Posted: 27 Oct 2013 08:17 AM PDT
“Sometimes it takes a natural disaster to reveal a social disaster,” sabi ni Jim Wallis, isang manunulat atpolitical activist, matapos ang mapaminsalang pagsalanta ng Hurricane Katrina sa Estados Unidos noong 2005.
Nataguriang pinakamaunlad na bansa ang Estados Unidos, pero umabot sa kalagayang krisis ang mga mamamayan dahil sa kawalan ng maayos na sistema ng pagtugon ng gobyerno. Samantala, gaya ng Estados Unidos, sinalanta rin ni Katrina ang bansang Cuba. Pero wala itong naitalang casualty at nailikas nang maaga ang mga Cubano.
Sa konteksto ng Pilipinas, halos buwan-buwan may kalamidad. Tuwing may kalamidad, kalunus-lunos ang mga imahe ng mga biktima. Marami rito ang imahe ng mga batang pinapakitang nagmamalimos, nakahilera sa kalsada, hinahabol ang anumang sasakyang mapadaan, nagbabaka-sakaling maabutan ng tulong.
Pero tila hindi nga natututo ang mga namumuno, dahil laging lantad pa rin ang kabagalan sa pagresponde sa mga biktima. Sa nagdaang mga taon, laging “caught flat footed” ang gobyerno kahit pa sabihin nitong handa ito sa anumang kalamidad. Ito ang malaking problemang sinusuong natin sa panahon ng kalamidad: kung paano ang tamang pagtugon sa mga biktima.
Nitong nakaraang linggo lamang, matapos ang lindol sa Bohol at Cebu, muling tumambad sa telebisyon ang imahe ng mga biktimang halos mamalimos na, at nagkakasya sa tagpi-tagping lona’t trapal para may masilungan sa open spaces. Takot sila na maulit ang pagguho ng mga bahay dahil na rin sa sunud-sunod pang mga aftershock. Muli ring nalantad ang mabagal na aksiyon ng gobyerno, at nagbunga pa nga ng kontrobersiya nang paalisin daw ni Mayor Leoncio Evasco, Jr. ng bayan ng Maribojoc ang isang grupo ng Red Cross sa pangunguna ni Richard Gordon.
Bakit nga ba laging may mga kontrobersiya sa pamamahagi ng relief goods? Ang malaking kasagutan: pulitika!
Babaybayin natin ang pangyayari sa kontrobersiya sa Maribojoc, batay na rin sa mga ulat sa midya at diskusyon ng netizens sa social media. Pinaalis ng meyor ang grupo dahil nais daw nitong makopo ang relief goods. Kesyo papogi ito ni Mayor Evasco at nais gamitin sa eleksiyon ang relief goods, at tinutulan ito ng mga taga-Red Cross. Nais diumano ng Red Cross na direkta sa tao ang pamimigay kaya istrikto sila sa kanilang guidelines dahil sa accountability sa kanilang donors.
Sa kabilang banda, depensa naman ni Evasco na nais lamang niyang sistematiko at organisado ang distribusyon: maipamahagi ang relief goods nang pantay-pantay sa lahat ng kanyang constituents sa mga barangay sa sentro man o maging sa mga liblib na lugar. Pinapatupad nila ang sentralisadong pamamahagi. Wala rin siyang planong gamitin ang pagkakataon para sa kanyang political ambition dahil huling termino na niya. (Sa pananaliksik ko sa karera niya, nanalo siya sa nakaraang eleksiyon na unopposed o walang kalaban). Marahil ang tanging pagkakamali ni Evasco ay ang pagtaboy niya sa grupo ng Red Cross at tila nakalimutan niyang siya ay isang elected public official.
Sa panahon ngayon, hindi maganda ang tingin sa mga pulitiko, laluna at putok na putok ang usapin ng korupsiyon sa gobyerno kasabay ng matagal nang karanasan ng lahat sa maraming pulitiko na nananamantala sa kalamidad para lamang makapagpapogi.
Parehong tama ang posisyon ng dalawang grupo: ang kagyat na makatulong sa mga kababayan natin sa Maribojoc. Walang masama sa sentralisado at organisadong distribusyon na nais ni Mayor; wala ring problema kung nais idirekta ng Red Cross ang kanilang tulong, at hindi ito dapat maging magkasalungat.
Nagkaroon ng problema nang nagmatigas ang Red Cross na ito ang dapat mamamahagi at isinantabi na ang katotohanan na lokal na opisyales o lokal na pangmasang mga organisasyon, kung mayroon sa lugar, ang siyang nakakaalam kung sinu-sino ang dapat na mabigyan ng tulong. Sa panahong may kalamidad at nagkakagulo pa ang lahat sa pagharap sa mga nasalanta hindi kagyat na kailangan ang anumang listahan ng mga benepisyaryo.
Sa gitna ng kontrobersiyang ito, mahahalata at nakapagtataka ang grabeng pagbatikos ng midya sa ginawa ni Evasco, lalo na ang naglalakihang media outlet na may sariling mga foundation. Pareho ang kanilang argumento sa Red Cross: may pananagutan umano sila sa kanilang donors. Pero ang iniiwasan nilang talakayin ay ang tanong na kung tama ba ang centralized, organized and equal distribution. O baka gusto lang din nilang magpapogi sa kanilang donors? Sa lawak ng nasalanta at daming biktima, hindi na siguro magtatanong ang donors kung saan napunta ang barya-baryang hinuhulog sa mga lata ng Red Cross sa bawat estasyon ng MRT at LRT, at sa mga tindahan sa malalaking malls.
Ang malaking katanungan naman sa mga mainstream media – inalam ba nila ang buong katotohanan sa nangyari bago nila “ipinako sa krus” si Mayor Evasco? Posible rin kaya na may pansariling interes din ang mga midyang ito sa kanilang pag-uulat at pumaypay sa arbitraryong pagbatikos ng netizens? Nakausap ba ng mga midya ito ang mga taong nakasaksi sa aktuwal na pangyayari? Dahil mayroon din namang kaibang sentimyento na lumalabas social media.
May dapat bang sisihin sa kontrobersiya o mga kontrobersiya tuwing may kalamidad? Maaaring maiwasan ang mga ito kung handa ang gobyerno mula sa nasyunal hanggang sa lokal na antas. Kasama na rin ang mga ahensiya ng gobyernong pangunahing trabaho ang pagtugon sa mga biktima. Kaso, ang nangyayari, laging huli at mabagal ang pagtugon. Kahit pa sabihin ngayon na on top of the situation ang gobyerno, hindi maikakaila na ilang araw na ang lumipas bago relatibong naisaayos ang tugon sa mga nasalanta.
Kadalasan, totoong ang unang nakakapagbigay ng tulong ay ang mga pribadong charitable institution at mga mga indibidwal na nais makapagbigay ng agarang tulong. Taliwas ito sa inaasahan na ang gobyerno ang pangunahing dapat na tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayang nasalanta upang makaagapay sa muling pagbangon. Napupunta ang responsibilidad na ito sa mga pribadong institusyong nagbibigay tulong at sa kalaunan ay siyang nagiging makapangyarihan dahil hawak nila ang life support para makatawid ang mga biktima. Sa ganitong kalakaran, itinutulak o sinusuhayan ng gobyerno ang culture of mendicancy, na aasa na lamang ang masang biktima sa tulong ng mga pribadong ahensiya sa loob man o labas ng bansa.
Sa usaping ito, naging kahanga-hanga ang paninindigan ni Mayor Evasco.
(Larawan din ang kontrobersiya sa Bohol ang ipinamamarali ng mga pulitiko na kailangan nila ang pork barrel para sa mga mahihirap at para sa pagtugon sa mga kalamidad. Kaya sa tuwing may kalamidad, asahan na may magsasamantala sa mga biktima na mga trapo at mga taong may ambisyon na nagtatago sa tsapa ng mga ahensiyang nagbibigay tulong.)

No comments:
Post a Comment