Wednesday, September 18, 2013

Pinoy Weekly - Mga Larawan: Kababaihan gumawa ng Women Chain vs Pork Barrel sa Manila

At Taft Avenue by Kenneth Roland A. Guda at Macky Macaspac
Click the title to see the pictures
Posted: 18 Sep 2013 11:05 AM PDT


Nagdugtung-dugtong ang kababaihan, pati na ang ilang lalaki at mga bata, sa ilalim ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala!), kasama ang Gabriela, para muling bigyang pokus ang isyu ng korupsiyon sa gobyerno sa uri ng sistemang pork barrel.

Ginanap ito sa kahabaan ng Taft Avenue hanggang Manila City Hall.

Ayon sa Gabriela, ipinapakita ng pagkakaroon ng trilyun-trilyongt pork barrel ng gobyerno na hindi na kailangang maningil pa ito ng “regressive” na mga buwis sa mga mamamayan tulad Expanded Value-Added Tax (E-VAT).
Muling nanawagan ang grupo na ibasura ang E-VAT, lalo na ngayong nagtataasan ang presyo ng mga bilihin, serbisyo at mga yutilidad tulad ng langis, kuryente at tubig.

“Matagal nang pinahihirapan ang kababaihan at mga pamilya nila ng matataas na mga presyo mula sa regressive na mga buwis tulad ng E-VAT habang nilulustay at inaabuso ng Presidente at mga mambabatas ang pera ng taumbayan,” sabi ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.



Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=26050




No comments:

Post a Comment