Friday, October 18, 2013

Pinoy Weekly Infographic | Aquino’s Disbursement Acceleration Program


Posted: 17 Oct 2013 03:30 PM PDT

Several lawmakers, organizations and constitutional experts have expressed their opinion that President Aquino’s Disbursement Acceleration Program (DAP) is unconstitutional. Worse, this lump-sum fund, taken from “savings” of many government agencies, has supposedly been used as “bribe” for senators who voted to remove impeached Chief Justice Renato Corona last year. And due to its nature as a “presidential pork”, DAP is prone to corruption as any pork barrel fund.


DAP infographic(2)
Posted: 17 Oct 2013 03:20 PM PDT
Kinalampag ng mga kawani ng gobyerno ang DBM at Malakanyang para igiit ang pagbasura sa DAP at sisteme ng pork barrel na dinedepensahan pa ng administrasyong Aquino. (KR Guda)Kinalampag ng mga kawani ng gobyerno ang DBM at Malakanyang para igiit ang pagbasura sa DAP at sisteme ng pork barrel na dinedepensahan pa ng administrasyong Aquino. (KR Guda)


Galit na galit ang mga kawani ng gobyerno sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino. Lumalabas na dapat ikagalit din ito ng lahat ng mga mamamayan.

Piniket ng mga kawani ng gobyerno ang pambansang tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM), bago tumuloy sa Mendiola, Manila, kahapon dahil sa galit sa administrasyong nagdedepensa sa pinakahuling nabunyag na klase ng pork barrel ng Palasyo: ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Galit ang mga kawani, ani Ferdinand Gaite, presidente ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), dahil iyung badyet ng mga ahensiyang para sa dagdag-benepisyo ng mga kawani ang isa sa pangunahing mga pinagkukunan ng pondo para sa DAP.

Sang-ayon sa Collective Negotiations Agreement (CNAs) ng mga unyon ng mga kawani sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at ng administrasyon ng naturang mga ahensiya, maaaring ibigay sa mga kawani bilang benepisyo anumang badyet na matitipid nito sa katapusan ng taon.

Kung kaya nagsumikap magtipid ang mga kawani. Naging laganap ang pagpapatay ng kuryente sa mga opisina tuwing lunch break at matapos ang ala-singko, ani Gaite, para makatipid sila sa gastos ng ahensiya. Pero pagpasok ni Aquino, at sa tulak ng Budget Circular 2011-5 ni DBM Sec. Florencio Abad, nagkaroon ng cap o maksimum, ang benepisyong maaaring makuha ng mga kawani.

Dati, umaabot sa PhP 50,000 sa katapusan ng taon ang pinakamalaking maaaring makuha ng mga kawani — na kahit papaano’y pandagdag sa lumiliit na take home pay nila dahil sa mga utang. Ngayon, sa ilalim ni Aquino, di na tataas sa PhP 25,000 ito, sabi pa ni Gaite. Matagal nang inireklamo ng Courage at mga kawani ang naturang sirkular ng DBM, at sinabi nilang bulnerable sa pangungurakot ito dahil kontrol na ng Ehekutibo ang malaking badyet na para dapat sa benepisyo ng mga kawani.

Nang maisiwalat sa Senado noong nakaraang buwan ang DAP na ginamit umano para suhulan ang mga senador para matanggal sa puwesto si Chief Justice Renato Corona, lumalabas na tama ang hinala ng mga kawani.


Kinuwestiyon sa Korte Suprema



DAP: Pinakamasahol umanong mukha ng pork barrel ni Aquino. (KR Guda)DAP: Pinakamasahol umanong mukha ng pork barrel ni Aquino. (KR Guda)


Habang nagpipiket ang mga kawani sa DBM at Mendiola, nagsumite naman ng petisyon ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at ilang progresibong party-list sa Korte Supreme para kuwestiyunin ang legalidad ng DAP.

Pinangunahan ang petisyon ng Bayan, at nina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan at Kabataan Rep. Terry Ridon. Kasama rin nila ang mga organisasyong Pagbabago, Concerned Citizens Movement, Ang Kapatiran Party, Anakbayan at Youth Act Now.

Kinukuwestiyon ng petisyon ang DBM Circular 541, na opisyal na nagbubuo ng DAP noong Hulyo 18, 2012.

Matatandaang pumasa sa Kamara ang impeachment ni Corona noong Disyembre 12, 2011. Mahigit dalawang linggo lang ito matapos humingi ng karagdagang pondo ang ilang senador ng administrasyon tulad nina Senators Franklin Drilon, Alan Peter Cayetano, Ralph Recto, Antonio Trillanes IV, Teofisto Guingona III, Sergio Osmeña III at Francis Pangilinan, ng di-bababa sa PhP 100-Milyon — dagdag mula sa PhP 200-M na pork barrel nila — sa DBM para sa priority projects” umano ng naturang mga senador.

Opisyal na pinagbotohan ng Senado ang pagtanggal kay Renato Corona bilang punong mahistrado sa Korte Suprema noong Mayo 29, 2012. Wala pang dalawang buwan nang buuin ng Malakanyang ang DAP — para sa hinihinging karagdagang pondo ng mga senador.
Noong nakaraang buwan, isiniwalat ni Sen. Jinggoy Estrada — na sangkot din sa pork barrel scam ni Janet Napoles — ang naturang “suhol” umano sa mga senador sa uri ng DAP.

Sa naturang petisyon ng Bayan at iba pang grupo, inalala nilang noong Pebrero 2012, kalagitnaan ng impeachment hearing ni Corona, sinabi na ng abogado ng Chief Justice na si Jose Roy na nag-alok na noon ng PhP 100-M ang Malakanyang sa mga senador.


Di pa nga ‘nakakatipid’

Sa naturang sirkular ng DBM, sinabi nilang nagmumula sa pondo ng mga ahensiya ng gobyerno ang DAP para “ayudahan ang mga programa at proyekto ng iba pang mga ahensiya” (“augment existing programs and projects of other agencies“) at mga pinaprayoritisang programa at proyekto ng administrasyon na wala sa 2012 badyet.

Labag umano ito sa Saligang Batas, na nagsabing tanging Kongreso lamang ang may “power of the purse“, o karapatang magtakda kung saan gagamitin ang pondo sang-ayon sa naaprubahang General Appropriations Act o pambansang badyet ng gobyerno sa isang taon.
Maaari lang umano gamitin ang natipid na badyet mismong sa loob ng ahensiya.

Pero sa DAP, inilaan ng administrasyong Aquino ang natipid na badyet para ibang mga ahensiya, tulad ng Senado. Hindi rin masasabing “savings” ang anumang pinagkuhanan ng Malakanyang ng badyet mula sa mga ahensiya dahil Hulyo nilabas ang sirkular sa DAP — kalagitnaan pa lamang ng taon, walang masasabing “natipid” na ang mga ahensiya.

Hiniling ng mga petisyuner na maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order para itigil ang pag-akses ng Malakanyang sa pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng DAP, at itigil na rin ang implementasyon ng naturang kuwestiyonableng programa.


Nagpiket din ang militanteng mga manggagawa ng KMU sa harap ng DBM noong Oktubre 4. (Macky Macaspac)Nagpiket din ang militanteng mga manggagawa ng KMU sa harap ng DBM noong Oktubre 4. (Macky Macaspac)


Depensa ng mga tagasuporta

Bago nito, naglabas ng pahayag ang iba’t ibang non-government organizations na may ugnay kay Aquino, kabilang ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO) at ang Ateneo School of Government  (ASoG), ng suporta sa Malakanyang na nasasangkot sa kaliwa’t kanang katiwalian.

“Naniniwala kami na may integridad sina Pang. Benigno S. Aquino at Budget and Management Secretary Florencio ‘Butch’ Abad. Pinamunuan ni Secretary Abad ang pagpupuwesto sa DBM ng kongkretong mga repormang panggobyerno na kung ipagpapatuloy ay may epekto kahit matapos ang administrasyon,” pahayag nila, sa wikang Ingles.

Pero kinukuwestiyon din ng maraming grupo ang integridad ng CODE-NGO at kahit ng ASoG sa paglabas ng naturang pahayag.
“Kahit na hindi na kami nasosorpresa na dinedepensahan si Aquino nitong mga raketerong NGO, kinasusuklaman pa rin namin sila. Sa pagdepensa sa DAP, inaalis na ng mga grupong ito ang anumang pagpapanggap na itinataguyod nila ang malinis na paggogobyerno para depensahan ang suhol-pampulitika na nakukuha nila mula sa gobyernong Aquino,” sinabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

Matatandaan umanong nasangkot ang CODE-NGO sa maanomalyang pagbenta ng P35-Bilyong Poverty Eradication and Alleviation Certificate (PEACe) bonds noong 2001.

Samantala, dating direktor ng ASoG, at ngayo’y kinatawan ng Batanes sa Kamara, ang asawa ni DBM Sec. Abad na si Henedina Razon-Abad.
Isiniwalat ng KMU na nakatanggap si Rep. Razon-Abad ng PhP 92.5-M na pork barrel noong 2012 — mas malaki pa sa pork barrel funds na karaniwang natatanggap ng ibang kongresista na PhP 70-M.

“Nakakasuklam na iyung malaki ang nakukuhang pera sa pagbatikos sa political patronage sa Pilipinas (tulad ng CODE-NGO) sa harap ng pandaigdigang mga odyens ang siyang tali sa mga political patron nito sa Malakanyang. Malinaw na bahagi sila ng bulok na dominanteng kultura ng pulitika sa bansa, tuad ng mga pulitiko na pana-panahong binabatikos at sinusuportahan nila,” sabi pa ni Labog.


* * *

Bidyo ng privilege speech ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na nagkukuwestiyon sa legalidad ng DAP:

Basahin ang infographic hinggil sa DAP na inihanda ng Pinoy Weekly.

Posted: 17 Oct 2013 03:30 PM PDT

Several lawmakers, organizations and constitutional experts have expressed their opinion that President Aquino’s Disbursement Acceleration Program (DAP) is unconstitutional. Worse, this lump-sum fund, taken from “savings” of many government agencies, has supposedly been used as “bribe” for senators who voted to remove impeached Chief Justice Renato Corona last year. And due to its nature as a “presidential pork”, DAP is prone to corruption as any pork barrel fund.


DAP infographic(2)




No comments:

Post a Comment