Thursday, October 24, 2013

PINOY WEEKLY | Mga Larawan | Dahil sistemang pork barrel ang tunay na Pinoy horror story


Posted: 24 Oct 2013 12:15 PM PDT

Si Mae Paner a.k.a. Juana Change, sa costume na Darna. (Pher Pasion)Si Mae Paner a.k.a. Juana Change, sa costume na Darna. (Pher Pasion)


Dahil tunay na nakakatakot para sa mga mamamayan ang sistemang pork barrel, nagsagawa ng isang costume parade na pinamagatang “Katakurakotan” ang iba’t ibang grupo’t indibidwal sa pangunguna ng #AbolishPork Movement noong Oktubre 23.

Mula Rajah Sulaiman Park, nagmartsa ang daan-daang mga aktibista at indibidwal patungong Senado sa CCP Complex, Pasay City. At dahil malapit na ang Kanluraning holiday na Halloween (bago ang Undas sa Pilipinas), nagmistulang cosplay (costume play, na nauuso ngayon sa kabataan) ang protestang kontra-pork na ito.

Ang ilan sa kanila, nagsuot ng mga costume na hango sa Pinoy folklore (mga tikbalang, manananggal, aswang, atbp.) para kumatawan sa kamuhi-muhing sistema ng lump sum approprations na ayaw pa ring bitiwan — at dinedepensahan pa nga — ng Palasyo.

Tunay na nakakatakot. Pero anumang katatakutan, kayang pangibabawan at labanan.



No comments:

Post a Comment