Posted: 19 Sep 2013 07:03 PM PDT
Kakatwa ang tatlong editoryal ng Philippine Daily Inquirer tungkol sa gera sa Mindanao, sa Zamboanga City sa partikular, na tinawag nang krisis, humanitarian pa nga. Ang una (“History’s spoiled child”) ay tungkol kay Nur Misuari, kritikal sa adbenturismo ng lider ng Moro National Liberation Front. Ang ikalawa (“The fog of politics”) ay tungkol kay Jejomar Binay, kritikal sa pakikipagnegosasyon ng bise-presidente kay Misuari. At ang ikatlo (“Cruel”) ay kumondena sa matinding pinsala ng gera sa mga taga-Zamboanga.
Syempre pa, sino ang pinalulusot ng kritikal na pagsusuri ng Philippine Daily Inquirer? Walang iba kundi si Pang. Noynoy Aquino at ang kanyang gobyerno. Lumalabas tuloy na kasalanan ni Misuari ang lahat, makabagbag-damdamin ang epekto ng gera pero dapat lang ituloy, at nakakabwisit ang maagang pamumulitika ni Binay.
Sumasakay at nagpapalakas ang ganitong istorya sa sentimyentong kontra-Misuari. Ang hindi nailalahad na palagay: Tama lang ang mga hakbangin ni Aquino at ng gobyerno niya.
Ang sabi sa unang editoryal, nalaman ng militar ang gagawing “peace rally” ng MNLF tatlong araw bago ang mismong aktibidad. Ayon sa tagapagsalita ng MNLF, ang militar ang unang nagpaputok, pahayag na hindi kinontra ng militar. Ayon sa isang balita, nakarami na ng “peace rally” ang MNLF na hindi naman ginera ng gobyerno. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang grabeng karahasang pinawalan ng gobyernong Aquino pagkatapos: todo-paputok ng baril, mga kanyon, tangke, atake mula sa himpapawid.
Ipagpalagay na nating mali si Misuari at ang pamunuan ng MNLF sa pagpapamartsa sa mga tropa nito nang nakabaril sa isang lungsod. Pero dapat bang todong dahas agad ang itinugon ng gobyerno? Tandaan: Hindi hamak na mas superyor ang kakayahang militar ng gobyerno kumpara sa MNLF. Pwedeng ang naging sagot nito: “Mali iyang ginagawa mo Nur, ah. Mag-uusap ba tayo o uupakan namin kayo?” Walang ganyang ginawa ang gobyerno. Hindi ito naghanap ng paraan para mapayapang resolbahin ang usapin.
Maaga ring nag-alok ng negosasyon ang MNLF sa gitna ng putukan. Maaaring hindi gusto ng gobyernong Aquino ang panukalang may internasyunal na tagapamagitan, pero nag-alok naman si Speaker Sonny Belmonte na maging tagapamagitan ang Kongreso. Hindi kataka-taka na mag-alok ng negosasyon ang MNLF, dahil kaugnay ito ng dahilan ng kanilang pagkilos: ang pagkaka-etsapwera ng grupo sa mga “hakbanging pangkapayapaan” ng gobyernong Aquino kaugnay ng Moro Islamic Liberation Front.
Marami ang nagagalit sa umano’y pangho-hostage at paggamit ng human shield ng MNLF. Hindi malinaw ang katotohanan dito. Kung totoo ito, dapat lang na kondenahin ang MNLF sa paglabag na ito sa internasyunal na makataong batas tungkol sa gera. Hindi ito dapat gawin ng kahit sinong armadong grupo kahit pa nasusukol. Pero sa kabilang banda: Hindi ba ito naisip ng gobyernong Aquino? Na posibleng humantong sa ganito ng MNLF, batay sa katangian nito, kapag nasukol sa isang mataong lugar?
Malinaw ang nabubuong pagsusuri: Ginusto talaga ng gobyernong Aquino na ilunsad ang gera sa Zamboanga City. At wala nang ibang layunin kundi ang nagiging silbi ng naturang gera ngayon: ang ilihis ang atensyon ng mga Pilipino sa tangkang sawatain ang tumitinding galit sa pork barrel scam. Hindi kasi nakabuti, bagkus nakasama pa, sa gobyernong Aquino ang anunsyong bubuwagin ang Priority Development Assistance Fund o PDAF. Ganoon din ang pagsuko ni Janet Lim-Napoles. Kaya hayan: gera!
At matindi na ang pinsala. Mahigit 80 na ang napatay at mahigit 100 na ang sugatan. Mahigit 80,000 na ang lumikas, nasaevacuation center. Daan-daang bahay na ang nasunog. Matindi ang paglabag sa karapatang pantao. Hindi na nga nireresolba ng gobyerno ang kahirapang ugat ng pag-aalsa ng mga Moro, lalo pa nito silang inilulubog sa karalitaan. Biktima rin ang katotohanan, sa pagpapatampok sa mga evacuation center at pagtulong sa mga lumikas – nang hindi isinisiwalat ang dahilan ng gera.
Lumilinaw pa lang ang papel ni Aquino sa pork barrel scam. Pero napakalinaw na ng papel niya sa tangkang pagtakpan ang naturang scam sa paglulunsad ng gerang labis na mapaminsala. Ninanakawan, ginegera, niloloko – ang Pilipino sa ilalim ni Aquino.
20 Setyembre 2013

No comments:
Post a Comment