Posted: 05 Jan 2014 08:31 AM PST
Magbabalik-klase na at matatapos na naman ang pinaka-mahaba at pinaka-festive na pagdiriwang ng kapaskuhan sa buong mundo–ang pasko ng Pilipino. Pagpatak pa lamang ng Septyembre, ang una sa -ber months, naging abala na agad ang marami sa mga sari-saring tradisyon tuwing kapaskuhan na magtatapos lamang ngayonh linggo sa Araw ng Tatlong Hari. Bagama’t marami sa tradisyong ito’y kolonyal ang pinagmulan, mga kagawiang Espanyol at Amerikano, nahaluan naman din natin ito ng mga sariling katutubong kagawian at pagpapahalaga.
Bahagi sa mga naging pagdiriwang sa aming pamilya ang taunang reunion ng buong angkan o kamag-anakan. Pangkaraniwan din ito sa madaming pamilyang Pilipino lalo pa sa panahon ng kapaskuhan. Hindi gaya ng kanluraning kultura, higit na extended family talaga ang nakikibahagi dito. At dahil minsan lang sa isang taon kung mangyari, mahalaga itong bahagi ng buong taon at kinapapanabikan ng lahat.
Pero para sa akin, kahit noong bata pa man ako, mas malungkot kaysa masaya ang mga reunion dahil sumasalamin ang mga bawat eksena taon-taon sa mga suliraning kinakaharap ng bansa lalo na ang politika at kultura ng mababang pagtingin sa mga mahihirap.
Una, lumiliit ang dami ng mga nakakadalo sa reunion. Hindi naman dahil sa nawawalan lang ng interes ang iba, gaya ng tingin ng iba pa naming mga kamag-anak dahil sa indibidwal lamang ang kanilang pagsusuri, kung hindi dahil nagtratrabaho sa ibang bansa o gabi ang trabaho kaya hindi makadalo.
Dumarami ang overseas filipino workers o OFWs upang isakalakal ang kanilang lakas paggawa dahil sa kawalan ng trabaho at hirap ng buhay sa bansa. Ito rin naman ang nakikitang solusyon ng pamahalaan- ang a la Supermaid na polisiya ng labor export sa mayayamang bansa. At kahit mas malaki ang kita kumpara sa mga lokal na trabaho, hindi pa din nito masabayan ang gahiganteng pagtaas sa presyo ng mga bilhin at iba pang pangangailangan dahilan kung bakit hindi natutupad ang mga pangako nila sa sarili na mag-iipon lamang at uuwi na din. Siklo na ito, gaya ng pagkaka-utang, na nahihirapan maka-alis ang maraming pamilyang Pilipino.
Sa mga hindi naman pinalad maka-alis o pinili talagang manatili sa bansa, trabaho naman sa call center ang katangi-tanging ibinibigay ng pamahalaan. Bukod sa polisiya ng labor export, ito din ang nakikita nilang solusyon sa kawalan ng trabaho at kahirapan sa bansa. Madalas graveyard ang trabaho dito, may pasok kahit holiday dahil nasa ibang bansa ang mga kliente at iba pang mga mahigpit na patakaran. At dahil sa kawalan ng regulasyon at umaapaw na cheap labor sa bansa, madali lang din magpalit-palit ng mga manggagawa ang mga call centers na ito na nauuwi din sa mga bigong pangarap, lalo na ng mga kabataan, na makahanap pa ng ibang trabaho pagkatapos maka-ipon.
Ikalawa, bagama’t mas nagiging bukas ang madami sa mga usapin gaya ng same-sex marriage o divorce, mula sa aking obserbasyon sa mga kwentuhan at usapan, nananatiling pyudal ang namamayaning kaisipan.
Marami na kasi sa aming mga kamag-anak ang mga naghiwalay na mag-asawa. Kahit bukas na itong pinag-uusapan, hindi gaya ng sa mga dating reunion, mababa pa din ang pagtingin sa mga asawang pumiling maghiwalay. At kung ihihirit ang usapin ng divorce, halos taboo pa din ito dahil sa pagiging bangga nito sa turo ng simbahan. Nakakatawa pa nga kapag mag-uumpisang mangaral ang pinaka-relihiyoso sa mag-anak na para bang may monopolyo ng pag-ibig at kaalaman ng diyos.
Parehas din ang obserbasyon ko sa mga usapin ng pagiging bakla o tomboy. Bagama’t bukas na itong pinag-uusapan, mababa pa din ang tingin sa kanila. Pinag-uusapan pa din ng masama ang mga magulang na payag sa pagiging bakla o iba pang kasarian ng kanilang anak, usapin pa din ang pagiging mahilig ng isang lalaking bata sa manika at sentro pa din ng katatawanan ang mga may piniling kasarian. Yun nga lang, mas kapansin-pansin na mas maingat ang ilan sa pag-komento kumpara noong mga nakaraang taon.
At ikatlo, umaapaw pa din ang arogansya ng mga kamag-anak na kabilang sa gitnang uri laban sa mga mahihirap (kamag-anak man o hindi).
Kahit naka-angat lamang ng bahagya, astang messianic at all- knowing na ang mga iba sa kamag-anak. Yun namang medyo nahirapan sa buong taon, bulag na lamang na niyakap ang kristyanong mitolohiya ng tahimik, magpag-pasensya at mahinang mahirap.
Sa mga kwentuhan ng kung sino ang umangat at hindi sa buhay, naghahanap ng reaffirmation ang mga naka-angat, na kadalasan pa ay unapologetic sa dala nitong pinakamamahaling sasakyan at pagsuot ng magarang mga gamit, at pumunta lamang talaga para magmayabang. May bitbit pa itong pangaral para sa lahat ng napag-iwanan, na katamaran at kawalan ng pinag-aralan ang pangunahing sanhi ng kahirapan, na tatanggapin naman bilang katotohanan ng lahat kahit pa ang realidad ng buhay ay incindental at exception an g class mobility sa bansa.
Halos tratuhin din nitong feeding program at pamimigay ng relief goods ang mga reunion sa mga kamag-anak na kung hindi man humirap ay binatbat ng ekonomik na mga problema. At gaya ng mga gitnang uring manonood ng mga pelikulang poverty porn ang dyanra, sabik itong makarinig ng mga kwento ng paghihirap. Mas mabigat ang mga kwento, mas handa itong tumulong- artipisyal man, pangako, gamit o pinansyal.
Mala-teleserye pero ito ang realidad. Nagbibigay ng limos kada isang taon, pero arogante sa pangaral, kahit pa maaari namang tumulong higit pa sa isang beses dahil higit namang sagana dati pa. Madamot, hindi lang dahil usapin ito ng values pero dahil takot itong kahit anomang oras ay kumulang ang maliit nitong sobrang kita at mapabilang sa mahihirap. Kaya sa totoo lang, ang tulong na ibinibigay taon-taon ay mas para sa nagbibigay kaysa binibigyan- legitimization ng pag-angat sa buhay, pagpapayapa sa konsensya at denial sa mismong pagiging bulnerable kahit mismo ng sarili.
Kahit kapaskuhan, kung saan mas higit na mabait ang mga tao at may artipisyal na ligaya, kita pa din ang pangingibabaw ng isang hindi magandang kultura na higit pang masahol kung nagiging laban sa mga mahihirap. Lalo naman din kapansin-pansin ang lumalalang kondisyon ng bansa na halos salaminin na ng aming mga taunang pagtitipon sa pamilya- kawalan ng trabaho, paglala ng kahirapan sa bansa, atrasadong kaisipan at patuloy na arogansya ng gitnang uri.
Ngayong 2014, bago man ang taon, lumang mga suliranin pa din ang kakaharapin.
Bahagi sa mga naging pagdiriwang sa aming pamilya ang taunang reunion ng buong angkan o kamag-anakan. Pangkaraniwan din ito sa madaming pamilyang Pilipino lalo pa sa panahon ng kapaskuhan. Hindi gaya ng kanluraning kultura, higit na extended family talaga ang nakikibahagi dito. At dahil minsan lang sa isang taon kung mangyari, mahalaga itong bahagi ng buong taon at kinapapanabikan ng lahat.
Pero para sa akin, kahit noong bata pa man ako, mas malungkot kaysa masaya ang mga reunion dahil sumasalamin ang mga bawat eksena taon-taon sa mga suliraning kinakaharap ng bansa lalo na ang politika at kultura ng mababang pagtingin sa mga mahihirap.
Una, lumiliit ang dami ng mga nakakadalo sa reunion. Hindi naman dahil sa nawawalan lang ng interes ang iba, gaya ng tingin ng iba pa naming mga kamag-anak dahil sa indibidwal lamang ang kanilang pagsusuri, kung hindi dahil nagtratrabaho sa ibang bansa o gabi ang trabaho kaya hindi makadalo.
Dumarami ang overseas filipino workers o OFWs upang isakalakal ang kanilang lakas paggawa dahil sa kawalan ng trabaho at hirap ng buhay sa bansa. Ito rin naman ang nakikitang solusyon ng pamahalaan- ang a la Supermaid na polisiya ng labor export sa mayayamang bansa. At kahit mas malaki ang kita kumpara sa mga lokal na trabaho, hindi pa din nito masabayan ang gahiganteng pagtaas sa presyo ng mga bilhin at iba pang pangangailangan dahilan kung bakit hindi natutupad ang mga pangako nila sa sarili na mag-iipon lamang at uuwi na din. Siklo na ito, gaya ng pagkaka-utang, na nahihirapan maka-alis ang maraming pamilyang Pilipino.
Sa mga hindi naman pinalad maka-alis o pinili talagang manatili sa bansa, trabaho naman sa call center ang katangi-tanging ibinibigay ng pamahalaan. Bukod sa polisiya ng labor export, ito din ang nakikita nilang solusyon sa kawalan ng trabaho at kahirapan sa bansa. Madalas graveyard ang trabaho dito, may pasok kahit holiday dahil nasa ibang bansa ang mga kliente at iba pang mga mahigpit na patakaran. At dahil sa kawalan ng regulasyon at umaapaw na cheap labor sa bansa, madali lang din magpalit-palit ng mga manggagawa ang mga call centers na ito na nauuwi din sa mga bigong pangarap, lalo na ng mga kabataan, na makahanap pa ng ibang trabaho pagkatapos maka-ipon.
Ikalawa, bagama’t mas nagiging bukas ang madami sa mga usapin gaya ng same-sex marriage o divorce, mula sa aking obserbasyon sa mga kwentuhan at usapan, nananatiling pyudal ang namamayaning kaisipan.
Marami na kasi sa aming mga kamag-anak ang mga naghiwalay na mag-asawa. Kahit bukas na itong pinag-uusapan, hindi gaya ng sa mga dating reunion, mababa pa din ang pagtingin sa mga asawang pumiling maghiwalay. At kung ihihirit ang usapin ng divorce, halos taboo pa din ito dahil sa pagiging bangga nito sa turo ng simbahan. Nakakatawa pa nga kapag mag-uumpisang mangaral ang pinaka-relihiyoso sa mag-anak na para bang may monopolyo ng pag-ibig at kaalaman ng diyos.
Parehas din ang obserbasyon ko sa mga usapin ng pagiging bakla o tomboy. Bagama’t bukas na itong pinag-uusapan, mababa pa din ang tingin sa kanila. Pinag-uusapan pa din ng masama ang mga magulang na payag sa pagiging bakla o iba pang kasarian ng kanilang anak, usapin pa din ang pagiging mahilig ng isang lalaking bata sa manika at sentro pa din ng katatawanan ang mga may piniling kasarian. Yun nga lang, mas kapansin-pansin na mas maingat ang ilan sa pag-komento kumpara noong mga nakaraang taon.
At ikatlo, umaapaw pa din ang arogansya ng mga kamag-anak na kabilang sa gitnang uri laban sa mga mahihirap (kamag-anak man o hindi).
Kahit naka-angat lamang ng bahagya, astang messianic at all-
Sa mga kwentuhan ng kung sino ang umangat at hindi sa buhay, naghahanap ng reaffirmation ang mga naka-angat, na kadalasan pa ay unapologetic sa dala nitong pinakamamahaling sasakyan at pagsuot ng magarang mga gamit, at pumunta lamang talaga para magmayabang. May bitbit pa itong pangaral para sa lahat ng napag-iwanan, na katamaran at kawalan ng pinag-aralan ang pangunahing sanhi ng kahirapan, na tatanggapin naman bilang katotohanan ng lahat kahit pa ang realidad ng buhay ay incindental at exception an
Halos tratuhin din nitong feeding program at pamimigay ng relief goods ang mga reunion sa mga kamag-anak na kung hindi man humirap ay binatbat ng ekonomik na mga problema. At gaya ng mga gitnang uring manonood ng mga pelikulang poverty porn ang dyanra, sabik itong makarinig ng mga kwento ng paghihirap. Mas mabigat ang mga kwento, mas handa itong tumulong- artipisyal man, pangako, gamit o pinansyal.
Mala-teleserye pero ito ang realidad. Nagbibigay ng limos kada isang taon, pero arogante sa pangaral, kahit pa maaari namang tumulong higit pa sa isang beses dahil higit namang sagana dati pa. Madamot, hindi lang dahil usapin ito ng values pero dahil takot itong kahit anomang oras ay kumulang ang maliit nitong sobrang kita at mapabilang sa mahihirap. Kaya sa totoo lang, ang tulong na ibinibigay taon-taon ay mas para sa nagbibigay kaysa binibigyan- legitimization ng pag-angat sa buhay, pagpapayapa sa konsensya at denial sa mismong pagiging bulnerable kahit mismo ng sarili.
Kahit kapaskuhan, kung saan mas higit na mabait ang mga tao at may artipisyal na ligaya, kita pa din ang pangingibabaw ng isang hindi magandang kultura na higit pang masahol kung nagiging laban sa mga mahihirap. Lalo naman din kapansin-pansin ang lumalalang kondisyon ng bansa na halos salaminin na ng aming mga taunang pagtitipon sa pamilya- kawalan ng trabaho, paglala ng kahirapan sa bansa, atrasadong kaisipan at patuloy na arogansya ng gitnang uri.
Ngayong 2014, bago man ang taon, lumang mga suliranin pa din ang kakaharapin.
No comments:
Post a Comment