Tuesday, October 29, 2013

AROSKALDONG MANOK LABAN SA PORK

By Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy 29.10.2013



MGA KABABAYAN


Nakakalungkot dahil patuloy binabalewala ng ating pamahalaan ang panawagan ng nakararaming mamamayang Pilipino na iabolish ang pork barrel system na siyang dahilan ng korapsyon sa kabang yaman ng ating bayan. Isa itong mariing dagok para sa ating mga OFWs na malaman na ang bunga ng ating pagpapakasakit na madagdagan ang yaman ng bansa ay nauuwi sa wala dahil sa kasakiman ng mga walang budhing politiko na nakaupo sa pamahalaan kasabawat ang mga pekeng kontratista at NGOs.

Nararapat na ibaling ang pork barrel sa direktang pagtutustus sa mga serbisyo at pangangailangan ng taong bayan kasama na tayong mga OFWs,   tulad ng dagdag na badyet sa serbisyong ligal para sa ating mga OFWs na nagigipit sa bansang kinaroroonan nila, serbisyong medical para sa OFWs at kapamilya nito sa halip na taasan pa ang mga bayaring sa PHIL Health na labis na nagpapahirap sa mga OFWs, at maglaan ng sapat pondo para sa repatriation ng mga OFWs na naiipit sa mga gera at kaguluhan lalo na sa Middle East at North Africa.

Sa ngayon po ay lumalarga na ang kampanya para sa isang People’s Initiative laban sa Pork Barrel system na nangangailangan ng pirma ng 10% ng kabuuang bilang ng mga botante kasama na ang mga manggagawang migrante na kalat sa buong mundo. Dahil po dito kami po ay nanawagan sa ating mga kababayan dito sa Roma na sana po ay suportahan natin  ang inisyatibang ito. Sa darating pong ika 17 ng Nobyembre 2013 ganap na 1:00 ng hapon sama-sama  po tayong magtungo sa Piazza Manila at magsalo-salo sa aroscaldong manok  kontra pork barrel...


Ang ating panawagan:

MAGSILAHOK TAYONG LAHAT SA PEOPLE’S INTIATIVE LABAN SA PORK BARREL AT KATIWALIAN SA PAMAHALAAN!!!


PALAYAIN ANG BANSA SA KORAPSYON, IBASURA ANG PORK BARREL!!!



No comments:

Post a Comment