By Belarmino Dabalos Saguing
Rome, Italy 26.10.2013
Naghahanda ang
OFWs sa Roma ng isang ebento na gaganapin sa Pzza. Manila, Roma sa Nobyembre
17, 2013, na nagpapahayag ng kanilang pagsama sa kasalukuyang isinusulong ng na
People’s Initiative ng maraming sektor ng mga mamamayan sa Pilipinas.
Ang ebento ay tinatayang
lalahukan ng tatlo o higit pang mga organiisasyon ng mga Pilipinong
nagtatrabaho o naninirahan sa lunsod na ito at inaasahang lalahukan din ng iba
pang mga organisasyon.
Isang mariing
dagok para sa mga OFWs ang malaman na ang bunga ng kanilang pagpapakasakit na
madagdagan ang yaman ng bansa ay nauuwi sa wala dahil sa kasakiman ng mga
walang budhing politiko at kontratista ayon sa isa sa mga organizers ng ebento.
Marami din sa mga >OFWs sa Roma ang nagnanais na maalis ang Pork Barrel sa
ating pamahalaan.
Dapat na ibaling
ang pork barrel sa direktang pagtutustus sa mga serbisyo para sa mga
manngagawang migrante tulad ng dagdag na badyet sa serbisyong ligal ng OFWs na
napiopiit at nagigipit sa bansang kinaroroonan nila, ibaling sa SSS at Pagibig
plan ang salapi sa halip na taasan pa ang mga bayaring kaugnay dito na labis na
nagpapahirap sa mga OFWs at pondo para sa repatriation ng mga OFWs na naiipit
sa mga gera at kaguluhan lalo na sa Middle East at North Africa, sabi naman ng
iba.
Ang People’s
Initiative na nabanggit ay nangangailangan ng pirma ng 10% ng kalahatang
bilang ng mga botante, at ang mga manggagawang migrante na kalat sa boong mundo ay may sapat na bilang
upang makatulong nag malaki sa ipagtatagumpay ng inisyatiba.
No comments:
Post a Comment