Tuesday, January 7, 2014

Pinoy Weekly | Refund mula sa sobrang singil ng Meralco, iginigiit ng Gabriela


Posted: 07 Jan 2014 07:11 AM PST

Protesta ng Gabriela sa harapan ng Meralco sa Kamuning, Quezon City (Pher Pasion)Protesta ng Gabriela sa harapan ng Meralco sa Kamuning, Quezon City (Pher Pasion)


Nagpiket ang grupong pangkababaihan na Gabriela sa harap ng opisina ng Manila Electric Co. (Meralco) sa Kamuning, Quezon City para ipanawagan ang sistematikong balik-bayad (refund) sa sobrang singil sa kuryente noong Disyembre sang-ayon satemporary restraining order (TRO) na desisyon ng Korte Suprema.

Nagsimulang maningil ang Meralco sa mga konsiyumer nito ng dagdag na P4.15 kadakilowatt hour (kwh) sa generation charge. Napilitan umano ang kompanya na bumili ng mas mahal na kuryente sa ibang planta nang magsagawa ng isang buwangmaintenance shutdown ang Malampaya gas field.

Pinayagan naman ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magtaas ng singil ang Meralco sa magkakaibang buwan: PhP 2 sa Disyembre, P1 sa Pebrero at PhP 0.44 sa Marso.

Pero pinigilan ito ng Korte Suprema dahil sa petisyon ng mga grupong party-list  sa ilalim ng Makabayan Bloc (Bayan Muna, Kabataan, Anakpawis, ACT Teachers, at Gabriela Women Party) at isa pang kongresista laban sa taas-singil.

Ayon sa Meralco, iaawas na lang daw nila ang nakolektang singil mula sa mga konsiyumer o di kaya ay bayaran na lamang ang kaparehong konsumo noong Nobyembre.

“Pahulaan ba kung magpataw ng singil ang Meralco? Hindi ba dapat nakabatay sa aktuwal na kinonsumo? Pandurugas na naman sa mga konsyumer ang ganitong anunsyo ng Meralco!” ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.


(Kuha ni Pher Pasion)(Kuha ni Pher Pasion)


Anila, di totoo na nalulugi ang Meralco dahil nagkaroon umano ng PhP 17 Bilyong kabuang neto na kita ang Meralco noong nakaraang 2013 pa lamang.

Dapat pa umanong babaan ng Meralco ang kasalukuyang halaga ng kuryente dahil lubhang napakataas na nito kung saan ang Pilipinas ang may pinakamahal na singil ng kuryente sa Asya.

“Walang puso ang Meralco na ito at gobyerno ni Aquino. Hindi na malaman ng mga mamamayan kung paano maghigpit ng sinturon para pagkasyahin ang maliit na badyet ng pamilya sa napakataas na presyo ng kuryente at iba pang pangangailangan,” ayon kay Salvador.

Dagdag ni Salvador, mainam kung kasama sa New Year’s resolution ng Meralco ang paggawa ng mekanismo para agad na ibalik sa mga konsiyumer ang sobrang ibinayad.

Kung imemenos sa susunod pang mga bill, tiyak umanong kikita pa ang Meralco sa iniimbak nilang pera ng mamamayan.

“Kapag pabor sa kita nila, napakabilis ng Meralco. Pero kapag naman refund sa mga konsyumer, napakabagal,” ayon kay Salvador.

Patuloy umanong maglulunsad ang Gabriela ng iba’t ibang porma ng protesta para iparating ang panawagang ibaba ang singil sa kuryente at singilin ang Meralco sa pandurugas nito sa mamamayan.
Naghahanda rin ang nasabing grupo sa mga pagkilos lalo’t nalalapit ang naka-iskedyul na pagdinig ng Korte Suprema kaugnay ng petisyon ng Gabriela Women’s Party at iba sa Makabayan para ibasura ang PhP 4.15 kada kwh na taas-singil ng Meralco.


No comments:

Post a Comment