Saturday, December 28, 2013

Pinoy Weekly | KaMAO



Posted: 26 Dec 2013 09:08 PM PST
“Isang milyong manggagawa at magsasaka ang bumabangon.
Isang mabangis na ipu-ipo ang bumulusok mula sa langit.”
Martsa Mula Tingchow Tungong Changsa, Mao Zedong
(Salin ni Vijae Alquisola)

*      *      *
Yes siree! Sumulat ng mga tula si Mao Zedong tulad ng mga rebolusyunaryong lider na sina Karl Marx, Andres Bonifacio, Ho Chi Minh, at Jose Ma. Sison.

May mga anekdota na nagsasabing kahit noong bata pa si Mao, mahilig na siyang magbasa ng mga klasikong akda. Galing sa mahirap na pamilya si Mao, at nang makita siya ng kanyang tatay na nagbabasa sa ilalim ng puno, nabuwisit ito dahil naisip nitong magiging makata siya paglaki. Hindi siya makakatulong sa bukid.

Pero nagkamali ang tatay ni Mao dahil hindi lang bukid ang sinimulan niyang palayain kundi maging ang sambayanang Tsino (AKA the Great Proletarian Cultural Revolution).

*      *      *
“A poet must also learn how to lead an attack.”- Ho Chi Minh

*      *      *
Hindi lang mga aktibista at rebolusyunaryo ang nagbasa/umunawa/nagsabuhay ng mga dakilang kaisipan ni Mao. Pinag-aaralan/binusisi/binaluktot din ito ng mga pasista at chiwariwariwap ng imperyalismo. Case in point: tres otso.

Gayundin ang nangyari sa kanyang mga tula.

Noong 1972, binisita ni US President Richard Nixon si Mao dala ang isang kopya ng aklat na The Poems of Mao Tse-tung. Kinabisado raw ni Nixon ang isang tula ni Mao at binigkas pa sa harapan niya.
*      *      *
“But my heart / will be a whole soldier / with flags flying.”- Exile, Otto Rene Castillo

*      *      *
Bukod sa pagsusulat ng tula, isang calligrapher din si Mao. Hindi mo yata mapaghihiwalay ito sa mga makatang Tsino.

Sa pagitan daw ng mga pulong, makikita si Mao na nagdu-doodles ng mga tula o calligraphy art. Minsan lalamukusin niya ang papel o iiwan lang basta.

*      *      *
“A mighty flame follows a tiny spark.”
- Dante Alighieri

*      *      *
Sa ika-120 kaarawan ni Mao ngayong Disyembre 26, uploaded sa cyberworld ang updated na edisyon ng KaMAO: Mga salin ng mga tula ni Mao Zedong.

Kabilang sa 36 nagsalin ng mga tula ni Mao ang mga batikan at beteranong makata, mamamahayag, guro, musikero, manggagawang pangkultura, organisador, kawani ng gobyerno, iskultor, mga manggagawa sa pabrika at call center, at migrante.

Marami pang gustong magsalin pero wala na ring makitang tula ni Mao bukod sa 36 na tulang nakuha sa Mao Zedong Poems (Open Source Socialist Publishing, 2008). Usually, 20 tula lang ang laman ng mga koleksyon ng mga tula ni Mao.

*      *      *
Marami kaming natutunan sa proseso ng pagsasalin ng mga akda.

Dati nang nakapagsalin ng mga tula ni Mao ang ilan sa mga kontribyutor. May tala rin ang Sentro ng Wikang Filipino ng ilang salin na isinagawa ng komite sa pagsasalin ng Panulat Para Sa Kaunlaran Ng Sambayanan (PAKSA) at nalathala sa Katipunan noong 1971.

Idinaan din sa maikling palihan ang bawat salin ng bawat kontribyutor. Kailangan kasing sagutin kung direktang salin nga ba ang mga nagawa namin, kung halaw na, at/o sariling bersyon.

Halimbawa, ang paggamit ng salitang “palayok” ni Noel Sales Barcelona, “dyinobus” ni Axel Pinpin, at “Manaul” ni Tilde Acuña. Isama na rito ang usapin kung hahanapan ng katutubong bersyon sa Filipino ang mga idyomang likas sa Tsina na nabanggit ni Mao sa mga tula niya.

Gumawa rin ng salin sa Kapampangan si Oliver Carlos at halaw na tungkol naman sa kampanyang Kahos si Gem Aramil. Tho hindi na isinama ang mga ito sa koleksyon.


*      *      *
Paano nga ba isasalin ang mga tula ni Mao?

Sabi nga ni Joel Costa Malabanan, “Hindi ito gaya ng isang tasang kape na isasalin sa panibagong tasa. Kailangang bigyang-pansin ang kultura, kasaysayan, at ang kalagayan ni Mao Zedong nang nilikha niya ang tula.”

Nadiskubre namin na napakalalim ng kapit ng mga tula ni Mao sa kasaysayan at kaligiran ng Tsina. Pansin nga ni Axel, “May malaking impluwensya ang panahon at itinatakbo ng rebolusyong Tsino sa mga tula [ni Mao]. Halimbawa, ang Long March sa mga pagmumuni-muni niya. Ano ang kalagayan ng Red Army noong panahong iyon? Ano ang relasyon ng PKT sa Kuomintang? Ano ang inaabot ang rebolusyong agraryo sa mga pulang purok? Bakit parang depressed si [Mao] sa ibabaw ng bundok habang nakatanaw sa mga barko? Di ba dahil kamamatay [lang noon] ni Sun Yat-sen?”

Isang hurdle din na wala ni isa sa aming marunong magbasa ng wikang Tsino. For dat, mahirap i-double check kung tama ang bersyong hawak namin sa Ingles. And for dat, minabuting bukod sa pagri-research ng mga lugar na nabanggit sa mga tula, kumunsulta rin kami ng iba pang mga salin to compare.


*      *       *
Balak naming idaan sa mas masusi pang palihan ang mga tula. At, eventually, ilathala bilang aklat at maipamigay nang libre.

Dumami pa sana ang mga salin ng mga akdang kailangan natin. Panabla sa mga salin ng mga ek-ek na akda. Isa pa, hindi lang naman kasi usapin sa loob ng akademya ang pagsasalin. Dibs.




No comments:

Post a Comment