Tuesday, December 17, 2013

Pinoy Weekly | People’s Initiative, sandata ng publiko kontra pork barrel


Posted: 17 Dec 2013 10:47 AM PST
Mga personahe at lider-mamamayan na lumahok sa pambansang asembleya kontra pork barrel. (Kontribusyon)Mga personahe at lider-mamamayan na lumahok sa pambansang asembleya kontra pork barrel. (Kontribusyon)


Hindi pa tapos ang laban kontra sa pork barrel .

Ito ang sinabi ng iba’t ibang grupo at personahe na kontra pork barrel sa isang pambansang asembleya hinggil sa people’s initiative kontra sa anumang uri ng lump sum appropriations sa badyet ng gobyerno. Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema noong Nobyembre na nagdedeklarang labag sa Saligang Batas ang Priority Development Assistand Fund (PDAF) at ilang bahagi ng lump sum funds ng administrasyong Aquino, sinabi nilang nananatili sa 2014 badyet ang practice ng pork barrel. 


At siyempre, nariyan pa rin ang Disbursement Acceleration Program (DAP), na isa pang uri ng lump sum funds na nasa kontrol ni Pangulong Aquino.

“Mayroon tayong dahilan na magsaya dahil ang Korte Suprema ay pinawalang-bisa ang PDAF. That is only half a victory. And in the battle against pork barrel, half a victory is not victory enough,” sabi ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, na nagbigay ng keynote speech sa naturang pagtitipon sa St. Joseph’s College in Quezon para sa unang “national assembly for the abolition of the pork barrel system and for people’s initiative” kamakailan.


Ang aktibista at aktres na panteatro, na si Mae Paner, lumagda sa people's initiative. (Pher/Ilang)Ang aktibista at aktres na panteatro, na si Mae Paner, lumagda sa people’s initiative. (Pher/Ilang)


Sinang-ayunan ng #AbolishPork Movement, na siyang isponsor ng asembleya, ang pahayag ni Puno na kailangang ipagpatuloy ang matagal-tagal na ring binabalak na people’s initiative. Paliwanag ng grupo, kailangan ding ipagpatuloy ang laban kontra sa pork barrel sa iba’t ibang porma — maging people’s initiative man iyan o sa mga kilos-protesta — lalo pa’t ipinasa na ng Kongreso at inaprubahan na ng Ehekutibo ang 2014 General Appropriations Act na anito’y may iba’t iba pa ring “itemized pork“. Siyempre, nanatili sa badyet sa susunod na taon ang pork barrel na nasa kontrol ni Pangulong Aquino.

Hinihintay din ng grupo at ng mga personaheng tulad ni dating Chief Justice Puno ang desisyon ng kasalukuyang Korte Suprema hinggil sa constitutionality (kung sang-ayon o hindi sa Saligang Batas) ng DAP.

Sa naturang asembleya, inihayag din ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang people’s initiative na magpapanukala ng batas na magbabasura sa sistema ng pork barrel sa gobyerno.

Sinabi ni Colmenares na target ng naturang panukalang batas na tanggalin na sa gobyerno ang lump-sum discretionary spending, o paggastos ng malaking pondo ng gobyerno nang walang malinaw na pananagutan. Bahagi rin ng panukala ang pagbalik ng di-naire-release na mga pondo na maibalik sa tinatawag na General Fund ng gobyerno — nang hindi mailaan sa diskresyon o sariling pagpapasya lang ng Pangulo tulad ng nagagawa ni Aquino sa ilalim ng DAP.


(Larawan ni Efren Ricalde)(Larawan ni Efren Ricalde)


Kasama sa #AbolishPork Movement nanaghahanda para sa people’s initiative ang mga grupong Pagbabago, Concerned Citizens Movement, Kapatiran Party, Volunteers Against Crime and Corruption, Movement Against Dynasty, Youth Act Now!, Babae Laban sa Katiwalian, Artista Kontra Korapsyon, Bagong Alyansang Makabayan, ang UP Faculty Against Pork, si Archbishop Oscar Cruz, ang tanyag nawhistleblowers na sina Jun Lozada at Sandra Cam, at ang alagad ng sining na si Monet Silvestre.

Kaalinsabay nito, nanawagan si Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), sa nabanggit na iba’t ibang alyansa kontra pork barrel, at kahit ang iba pa, na paghandaan ang mas malaking paglaban kontra sa DAP at ang tinaguriang presidential pork barrel ni Aquino sa susunod na taon.



No comments:

Post a Comment