdam na napilitang magsabi sa inyo ngayon, na ang bawat isa, ay makakauwi na sa kanyang sariling bahay, yamang ang pamahalaang kastila ay nagkakaloob ng kapatawaran sa lahat ng ibig pumailalim sa kanyang kapangyarihan at pagkukupkop. Huwag ninyong sabihing: ang Republika'y itinataboy kayo sa kamatayan, hindi, hinding-hindi. Huwag kayong manganib pasaklaw sa kapakinabangan ng amnistia, at inyong isiping ang ating pamahalaan ay buhay at mabubuhay upang maghiganti sa mga umuupasala sa inyo, at ang bilin ko lamang ay huwag ninyong lilimutin ang mithing pinaghandugan ng buhay ng ating mga yumaon nang kapatid; at kayo'y magpakabait, katulad ng mga tupa sa harap ng mga halimaw."
Pagkatapus ng talumpating ito ay humanda sa pag-alis na kasama ang buong hukbo at nagtungo sa Kabangaan, at buhat naman doo'y nagpatuloy ng paglakad kasama ng Heneral de Dibisyon, na si G. Vito Belarmino at ang hukbo nito, upang tumungo sa Malapad na Bato (San Pedro Makati, Maynila), at matapus tawirin ang ilog Pasig, ay nagpatuloy sa mga bundukin ng Montalban at San Mateo, at pagdating doon ay humantong sa bundok na kung tawagin ay Puray. Ilang araw pagkatapus ng pagkakadating sa pook na ito ni G. Emilio Aguinaldo, na inabot ng pagkakasakit sa paglalakbay pa, at pagkabalita ng mga kawal kastilang ang mga naghihimagsik ay nagkakatipun sa bundok ng Puray, ay sinalakay ang mga ito, upang mapasabog; pagtatangka itong naging pabaliktad, pagkat ang mga naghihimagsik ay nagsilaban ng buong higpit at katulad ng mga asong hinandulong ang mga kastila, kaya ang mga ito, matapus ang anim na oras na paglalaban, ay nagsiurong at tumakas na sabug-sabog; kaya't nakapag-iwan ng maraming bangkay ng kanilang mga kasama at mga baril at punlo. Sa tagumpay na ito ay naging matunog sa lahat ng dako ang pangalan ni G. Glicerio Geronimo, na noon din ay napataas sa pagka-Tenyente Heneral ng hukbong pilipino.
Mula rito'y umalis si G. Emilio Aguinaldo, at matapus bagtasin ang mga tanggulang naghihimagsik sa Minuyan (Norsagaray) at sa Baras Bakal (Anggat), ay dumating sa Biyak-na-Bato (San Miguel de Mayumo) at dito na humimpil na patuluyan ang pamahalaan ng Republika Pilipina hanggang sa pagkatanggap ng kapayapaan na kilala sa tawag na "Paz de Biyak-na-Bato"
Apolinario Mabini excerpts came from the memoirs of General Artemio "Vibora" Ricarte the head of the army of the revolutionary government at that time. From his exile to guam in 1901 until his death in 1945
he never swear allegiance to the american government. He died of old age somewhere in the sierra madres in 1945, with the fleeing japanese troops from our american allies. Until his twilight years he chose to be with the japanese, than pledge his allegiance with the americans. The greatest general of the philippine revolution, Artemio "The Viper" Ricarte.
Aguinaldo doesn't deserve to be in the league of Bonifacio, Rizal. A. Luna, Ricarte, Jacinto, Mabini. Aguinaldo isn't a hero he is a politician, a corrupt politician, blinded by greed, lust for power and money. He signed the Pact of Biak na Bato, the non agression pact with the spanish, after his capture by the americans he swore allegiance to the american government, the so called El Presidente, traitor to the Filipino people and the revolution. The assasination of Bonifacio and Luna sparked the end of generalisimo. Gen. Antonio Luna the greatest war tactician of the philippine revolution, was killed because of one's greed and paranoia, that because of his popularity and capacity was in fact a threat to Aguinaldo's Presidency. The death of Gen. Luna cost us the gaining of our independence before 1946.
No comments:
Post a Comment