Be a TRUE Iskolar ng Bayan! (The Undelivered Speech)
Note: This is the unabridged version of the speech. I was to deliver the shortened version (shortened due to time constraints) but to no avail because we were blocked by the marshals from our way towards the stage. Nonetheless, SR Arguelles did his job well by delivering a speech, instead, though the microphone was turned off while he was speaking. Translated version is after this note.
May we request everyone to offer a moment of silence,respect and prayer for our fellow Iskolar ng Bayan Kristel Tejada on her 40th day after her death last March 15 and for all Filipino youth, as well, who have been deprived of their fundamental right to quality and accessible education.
Usa ka mapula ug taas-kumong pagsaludo kanatong tanan, mga Iskolar ng Bayan, sa atong mga magtutudlo ug kawani, ug labi na sa atong mgaginikanan ug sa uban pang mga nagpaskwela kanato labi na ang masang katawhan.
Sa katapusan, kita ni-graduate na jud human sa upat ka-tuigo labaw pa, di lamang bahin sa acads kon dile apil na ang pagraduate nato sa mga ginaproblema sa usa ka Isko ug Iska susama sa pagpangita'g mga paagi aronmakakwarta para ibayad sa matrikula; ang paghulat sa taas nga linya sa STFAP Application arun ipamatuod nga probe pa ta's tanang pobre; ang pagbalanse sa pagtuon, trabaho ug panlawas para sa mga working students; ang pagpasar-pasar sa pagkaon aron makatipid; ug uban pa.
Sulod sab sa upat ka tuig o labaw pa, kita nagkauban saatong mga pakigbisog alang sa atong mga katungod ug kaayuhan ug nagkauban sabkita sa pag-ani sa mga bunga aning atong mga pakigbisog sama sa padayon ngaoperasyon sa UP High, dugang nga badyet sa UP ug sa State Universities andColleges (SUCs), pagpahawa sa usa ka undemocratic dean, pagpaabli sa duha kagates, pagpatukod sa mga tambayan, ug uban pa.
Pero bisan pa'g kita nakakab-ot ug mga kadaugan, padayongihapon ang bulok nga sistema sa pagpig-ot kanatong nga mga estudyante ugkabatan-unan. Bisan pa ma'g gipanghambog sa administrasyong Aquino ang pagdugang niya sa badyet sa UP ug SUCs, aduna gihapo'y 17B pesos nga pagkaltas sa proposed budget sa SUCs para karung tuiga. Padayon gihapon ang pagsaka sa mga matrikula ug uban pang balayrunon sa mga publiko ug pribadong tunghaan ubos sa komersyalisado nga sistema sa edukasyon. Gani, kita nakasaksi sa giunsa pagpatay sa bulok nga sistema gamit ang mga mekanismo niini susama sa Tuition Increases, STFAP, Student Loan, ug uban pa, ang atong kauban nga Iskolar ng Bayan nga si Kristel Tejada ug ang pagpatay sa mga damgo sa tanang mga kabatan-unang gihikawan sa ilang katungod sa edukasyon.
Isip mga graduates, makaingon kita nga luwas na kita aningmga problemaha. Apan dili. Ig-gawas nato aning Unibersidad, labi na sa pagpanarbaho nato, kita na usab ang makasinati sa mga kalisdanan sa atong mga ginikanan ug sa katawhan -- kita na usab ang masakitan sa kamahal sa mga palalitunon, sa kalisod sa pagpangita'g trabaho ug ang pag-abuso sa mga employers, sa kamahal sa plete kay dile na man kita pwede makaingon nga "estudyante, Nong, estudyante", ug sa kalisod sa pagpangita'g kwarta aron igasto sa pagpa-eskwela sa atong mga anak puhon. Dinhi na gayod nat omakita ug mapamatud-an nga ang mga problema sa mga estudyante, dile gayod hilayo sa mga problema sa katilingban sa kinatibuk-an. Sulod ug gawas man sa tunghaan, kitang tanan apektado sa mga kontra-katawhan nga polisiya sa Daang Matuwid ni Aquino nga tataw kaayo nga para lamang sa imperyalistang US ug sa mga tuta niining mga lokal nga adunahan.
Mga Iskolar ng Bayan, ig-gawas nato ngadto sa atong katilingban, aduna lang kita'y duha nga mga kapilian: ang mutrabaho ug muserbisyo sa mga namig-ot o sa mga gipig-ot? sa mga nang-abuso o sa mga gipang-abuso? sa mga nanghimulos o sa mga gipanghimuslan? sa Daang Matuwid o sa Tamang Daan? sa pagpabilin sa kasamtangang kahimtang o sa pagduso og kabag-uhan?
Nan, nasayod ang tanan nga kita ganahan og kabag-uhan saatong katilingban. Apan, labaw pa sa atong partisipasyon sa umaabot na eleksyon pinaagi sa pagpili sa mga makabayan ug makamasang lider, mahitabo lamang angtiunay nga kabag-uhan kon kita musalmot sa nasudnong-demokrasyang kalihukanalang sa pagbag-o sa katilingban. Atong ihiusa ang atong mga kusog sa kusog sa masang katawhan.
Isip mga Iskolar ng Bayan nga gipa-eskwela sa katawhan, responsibilidad nato nga ubanan ang katawhansa pagpangita'g tiunay nga hustisya ug kauswagan. Responsibilidad nato nga ubanan sila:
- sa pagduso sapag-apud-apod sa yuta ngadto sa atong mga mag-uuma sama sa mga mag-uuma sa Hacienda Luisita ug Aloguinsan;
- sa pagduso sa dugang nga suweldo ug benepisyo sa atong mgaginikanan ug sa tanang mga mamumuo;
- sa pagduso sa dugang ug sakto nga badyetalang sa edukasyon, healthcare, housing ug uban pang mga batakang serbisyo;
- sa pagprotektar sa atong mga kababayen-an ug kabataan;
- sa pagprotektar sa soberanya sa atong nasod gikan sa mga langyaw ug imperyalista; ug,
- sa pagprotektar sa atong kalikupan alang usab sa mga musunod nga kaliwatan.
Kay kita, dile lamang Iskolar para sa Bayan. Kita, gitawag nga mga Iskolar NG Bayan kay KAUBAN dapat kita sa katawhan sa pakigbisog alang sa katungod ug kaayuhan sa tanan ug alang sa tinuod nga kagawasan ug demokrasya sa atong nasod Pilipinas. Ug ang masang katawhan ang mao'y katapusang hukom kon kita, matinud-anon ba sa atong paka-Iskolar ng Bayan.
Busa, ang dakong hagit sa ato-a, bisag asa man kita maadto o muadto: be a true Iskolar ng Bayan!
Mga Isko ug Iska, humayo't gamitin ang talino at husay at ialay ang buhay sa paglilingkod at pagtatanggol sa sambayanan!
Para sa tunay na demokrasya't kalayaan!
Mabuhay tayong mga Pag-asa ng Bayan!
Serve The People!
[Translation - Filipino]
May we request everyone to offer a moment of silence, respect and prayer for our fellow Iskolar ng Bayan Kristel Tejada on her 40th day after her death last March 15 and for all Filipino youth, as well, who have been deprived of their fundamental right to quality and accessible education.
Isang mapula't taas-kamaong pagsaludo sa ating lahat, mga Iskolar ng Bayan, sa ating mga guro at kawani, at lalo na sa ating mga magulang o kung sinu-sino man ang nagpaaral sa atin, lalo na ang masang Pilipino.
Sa wakas, tayo'y nagtapos din matapos ang apat na taon o higit pa di lamang sa usaping akademiko kundi pati na rin ang pag-gradweyt natin mula sa mga suliraning kinakaharap ng bawat Isko at Iska gaya ng paghahanap ng mga paraan para makapera pambayad sa matrikula; ang paghihintay sa mahabang linya ng STFAP application upang patunayan na tayo'y mahirap pa sa lahat ng mga mahihirap; ang pagbalanse sa pag-aaral, trabaho at kalusugan para sa mga working students; ang sobrang pagtitipid sa pagkain; at iba pa.
Sa loob din ng apat na taong ito o higit pa, tayo'y nagsama-sama sa ating mga laban para sa ating mga karapatan at kapakanan at nagsama-sama rin tayo sa pag-ani ng mga bunga ng mga labang ito gaya na lamang ng patuloy na operasyon ng UP High, dagdag na badyet sa UP at sa mga State Universities and Colleges (SUCs), pagpatalsik sa isang undemocratic dean, pagpabukas ng dalawang UP gates, pagpatayo ng mga tambayan at iba pa.
Subalit, kahit nakasungkit tayo ng mga kapanalunan, patuloy pa rin ang bulok na sistema sa pagsupil sa atin na mga estudyante at kabataan. Kahit pa man na ipinalalandakan ng administrasyong Aquino ang dagdag na badyet sa UP at SUCs, mayroon pa ring 17B pesos na pagkaltas sa badyet na ipinanukala ng mga SUCs sa taong ito. Patuloy pa rin ang pagtaas nga mga matrikula at iba pang mga bayarin sa mga publiko't pribadong paaralan sa ilalim ng komersyalisadong sistema ng ating edukasyon. Sa katunayan, atin pong nasaksihan nitong Marso kung paano pinatay ng bulok na sistema, gamit ang mga mekanismo nito gaya ng Tuition Increases, STFAP, Student Loan at iba pa, ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si Kristel Tejada at kung paano rin pinatay nito ang mga pangarap ng mga kabataang ninakawan ng kanilang karapatan sa edukasyon.
Bilang mga gradweyt, inaakala nating tayo'y ligtas nga sa mga sularining ito. Subalit, hindi. Sa paglabas natin mula sa Unibersidad na ito, lalo na sa ating pagtatrabaho, tayo na naman ang makakaranas ng lahat ng mga paghihirap ng ating mga magulang at ng sambayanan -- tayo na naman ang masasaktan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa kahirapan sa paghahanap ng trabaho at pang-aabuso ng mga employers, sa mahal na pamasahe dahil di na tayo pwedeng magsabi ng "estudyante po Kuya, estudyante po", at sa kahirapan sa paghahanap ng perang pantutustos para sa pag-aaral ng mga magiging anak natin. Dito na natin makikita at mas mapapatunayan na ang mga problema ng mga estudyante ay tunay na di hiwalay sa mga problema ng lipunan. Nasa loob o labas man ng paaralan, tayong lahat ay apektado sa mga kontra-mamamayan na mga polisiya sa Daang Matuwid ni Aquino na klarung-klaro na para lamang sa imperyalistang US at ang mga tuta nitong nanggagaling sa naghaharing-uri ng ating lipunan.
Mga Iskolar ng Bayan, sa paglabas natin patungo sa lipunang ating ginagawalan, tayo ay may dalawang pagpipilian lamang: ang magtrabaho't maglingkod para sa mga nanunupil o sa mga sinusupil? sa mga nang-aabuso o sa mga inaabuso? sa mga nagsasamantala o sa mga pinag-sasamantalahan? sa Daang Matuwid o sa Tamang Daan? sa pagpapanatili ng status quo o sa pagsulong nga pagbabago sa lipunan?
At alam naman ng lahat na gusto natin ng pagbabago sa lipunan. Datapuwa't, mas higit pa sa ating partisipasyon sa darating na eleksyon sa pamamagitan ng pagboto sa mga makabayan at makamasang lider, magaganap lamang ang tunay na pagbabago kung tayo ay lalahok sa pambansang demokratikong kilusan para sa pagbabago sa lipunan. Ating ipagsama ang ating mga lakas sa lakas ng masang Pilipino.
Bilang mga Iskolar ng Bayan na pinag-aral ng taumbayan, responsibilidad natin na samahan ang taumbayan sa pagkamit ng tunay na hustisya at kaunlaran. Responsibilidad natin na samahan sila:
- sa pagsulong ng pamamahagi ng mga lupain sa ating mga magsasaka gaya ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at sa Aloguinsan;
- ang pagsulong ng dagdag na sahod at benepisyo sa ating mga magulang, guro at sa lahat ng mga manggagawa;
- ang pagsulong ng dagdag at saktong badyet para sa edukasyon, healthcare, pabahay at iba pang mga batayang serbisyong-panlipunan;
- ang pagtatanggol sa ating mga kababaihan at kabataan;
- ang pagatanggol sa ating soberanya mula sa mga dayuhan at mga imperyalista; at,
- ang pagtatanggol sa ating kalikasan mula sa mga pang-aabuso para sa mga susunod na henerasyon.
Sapagka't tayo ay hindi lamang mga Iskolar para sa Bayan. Kundi, tayo ay tinaguriang mga Iskolar NG Bayandahil tayo ay KASAMA ng taumbayan sa bawat laban para sa karapatan at kapakanan ng lahat at para sa tunay na kalayaan at demokrasya sa ating bansang Pilipinas. At ang masang Pilipino ang silang huling maghuhusga kung tayo ba ay tunay ngang mga Iskolar ng Bayan.
Bagkus, isang malaking hamon sa ating lahat, kahit saan man tayo mapunta o pumunta: be a true Iskolar ng Bayan!
Mga Isko ug Iska, humayo't gamitin ang talino at husay at ialay ang buhay sa paglilingkod at pagtatanggol sa sambayanan!
Para sa tunay na demokrasya't kalayaan!
Mabuhay tayong mga Pag-asa ng Bayan!
Serve The People!
No comments:
Post a Comment