Thursday, October 3, 2013

Migrante Europe - Mga Kasamahan sa MIGRANTE Europe Network


See also: BREAKING NEWS : Missing UP prof found in police custody in Mati hospital, charged  http://davaotoday.com/main/2013/10/03/breaking-news-missing-up-prof-found-in-police-custody-in-mati-hospital-charged/




Ipinaaabot namin sa inyo ang balitang nasa ibaba, dahil ang sangkot ay si Kim Gargar - isang dating migrante dito sa Netherlands, nag-aral sa University of Groningen, at naging myembro ng MIGRANTE Netherlands at istap ng Bayan Europe. Kasama natin sya sa mga inilunsad na kampanya dito sa Europe sa maraming isyu, at sa kabila ng pagka-abala nya sa kanyang pag-aaral ay nagbigay sya ng panahon upang makiisa sa mga migrante, laluna sa mga walang papel. May okasyon na nagtrabaho din sya bilang isang domestic worker at naglinis upang malaman nya ang buhay ng isang manggagawang migranteng Pilipino. Tumulong din sya sa maraming education at training sessions para sa mga migranteng Pilipino.

Matapos nyang tapusin ang kanyang doctorate sa unibersidad, nagpasya syang bumalik na ng Pilipinas dahil naniniwala syang mas kailangan sa ating bayan ang kanyang natutunan dito sa labas ng bansa.

Nagpasya syang sumama bilang isang mananaliksik sa Mindanao, partikular sa erya kung saan maraming maralitang komunidad ng magsasaka at mga tribung Pilipino ang giniba ng bagyong Pablo.

Hinihiling namin sa inyong lahat, bilang panimula, na suportahan ang mga sumusunod na panawagan at ikalat natin (sa Facebook) sa mga kaibigan at kakilala nating migranteng Pilipino ang balitang ito. Hinihikayat din natin na kung kakayanin ay sumulat ang inyong mga organisasyong direkta kay Presidente Aquino para hingin na palayain si Kim.

Maraming salamat!

PALAYAIN SI KIM GARGAR! ILITAW ANG KANYANG KASAMAHANG SI RESTITA MILES NG RURAL MISSIONARIES OF THE PHILIPPINES!

IBASURA ANG MGA GAWA-GAWANG PARATANG KAY KIM NG KORAP NA MILITAR!

ITIGIL ANG PAGLABAG SA MGA KARAPATANG PANTAO!

SINGILIN SI AQUINO SA MGA POLITICAL KILLINGS AT DISAPPEARANCES!


MIGRANTE Europe
Amsterdam, The Netherlands




No comments:

Post a Comment