Tuesday, May 7, 2013

HINDI AWA KUNDI KATUMPAKAN, KATARUNGAN AT KARAPATAN

HINDI AWA KUNDI KATUMPAKAN, KATARUNGAN AT KARAPATAN

 

Malaking pagkakamali ang humingi ng awa buhat sa panig ng alam na nating hindi kailanman nagkaroon ng makataong damdamin. Hindi awa ang dapat hilingin ng mga nasa Jeddah tent city at Riyadh PE, kundi katumpakan sa pamamahala, katarungan at paggalang sa karapatan.

Ang mga pasuguan ng pamahalaan ay may obligasyon na suhayan at bigyan ng proteksyon ang karapatan at kagalingan ng lahat ng mamamayang Pilipino sa ibayong dagat na humihingi ng tulong sa kanila.

Ang pasuguan sa Riyadh at mga konsuladong nakapailalim  dito ay kumkakatawan sa pamahalaan ng Pilipinas, at ang laging sagot sa ating mga katanunghan at karaingan ay sumusunodf sila sa patakarang inilalahad ng Pamahalaan sa Manila. Kung gayon, ang mga inaasal ng mga opisyal ng Pasuguan sa Saudi ay nagsasalamin kung ano ang tunay na patakaran ng ating pamahalaan, buhat sas Pangulo hanggang sa pinakamababang kawani ng DOLE- DFA at mga pasuguan: pigain ang katas ng mga manggagawang migrante, at wala silang pakialam sa magiging kalagayan ng OFWs sapagkat hindi sila ang nag-utos upang magtungo ang OFWs sa ibayong dagat.


MGA KABABAYAN AT MGA KAPATID NA MANGGAGAWANG MIGRANTE, KAYO ANG MAGSURI SA MGA PANGYAYARI AT HUMATOL SA KATUMPAKAN NITO. PANAHON NA UPANG TAYO NAMAN ANG MAGSALITA!!!


- bdsaguing

No comments:

Post a Comment