Kasabay ng ika-150 anibersaryo ng pagkabuhay ng lider-rebolusyonaryo ng Katipunan na si Andres Bonifacio sa Nobyembre 30, inagdiriwang din ng Kabataang Makabayan (KM) ang kanilang anibersaryo ng pagkakatatag. Para sa KM, ipinagpapatuloy nila ang naantalang rebolusyon ni Bonifacio. Aktibong ipinapanawagan ng naturang grupong
underground ang armadong pakikibaka para mapalitan umano ang sistemeng pampulitika at pang-ekonomiya na nagpapahirap sa mayorya ng mga mamamayan habang nakikinabang ang iilang miyembro ng naghaharing mga uri.
Narito ang ilang larawan ni Pher Pasion ng
lightning rally ng KM:
Nagmartsa ang mga rebolusyonaryong kabataan sa ilalim ng Kabataang Makabayan sa Quiapo, Manila para ipagdiwang umano ang anibersaryo ng KM at ika-150 araw ng pagkakapanganak kay Gat Andres Bonifacio, ang ulo ng unang rebolusyong Pilipino. (Pher Pasion)
(Pher Pasion)
(Pher Pasion)
No comments:
Post a Comment