Posted: 04 Dec 2013 12:12 AM PST
Nagsagawa ng isang lightning rally ang mga miyembro ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU), isang rebolusyonaryong organisasyong kaanib sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Baclaran, Parañaque City.
Hinimok ng RCTU ang mga tao na lumahok sa armadong rebolusyon na isinusulong ng New Peoples Army (NPA) sa kanayunan bilang tugon sa diumano’y tumitinding kahirapan sanhi ng kawalang trabaho, mababang pasahod at pagpapahirap ng mga negosyante. Kanila din kinondena ang administrasyong Aquino sa kawalang kahandaan nito noong rumagasa ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan. Bahagi rin ang lightning-rally sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas sa darating ng Disyembre 26. Mga larawang kuha ni Macky Macaspac: |
Wednesday, December 4, 2013
Pinoy Weekly | Mga Larawan | Iglap-rali ng rebolusyonaryong manggagawa laban sa ‘tumitinding kahirapan’
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment