Posted: 02 Dec 2013 09:51 PM PST
Sinimulan kahapon ng mga kawaning pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) ang kanilang black Christmas campaign na serye ng protesta ngayong Disyembre laban sa mababang badyet sa kalusugan at pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center (POC) at iba pang pampublikong ospital.
Nitong Nobyembre 21 umano nagkaroon ng kasuduan sa prinsipyo ng pagsasapribado ng POC ang National Economic and Development Authority (NEDA) board, kabilang ang Megawide Construction Corp., na may pagmamay-ari si Henry Sy. Ang Megawide ang nag-iisang bidder para sa kontrata sa POC, ayon kay Sean Velchez, tagapangulo ng National Orthopedic Hospital Workers’ Union – AHW (NOHWU-AHW).
Isinasailalim ang POC sa iskemang build-operate-transfer (isang porma ng pribatisasyon) sa ilalim ng programang public private partnership (PPP) ng administrasyong Aquino. Sa iskemang ito, popondohan ang POC para makapagpatayo ng bagong gusali sa bakuran ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at patatakbuhin ng pribadong sektor sa loob ng 25 taon sa halagang P5.6 bilyon. Pero nasa P5.4 bilyon dito ang manggagaling sa pribadong sektor.
May 25 pampublikong ospital pa ang isasailalim sa iba’t ibang porma ng pribatisasyon para sa PPP.
“Paano natin masasabing publiko kung ang mayorya na ng nasa board (of directors) nito ay nasa pribado?” ayon kay Dante Perez, pangalawang tagapangulo ng NOHWU-AHW.
Tumatanggap ang ospital ng mahigit sa 300 pasyente sa emergency room at mahigit 700 pasyente sa out patient department sa araw-araw. Nasa 90% nito ang nanggagaling sa pinakamahihirap na pamilya.
Sa ngayon, mayroong itong tinatayang 80 pasyente mula sa nasalanta ng Bagyong Yolanda. Isa sa 80 na ito ang naitala nang namatay, ayon kay Velchez.
Ayon kay Velchez, dapat pondohan ang POC bilang pampublikong ospital para lubos itong makapaglingkod sa mga mamamayan lalo na yung mga mahihirap at sa panahon ng mga kalamidad. “Kung tunay na may puso ang gobyernong Aquino para sa mga mamamayan at biktima ng sakuna, maglalaan ito ng sapat na badyet para sa mga ospital gaya ng POC at ititigil ang pagsasapribado ng mga ito,” aniya.
Para sa taong 2014, mabibigyan ang POC ng P115.3 milyon para sa gamot, supplies, at operasyon ng ospital o 3% lamang na pagtaas sa kasalukuyang P111.6 milyon para sa maintenance at iba pang kinakailangang gastos sa operasyon nito.
“Tungkulin naming magligtas ng mga buhay, pero paano namin ito magagawa kung walang mga supplies o gamot?” ayon kay Velchez.
Kanila umanong ikakasa ngayong Disyembre ang serye ng protesta para labanan ang pribatisasyon at mapatalsik sa pwesto si Department of Health Sec. Enrique Ona.
“Bahagi din ng aming resposibilidad na ipagtanggol ang aming mga karapatan at karapatan ng mga mamamayan para sa serbisyong pangkalusugan na dapat ibinibigay ng gobyerno,” ayon kay Velchez.

No comments:
Post a Comment