HInarangan muli ng mga pulis ang martsa ng mga militante sa Roxas Boulevard sa Manila malapit sa US Embassy. (Pher Pasion)
Sumugod ang iba’t ibang progresibong grupo sa embahada ng US sa Manila para ipanawagan ang pagbasura sa World Trade Organization noong Biyernes, Disyembre 9.
Bahagi umano ito ng Global Day of Action laban sa WTO na nagsagawa ng ika-9 na Ministerial Meeting sa Bali, Indonesia mula Disyembre 3 hanggang 6.
Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at International League of Peoples’ Struggle-Philippines (ILPS) ang nagsabing pagkilos mula Plaza Salamanca hanggang pigilan sila ng kapulisan halos sa tapat ng embahada sa Roxas Boulevard
“Naging instrumento lamang ito (WTO) ng US para isulong ang neo-liberal na mga polisya na ibayong nagpahirap sa mga mamamayan sa halos dalawang dekada nito,” ayon kay Lengua De Guzman, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Bayan.
Itinatag ang WTO noong 1995 na binubuo ngayon ng 159 na bansa.
Pero nauna na rito ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) sa diwa ng neo-liberal na kalakalan na unang nagtayo ng
multilateral trading system na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon ang mga kaanib na bansa sa anumang napagkasunduan.
Ayon sa Bayan, wala ibang dala ang GATT at WTO kundi ang lalong pagpapahirap sa mga mamamayan. Hindi umano naging pantay ang kasunduan at pagpapatupad sa mga polisiya na lubhang ang nakikinabang ang mga negosyante dahil sa sistemang nagsasamantala.
Imahe ni Uncle Sam (US), hila-hila ang mga magsasaka tungo sa polisiya ng WTO. (Pher Pasion)
“Nasira ang industriya ng ating bansa. Halos wala ng pag-aari ang mga Pilipino at para na tayong mga dayuhan sa ating sariling bansa,” ani De Guzman.
Kung may sistema umano ng
pork barrel sa Pilipinas, ang sistema ng WTO ay harap-harapang pagnanakaw sa mga mahihirap na bansa, sabi pa niya.
“Itinutulak ng krisis ngayon sa nangongolonyang mga bansa gaya ng US ang isinusulong ngayon sa WTO. Kailangan nating bantayan ang pagpasok ng tropang Amerikano sa mga nasalantang lugar sa bansa. Tiyak na gagamitin ng mga ito ang sakuna ni Yolanda para ipatupad ang kanilang mga
agendarito sa Asya,” sabi pa ni De Guzman.
Dagdag ng Bayan, kailangan ng mga nasalanta ang tulong pero hindi ang pananatili ng mga tropang Amerikano at mga kagamitang pandigma ng mga ito.
Ayon naman kay Lito Ustarez, pangalawang tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa mahigit 18-taon na pagkakatatag ng WTO, naharap sa pinakamalalang kondisyon ang mga manggagawang Pilipino na may mababang sahod at laganap na kontraktuwalisasyon.
Responsable umano ang WTO sa pagpapatupad ng liberalisasyon sa kalakalan na may kaakibat na mababang sahod at mapaniil na paggawa.
“Hindi pinahihintulutan ng WTO ang mga gobyerno na suportahan ang lokal na agrikultura at industriya, at pinipilit ang bawat bansa sa kanilang itinakdang lugar sa internasyunal na ekonomya. Pinanatili lamang ng WTO ang Pilipinas sa antas na tagasuplay ng hilaw na materyales at taga-
export sa mababang halaga,” ayon pa kay Ustarez.
Mula nang pagpaloob sa WTO noong 1995, buong pahintulot ng gobyerno ng Pilipinas na tanggalin ang mga balakid sa pag-aangkat tulad ng
quota sa lahat ng
imported na produktong agrikultural maliban sa bigas. Gayunman, noong huling bahagi ng dekada ’90, napatunayang hindi ligtas ang bigas sa
agenda ng WTO, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).
Martsa patungong embahada ng US para kondenahin ang WTO. (Pher Pasion)
“Bumagsak ang produksiyon ng palay na umabot sa -24.1 porsiyento noong 1997 hanggang 1998. Dati, napapakain ng mga magsasakang Pilipino ang buong bansa. Ngayon, binabaha na tayo ng
imported na bigas. Ang lokal na mga magsasaka natin ay napipilitang ibenta ang kanilang mga palay sa napakababang presyo,” sabi ni Willy Marbella,
deputy secretary-general ng KMP.
Dagdag pa ng KMP, nahulog din sa patibong ang mga magsasaka sa mga polisya ng WTO sa Trade Related Aspects Intellectual Property Rights (Trips) na nagtungo sa paggamit ng mga binhi at pataba mula sa
agrochemical na mga korporasyon gaya ng Monsanto at Syngenta.
“Dati’y ginagamit ang mga binhing ito sa komunal na pamamaraan ng mga komunidad na nagsasaka. Ngayon, kailangan na itong bilhin sa Monsanto at Syngenta. Ang
genetically-modified high yielding varieties (HVYs) na ay napatunayang mas mahal ang produksiyon at lubhang nagbaon sa mga magsasaka sa utang, maliban pa sa maaaring masamang maging epekto nito sa kalusugan,” ayon kay Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng KMP.
No comments:
Post a Comment