Monday, December 30, 2013

Pinoy Weekly | Daan-daang katao, dumalo sa pagdiwang ng ika-45 anibersaryo ng CPP sa Sierra Madre


Daan-daang katao, dumalo sa pagdiwang ng ika-45 anibersaryo ng CPP sa Sierra Madre
by Boy Bagwis


Daan-daang tao ang bumiyahe sa mabato, maputik at matarik na daan nitong nakaraang linggo sa kabundukan ng Sierra Madre sa Timog Katagalugan. Ang kanilang binisita: mga gerilya ng New People’s Army (NPA).

Nakiisa sila sa pagdiriwang ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng nagsusulong ng rebolusyonaryong pagbabago sa bansa.

Nagbigay ng talumpati ang kinatawan ng iba’t ibang rebolusyonaryong organisasyon. May mga pangkulturang pagtatanghal din na tumatalakay sa kalagayan ng bansa. Kinondena rin nila ang Pangulong Aquino na nagpahirap umano sa mga mamamayan.

Sa opisyal na pahayag ng CPP para sa anibersaryo nito, isa sa mga ipinanawagan nito sa mga kasapi ang pagkampanyang patalsikin sa puwesto si Aquino.

“Organisahin (natin) ang pinakamalawak na pagkilos para ilantad at ihiwalay ang kabulukan ng rehimen ni Aquino at mobilisahin ang buong lakas ng bayan at kilusang masa upang patalsikin ito sa kapangyarihan tulad noong 1986 sa diktadurang Marcos at noong 2001 kay Estrada,” pahayag ng CPP-Southern Tagalog Regional Committee.

Nagtirik ng kandila ang mga nagsipagdalo para guintain at bigyan ng pugay ang anila’y lahat ng mga martir ng rebolusyon na mga kasapi ng CPP, NPA o mga organisasyon sa ilalim ng naturang partido.

Sa naturang pagtitipon, isang lider ng NPA ang nagsabing “marami na rin tayong napagtagumpayan sa mga takikang salakay at ambush ngayong 2013″. Aniya, lalo pa nila itong paiigtingin para sa kanilang adhikaing magtagumpay ang rebolusyon.

Isang lider naman ng CPP ang nagsabing ang malalaking tagumpay ng partido sa 45-taon ng puspusang rebolusyonaryong pakikibaka at determinadong pagsulong ang pambansang demokratikong rebolusyon sa gitna ng lumalalang pandaigdigang at lokal na krisis.

Sinabi pa niya, puspusan pa silang magpapasampa sa NPA upang makamit ang tagumpay.

Ipinahayag pa ng naturang rebolusyonaryong lider na lalabanan din nila ang mga hakbang ng rehimeng Aquino tulad ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan.

Mga larawan ng naturang pagtitipon:


Pormasyong militar ng mga miyembro ng NPA para sa anibersaryo ng CPP. (Boy Bagwis)


(Boy Bagwis)


Pagtirik ng kandila para sa mga martir ng rebolusyon. (Boy Bagwis)


“Tiger jump” ng isang gerilya. (Boy Bagwis)


(Boy Bagwis)







Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=27156

- See more at: http://pinoyweekly.org/new/2013/12/daan-daang-katao-lumahok-sa-ika-45-anibersaryo-ng-cpp-sa-sierra-madre/#sthash.oqe9FtSh.dpuf






No comments:

Post a Comment