Thursday, November 14, 2013

UMANGAT-MIGRANTE | PANAWAGAN | Humihingi ng tulong para sa mga biktima ni Yolanda




By Ugnayan sa Himpapawid, Rome Italy





Mga minamahal na mga kababayan dito sa Roma, 

Matapos ang malagim na sakuna dulot ng Lindol sa bohol at ibang parte ng Central Visayas ay muli na naman dumating ang isang pinakamalakas at pinakamalagim na sakuna sa ating Bayan, ang super typhoon Yolanda na tumama ng 6 na beses sa ibat-ibang probinsya sa ating Bansa. Tinatayang mahigit sa 10,000 mga kababayan natin ang namatay at marami pa ang nawawala at 905, 000 pamilya o 4 na milyong tao ang apektado nito.

Sa ganitong mga hamon ng pagkakaton kami po po ay lumalapit sa inyong butihing kalooban upang humingi ng tulong para sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong yolanda. Matindi po ang kanilang pangangailangan para sa pagkain, gamot, tubig at iba pa.

Maari po ninyong ipaabot ang anumang tulong sa UMANGAT-MIGRANTE sa via giolitti 231, Roma o direkta sa Operation Sagip Migrante ng Migrante International BPI-Kalayaan Branch account no 1993-0859-16.

Gayundin po kami ay nanawagan sa inyo na makiisa at sumuporta sa isasagawang pag-aalay ng panalangin at pangangalap ng tulong sa darating na Lingo ika-17 ng Nobyembre 2013 sa Piazza Manila ika-1 ng hapon.
Aming pong kagyat na pinapaabot ang aming taos pusong pasasalamat sa inyo mga kababayan...


para sa karagdagang inpormasyon tumawag o mag-text kay Alex - 3890362468






No comments:

Post a Comment