Wednesday, October 30, 2013

POEM | "Ang Pork Barrel."






  • Ang Pork Barrel ay parang litsong baboy na malinamnam,
    Sarap to the bones kapag ito'y iyong matikman.
    Kaya naman mula sa Senador,Kongresista,Mayor at Kapitan,
    Ibubuwis ang buhay maluklok lamang sa tronong pinag-aagawan.

    Di nila alintana naghihirap at nagugutom na mga kababayan,
    Mapuno lamang ang mga bulsa ng mga gahaman.
    Masakit isiping mga remittances nating mga OFW,
    Ay mga buwaya ang nakikinabang.

    Kaya naman ng mabunyag ang kanilang pagkagahaman,
    PORK BARREL sa kanilang diksyonaryo ay agarang pinalitan,
    Mula sa PORK BARREL,PDAF,
    Ngayo'y maging MONITORING FUND.
    LOUIS VUITTON pa ang wheelchair na kinasadlakan.(Oinks)

    Anumang kahihinatnan nitong mainit na isyu ng Pork Barrel mga kababayan,
    Buksan ang ating mga mata't isipan di masama ang makialam,
    Nang di magpatuloy panloloko ng mga may kapangyarihan,
    Panahon na upang kitlin ang kanilang pagkagahaman!



No comments:

Post a Comment