Posted: 11 Sep 2013 06:46 PM PDT
Inilunsad noong Lunes, September 2 sa Taumbayan Bar and Café sa Kamuning, Quezon City ang ikalawang edisyon ng aklat-tulang ‘Komentularyos: Despedida kay Balagtas’ ng makatang si Tomas Agulto.
Si Agulto ay isang mangingisda pero organikong makata at manunulat na taga-Hagonoy, Bulacan. Kahit walang pormal na trainingsa akademya, nilinang niya ang sarili sa pagbabasa at pakikipag-ugnayan sa mga kapwa makata at manunulat.
Tatlong ulit siyang itinanghal na ‘Makata ng Taon’ ng Komisyon sa Wikang Filipino at dalawang ulit na nagwagi ng unang gantimpala sa pagsulat ng tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Noong 2009, hinirang siya ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) na panalunin ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas sa larangan ng tula. Pero tinanggihan at hindi niya tinanggap ang nasabing award.
Nalathala ang aklat, ayon na rin kay Agulto, sa tulong ni Rodolfo ‘Nonoy’ Tamayo Jr. na kanyang kaibigang geologist at guro sa UP Diliman na mahilig sa tula.
“Nasa Sarah’s kami noon (isang inuman malapit sa UP), sabi niya sa akin, Sir Tom, bakit hindi na kita nababasa? Ang sagot ko naman sa kanya, kasi yung mga tula ko ay ayaw na ng status quo. Sabi niya, sige marami akong pera, ilalabas ko yung mga tula mo. E, ako naman nabola, sabi ko sige,” kwento ni Agulto.
Bahagi ng titulo ng tula ang ‘Despedida kay Balagtas,’ ayon na rin kay Agulto, dahil si Francisco Baltazar ang ‘top Vatican idol’ sa kakulturahang Filipino, siya bilang makata ang sentrong target ng aklat.
“Bakit Komentularyos? Palibhasa’y mamamalakaya rin ng mga tao, kakaibang tabas, hubog at sukat ng mata ng lambat ang hinahayuma para sa panulaan ng makatang kababayan ni Balagtas. Kinatnig-katnig ang mga komentaryong patula bilang Ars Poetica. Kundanga’y taliwas na taliwas sa doktrinang Kristiano ang kanyang kuntra-relihiyong paradigm – pansawata sa impluwensya ng nasirang Kikong-Balagtas,” wika ni Agulto.
Sa maiksing programa sa paglulunsad, tumula at nagbigay ng mensahe ang mga makatang sina Arnold Azurin, Lamberto Antonio at Gelacio Guillermo.
Ayon kay Antonio, napakahaba ng gunita ni Agulto dahil hindi siya nagtatakwil nang makabuluhang gunita.
“Dito sa libro ni Tom, yung lahat ng dapat isaalang-alang ay itinatanghal niya para maisulong yung totoo. Kaya ayaw niyang umatras at tumanda nang paurong,” paliwanag ni Antonio tungkol sa mga tula at laman ng aklat ni Agulto.
Ayon naman kay Azurin, si Agulto ang ‘Hijo de Puta ni Balagtas.”
“Nagkikiskisan ngayon ang dalawang tipak ng bato sa dibdib ni Tomas F. Agulto alyas Hijo de Puta ni Balagtas alyas Tomas Pakaskas sa Pambalibol Pambutas. Itong kambal na bato’y galing sa pumutok na bulkan; at dahil sa daloy ng mahabang panahon, uyahoy ng hangin; at kaluskos ng ulan tuwing may bagyo’y namamatay ang init ng kislap nitong dalawang bato na nag-uumpugan sa kaibuturan ng kamalayan ni Tomas,” wika ni Azurin.
Sa kanya namang mensahe, pinuna ni Gelacio Guillermo ang aklat-sanaysay na “Balagtasismo Versus Modernismo” ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio S. Almario.
Ayon kay Guillermo, si Almario pa nga ang tagasulong ng Balagtasismo at hindi modernismo sa panitikan sa Filipinas.
“Parang sa unang tingin ito ay contradictory position, ‘no, na pinapanigan niya ‘yung modernismo bilang signos sa pagbabago sa panitikang Pilipino na progresibo, na rebolusyonaryo, kung maaari. At ang Balagtasismo ay tumitindig sa mga tradisyunal na pagsusulong sa mga ideya… at yung “versus” ‘no, akala mo yung tinatawag natin sa Pilipinas na unity of opposites.
Pero makikita natin ngayon sa pag-develop ng kasaysayan, na si Virgilio Almario ay iisa ang posisyon, whether Balagtasismo o Modernismo na walang diyalektika na relasyon dito sa kanyang titulo,” paliwanag ni Guillermo.
Dagdag pa ni Guillermo: “Halimbawa, ang Balagtasismo ay tumitindig sa tradisyon. Pero sa mga salaysay sinabi niyang (Almario) may pagbabago siya sa kanyang posisyon – itinatakwil niya yung ilan daang taong progresibong pagsusulat sa Pilipinas at tumitindig siya ngayon sa Modernismo.
“Pero ang modernismo ni Rio (Virgilio Almario) ay walang kinalaman sa pagbabago, sa rebolusyon o anuman kundi ito ay yung tinatawag nating New Critical na namana sa US after the War…That’s the prime orientation of UP Creative Writing Center. As long as Rio is there, kung siya ang nagde-define ng mga terms, ang itinataguyod ay ‘yung New Critical. Kaya ang Balagtasismo at Modernismo ay iisa, walang dialectic na involve dito,” wika ni Guillermo.
Sa nasabing paglulunsad, umawit at nagtanghal din sina Koyang Jess Santiago at Lolita Carbon ng dating bandang ‘Asin.’
Nagpakita din ng suporta ang mga kaibigan at kapwa makata ni Agulto.
Nasipat ng Rizalhenyo dito sina Bomen Guillermo, Charleson Ong, mga pintor na sina Egay Fernandez at Neil Doloricon, litratistang si Gil Nartea, at si Danilo Diaz ng Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society.
Ang programa ay pinadaloy ni Joel Saracho.
Sa kanya namang pagsipat sa aklat-tula ni Agulto, ganito ang paglalarawan ni UP emeritus professor Alice Guillermo:
“Tomas F. Agulto actively participates and strives to lead a reevaluation of the work of Balagtas. Only very few writers of the rural life know grassroots culture, folk wisdom and values, especially in their progressive expressions and manifestations, that will always be part of our nationalist and transformative project.
I think it is time that we shift our emphasis from the traditional intellectuals of the academe to the generic, mostly self-taught writers and intellectuals who may have deeper insights to share on Philippine life.”
Samantala, narito ang isang halimbawang tula ni Agulto:
Huwag na po kayong tutula ng papuri tungkol sa amin
1
Mapikon na ang mapipikon. Huwag na kayong tutula
ng pagmamahal tungkol sa amin. Hindi ninyo maaarok
ang kalooban ng mga anak-pawis. Kumbakit kinakayang
pasanin ng isang pahinante – halimbawa – ang tatlong sakong
bigas nang magkakapatong. Huwag nyo kaming gamitin
sa mga libro ng panghuhula. Bukod sa kawalang
pakundangan, nasasalaula ang wika dahil sa takbo ng inyong
panulaan. Sa inyo na lang ang mga eleganteng pamimilifino,
huwag na pong ialay sa amin. Baka nga masyado kayong
malalim. Gifted. Kober pa lamang ng inyong mga libro’y
nananakot na. Klasiko. Papostmodern. Mono-syllabic.
Yes/No. Hindi ito tula. Go home and plant kamote!
2
Arbitraryo pati. Ibigay kuning-kuning ang kay Kiko
para kay Kiko: mga proyektong di biro-biro para kay Kiko;
publikasyon para kay Kiko; antolohiya para kay Kiko,
grants para kay Kiko, coffee table books para kay Kiko,
translations para kay Kiko. Mga trapoetang shineboy ng trapo.
Makipagpataasan ba ng mapanghing-aral Balagtasyano
Hanggang sa langit. At manaksak ng puwit ng may-puwit.
(Mula sa Awtor: Paglilinaw ni G. Tomas Agulto. Samantala, kinontak na natin si Sir Rio Alma (Virgilio S, Almario) upang kunin ang kanyang reaksyon.)
Paglilinaw po, nang bigyan ako ng award ng UMFIL (Unyon ng mga Manunulat sa P/Filipinas) bilang Pambansang Alagad ni Balagtas, hindi ko naman ganap na tinanggihan. Sa halip, naiuwi ko ang tropi ng pagkilala sa akin ng UMFIL, idineposito ko sa GSIS museum ang tropi, kasama ng regalo kong garapon na may pugot na palakang nakababad sa pormalin. Ginawa ko ito bilang talinghaga ng protesta ng aking di pagsang-ayon na sa pagkilala ng UMFIL kay Francisco Balagtas na Dakilang Makata at dapat pamarisan.
Sa ganang akin, ang impluwensiya ni Balagtas sa kanyang tula at pagpapahalaga sa buhay ay minana sa kaisipang Vatican, isang kulturang bulok at naging sanhi ng ating mga pambansang pamahiin at sulimpat na pagpapahalaga sa buhay, Minarapat kong tapatan ng palaka sa garapon ang tropi na iniabot sa aking ng National Artist Virgilio Almario at tinanggap ko nang may pasubali. At nanawagan ako sa komperensyang iyon na muling suriin ang halaga ni Balagtas sa ating panitikan, gaano man siya kahusay sa pagsulat at pagtula, para sa akin ay masama at kuntra sa empowerment ng tao at mamamayan ang kaisipang Balagtasismo na ibinabandila ng mga tradisyonal na makata.
Si Richard R. Gappi ay ginawaran noong 2012 ng Pamahalaang Bayan ng Angono ng “Dangal ng Bayan Award” para sa Sining, Pagtula at Pagsusulat. Nagtapos siya ng AB Philippine Studies (major ang Political Science and History) at may units ng M.A. Creative Writing (major in Poetry) sa UP Diliman. Dati siyang editor ng Philippine Collegian sa UP at editor in chief ng Manila East Watch na dyaryo sa Rizal. Dalawang beses siyang naging fellow sa Poetry sa UP National Writers Workshop (1996 at 2013), UBOD New Author Series awardee ng NCCA, writer ng UP Diksyonaryo ng Wikang Filipino, at nagwagi na sa Komisyon sa Wikang Filipino. Bilang artist, siya ang founding president ng Neo-Angono Artists Collective, Vice-President ng Angono Council for Tradition, Culture and the Arts, at tagapagtatag ng Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society. Sa ngayon, siya ang Community Affairs Assistant Officer at pangulo ng mga empleyado sa munisipyo ng Angono at editor ng Angono Rizal News Online.
Unang nalathala ang artikulong ito sa RizalHenyo Online News Magazine.

*************
No comments:
Post a Comment