Posted: 17 Sep 2013 09:24 AM PDT
Sinabi ng lokal na lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Davao City na plano lamang ng mga kasamahan nila sa Zamboanga City na magsagawa ng rali noong nakaraang linggo, hindi para umatake tulad ng naiuulat, nang makasagupa nila sa palitan ng putok ang mga tropa ng gobyerno.
Sinabi ni Rolando Olamit, tagapangulo ng MNLF Davao, na nagtipon ang mga puwersa ng MNLF sa Zamboanga para makipagkonsulta hinggil sa Bangsamoro Republik.
“Palagay ko gusto lang nila magsagawa ng konsultasyon, pero malamang na napuwersa silang makipaglaban matapos ang reaksiyon ng mga awtoridad sa kanilang presensiya,” kuwento ni Olamit sa Davao Today.
Sumang-ayon si Emmanuel Fontanilla, tagapagsalita ng MNLF, at sinabing gusto ng tagapangulo ng MNLF na si Nur Misuari na magsagawa ng isang “mapayapang rali” hinggil sa panawagan niya para sa independensiya ng Bangsamoro.
Sinabi ni Fontanilla na di-tataas sa isandaang tropang MNLF na nagsilbing “advance party” ni Misuari ang dumating noon sa baybaying dagat ng Brgy. Sta. Catalina umaga ng Lunes, Setyembre 9 nang atakihin sila ng mga tropa ng gobyerno.
Ipinaliwanag ni Olamit na “hindi nagtutulak ng giyera” ang MNLF kundi may hangarin itong muling buksan ang negosasyon sa Final Peace Agreement sa pagitan nito at ng gobyerno na nilagdaan noon pang 1996.
“Gusto ng mga kapatid natin na magsagawa ng mapayapang rali pero di sila pinayagan. Kailangan ba nating magdanak ng dugo para marinig ang boses natin?” tanong pa ni Olamit.
Sinabi niya na handa siyang harapin ang pag-aresto kasama ni Misuari kung makakasuhan sila hinggil sa naganap.
Noong Oktubre, nagdeklara si Misuari ng pagtatag umano ng isang “Bangsamoro Republik” na sa Davao ang kabisera.
Iginigiit ng naturang lider ng MNLF na “tinalikuran” ng gobyerno ng Pilipinas ang 1996 Final Peace Agreement sa pagitan ng gobyerno at MNLF sa pagpirma ng Framework Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Itinutulak umano ni Misuari ang muling pagbukas ng usapan hinggil sa Final Peace Agreement na magsisilbing observer ang United Nations.
Samantala, noong Setyembre 9, binatikos din ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte angpeace panel ng gobyerno sa hindi sabay na pakikipag-usap sa iba’t ibang armadong grupong Moro.
“Nang tanungin nila (peace panel) ako para sa aking input (sa usapang pangkapayapaan), sinabi ko sa kanila na huwag makipag-ugnayan sa MILF habang minamardyinalisa ang MNLF dahil di ka pa tapos sa huli,” sabi ni Duterte.
Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na hindi dapat maging mapanghati at eksklusibo ang polisiyang pangkapayapaan ni Pangulong Aquino. “Hindi nito dapat iniiwan ang isang lehitimong grupo para pagbigyan ang isa pang grupo. Hindi ito ang tamang paraan para mag-usap para sa kapayapaan sa Mindanao,” sabi pa ni Zarate.
*Isang linggo matapos lumabas ang orihinal na artikulong ito, noong Setyembre 16, binatikos naman ni dating Pres. Fidel Ramos ang administrasyong Aquino dahil naging “pabaya” umano ang huli sa implementasyon ng kasunduang nilagdaan noong kanyang administrasyon.
“Bakit hindi ninyo linisin ang kalat muna ninyo dahil kayo ang may kagagawan niyan?” sabi ni Ramos, sa wikang Ingles. “Ipinasa namin iyan (Final Peace Agreement) sa silver platter.”
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi dapat sisihin dito si Aquino dahil may nauna pang mga presidente na umupo bago ang kasalukuyang pangulo.
(Salin mula sa Ingles na artikulo ni John Rizle Saligumba/davaotoday.com)

No comments:
Post a Comment