Tuesday, January 14, 2014

Pinoy Weekly | ‘Kulang na nga ang sahod, trabaho ibibigay pa sa dayuhan’


Posted: 13 Jan 2014 10:34 PM PST

Ikinumpara ng mga manggagawang nagprotesta sa Dole ang Kumpara sa Living wage, malayo ang minimum wage kahit isama pa ang 15 pesos na Cola sa basic pay. (Kontibusyon)Ikinumpara ng mga manggagawang nagprotesta sa Dole ang Kumpara sa Living wage, malayo ang minimum wage kahit isama pa ang 15 pesos na Cola sa basic pay. (Kontibusyon)


Kahit isama pa ang PhP 15.00 na Cost of Living Allowance (COLA) sa basic pay, hindi pa rin sapat ang sahod ng mga obrero dahil sa nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Ito ang reaksiyon ng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na nagpiket sa harapan ng Department of Labor and Employement (DOLE).

Simula nitong Enero, ipinatupad ng DOLE sa National Capital Region ang pagsama ng kalahati ng PhP 30 COLA sa basic pay ng mga manggagawa.

Magiging PhP 451 na ang basic pay ng non-agriculture sector at PhP 399 naman sa iba pang sektor.

Bagamat naging PhP 466 ang minimum na sahod dahil sa PhP 15 na dagdag sa basic pay, malayo naman daw ito sa familiy living wage na aabot na sa PhP 1,051 noong Agosto 2013 ayon sa Ibon Foundation, isang institusyon ng pananaliksik.

“Kakatiting ang kinse pesos kumpara sa pangangailangan ng pamilya ng bawat manggagawa. Libing wage ito hindi living wage,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU. Sinabi pa ni Labog na mauubos lang ang PhP 15 na idinagdag dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo tulad sa kuryente, tubig, pamasahe sa MRT at LRT at produktong petrolyo.

Gayundin na nagtaas ang kontribusyon sa Social Security System at PhilHealth. Sabi pa ni Labog, lahat daw ng pagtaas ay itinutulak ng administrasyong Aquino. “Mas malaki pa ang kinukuha sa atin kesa sa ibinigay na katiting na sahod,” aniya.

Itinutulak ng grupo ang pagpasa sa panukalang batas na PhP 125 across-the-board wage hike na muling isinampa ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap.

Samantala, kinondena rin ng grupo ang pahayag ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na bigyang trabaho sa bansa ang mga dayuhan para mapunuan ang kakulangan sa skilled workers ng bansa.

Kasama raw sa kakulangan ang mga architect, chemical engineer, chemist, environmental planner, fisheries technologist, geologist, guidance counselor, licensed librarian, medical technologist, sanitary engineer, computer numerical control machinist, assembly technician, test technician, pilot at aircraft mechanic.

Pero sabi naman ng KMU, hindi totoong may kakulangan sa skilled workers. Giit ng grupo maraming mga Pilipinong may kakayahan (skilled) ang nangangailangan o naghahanap ng trabaho.

“Niloloko naman ni Baldoz ang publiko,” ani Labog. Aniya, ang mataas na bilang ng walang trabaho, malaking bilang ng mga manggagawang lumalabas sa bansa para magtrabaho at ang malaking bilang ng skilled workers na nasa mga call center ang magpapatunay daw na hindi kulang ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho.

Dagdag pa ng grupo, sa tatlong taon daw ng administrasyong Aquino, hindi nito nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho. Mula sa 7.1 porsiyento, naging 7.3 porsiyento ito, at mahigit 4,000 manggagawa ang lumalabas ng bansa kada araw para magtrabaho sa ibang bansa.

Gayundin na malaking bilang ng mga nagsisipagtapos ang hindi makahanap ng trabaho at bumabagsak na lamang sa sektor ng business process outsourcing.

“Nais ng gobyerno na i-liberalize ang lakas-paggawa bilang pagtupad nito sa mga kasunduang internasyunal,” sabi pa ni Labog.

Nakapaloob daw ang mga trabaho para sa mga dayuhan sa isang listahan na ginawa ng Bureau of Local Employment na sinuhayan ng isang proyektong pinondohan ng European Union.

“Nakakadismaya na itinutulak ng administrasyong Aquino ang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa, samantalang hinihikayat naman nito na magtrabaho rito ang mga dayuhan,” sabi pa ni Labog.

Malinaw daw na prayoridad pa rin ng gobyerno ang interes ng mga malalaking dayuhang kapitalista, kesa sa interes ng mga Pilipino.


4 comments:

  1. With the annual graduates far exceeding the number of jobs generated, more and more Filipinos are unemployed. looking for a good job may become tiresome, why don’t try your luck working online.
    for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  2. Be A FREEMAN

    Urgent Hiring Data Encoders Philippines

    We are currently looking for encoders, writers, work at home moms, working students, or anybody who is capable to encode data online and would like to earn at home.

    Start earning at home, from 350 pesos a day by just research and encoding data online.

    This is not a scam online job and is worth giving a try.

    We are a registered company with license under Department of Trade and Industry, Business Licensing, Philippines.

    Application Requirements:

    1. Must be a legitimate Filipino Citizen and is currently residing in the Philippines.

    2. Age 18 to 45 years old

    3. College level or Graduate.

    4. Basic knowledge on internet and Microsoft Excel

    5. Accessibility on internet at home is an advantage.

    6. Must be residing on a place where money transfer services are available especially Palawan and LBC

    Applicants must submit: Full name, email add, Birthday, address & contact Number to
    AL Bhert Timbal Magbalot 09234059059 for sun and 09365352354 tm

    For registration kindly visit www.unemployedpinoys.com
    For the dashboard activation there would be a payment of 350 pesos annual fee for your membership. Dashboard contains all your work task to be done, earnings, and etc. For that instructions on how to activate just text me in my number 09234059059for sun or 09365352354 for tm

    email: albhertmagbalot@yahoo.com

    ReplyDelete
  3. Online Data Entry Work

    Still hiring!

    Requirements:

    1. Must be a legitimate Filipino Citizen with good moral character and is currently residing in the Philippines.

    2. Age 15 – 45 years old.

    3. College/High School Level or Graduate

    4. Basic knowledge on the Internet and MS Excel and MS Word.

    5. Accessibility on “internet at home” is an advantage.

    6. Must be residing in a place where LBC Money Transfer services or Palawan Express Pera Padala are available.

    All you need:
    Internet Connection
    Personal Computer / Laptop/ Internet Cafe

    Basic Knowledge on MS Excel

    Please e-mail me at darylettealere@yahoo.com and text me at +639359542200 your:

    1. Full Name
    2. Facebook Profile URL
    3. E-mail Address
    4. Mobile Number
    5. Complete Address
    6. Birth Date

    For more details, kindly visit www.unemployedpinoys.com .

    ReplyDelete
  4. For more details, kindly visit https://www.unemployedpinoys.com

    ReplyDelete